#7

605 5 2
                                    

"Ohh. Hi Sophie! Kumusta?" ngumiti ako at sinubukan umarte ng normal sa harap niya kahit kita ko yung halong galit at lungkot sa mata niya.

"Ayos tayo. Ang lakas naman ng loob mong sabihin yan. Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"Ha? A-n-o ba sinasabi mo di kita maintindihan!" Di ko alam kung bakit nagpapanggap ako na di ko alam kung anong tinutukoy niya.

"Kung di mo alam. ITO!" binato niya sa harap ko yung mga litrato. Pinulot ko para tignan kung ano yung nandun. Nakita ko yung mga kuha.. Yung una yung sinundan ko si Carl nung nireject siya ni Sophie.

"Sophie.. Para malaman mo. Itong picture na to. Ito yung iniwan mo siya. Sinubukan ko lang siyang icomfort. Wala yung malisya!" Naiiyak na ko dahil sa halong inis.

"Oh?Really. Unbelievable. HAHAHA." Naiinis na talaga ko. Gusto ko na umalis dito kaso kailangan kong ipagtanggol sarili ko.

Kinuha ko yung pangalawang picture.. Yun yung sa Bench. Yung inutusan ako ni Kaye na kunin yung notebook niya.

"For your information Sophie. May kinuha lang akong notebook nito. Lahat na lang ba lalagyan mo ng malisya? " Sobrang nangigil na talaga ko..

"Talaga? Oh. Baka naman may gusto ka kay Carl? Wait let me rephrase it.. It's not "baka". May gusto ka naman talaga." sarcastic niyang sinabi sa harap ko.

"Bakit mo bang ginagawang malaking isyu to? Bakit kayo ba? Wala kang karapatan na pagbawalan akong lumapit sa kanya dahil lang sa gusto mo!" pagkasabi ko niyan bigla niya kong sinampal ng malakas.

"You deserve that. Wala kang alam. Kaya wag na wag kang magsasalita ng ganyan. Pathetic loser. Wag ka ng umasang magkakagusto si Carl sayo. You're not his type. Not even a bit." then she left. Arg.

Tumakbo ako kahit di ko alam kung saan ako papunta.

I hugged my knees and cried very hard.

"Hey. Miss. Okay ka lang?" that voice.. Tumingala ako at di nga ako nagkamali..

"C--a-r--l?"

"What happened? Bakit ka umiiyak?" pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya.

Nagdalawang isip ako na sabihin sa kanya kung bakit..

"Namatay kasi yung pusa ko." Sana maniwala.

"Pusa? Weird mo. Pusa lang grabe ka makaiyak. Alam ko di yan yung totoong reason. Pero kung ayaw mo sabihin i respect that naman." Hay. Kung alam mo lang Carl. Ikaw ang pinagmulan nito. <////3

"Hehe. Thanks. Ang bipolar mo no? Minsan ang sungit minsan mabait." Di ko alam pag nakikita ko talaga yung face niya. I feel relieved.

"Depende sa mood ko. Timing kasi lagi pag kinausap mo ko. Badtrip ako." He looked like an angel talaga. :">

"Carl. Malabo ka ba magkagusto sakin?"

Hala. Ano ba yang lumabas sa bibig ko. Lagot na..

-

Chinito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon