CHAPTER 1
"Siguro’y umiibig, kahit di mo pinapansin. Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika’y mapatingin...”
Yan kanta ko sa kanya. 4th year highschool pa lang ako, crush na crush ko na sya. Kaya lagi kong pinapatugtog yan, bago pumasok, recess, lunch, vacant time, uwian, bago matulog at sa kahit anong oras pa man ng isang araw.
Ewan ko ba.. Gift pack na kasi sya eh. Gwapo, matalino, mabait, tas kachurchmate ko pa. Bale sa meal, combo meal na sya eh. Kaso wala naman akong magagawa eh, tanggap ko naman, hanggang dito lang ako.
Alam mo yun. Yung masaya na ko, makita ko siya, kahit malayuan pa. Drama ba? Sorry naman. Ganon naman ata talaga eh. HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY.. Ewan ko talaga.
Ang gulo ko. Ang gulo din niya. Minsan magpaparamdam, minsan hindi. Masisisi mo ba kong umasa? Di naman siguro db?
Isang napakahabang love story, na hindi ko alam kung san ang ending. Actually kung pwede lang maging superman kahit isang oras ginawa ko na, makita ko lang kung anong kaduluduluhan nitong pagpapantasya ko.
Bat kaya ganun noh? Kahit alam mo sa sarili mong kahit kelan, di ka nya papasinsinin, di mo pa rin iisiping wala kang pagasa. Go with the flow. Yan naman kadalasan nasa isip ng mga umaasa. Di ko naman sya masisisi kung bat ako umaasa eh, una sa lahat, ako naman may choice nito. Yung tignan sya sa malayo, yung magdaydream habang nasa klase, at pinakamalupit sa lahat, magpapansin sa chatbox. ON and OFF.. Haay kaloka. Wala namang nangyayari. Kahit ata magsayaw ako sa harapan nyan di ako mapapansin nyan eh, pano ba naman kasi, masyadong chickboy, andami pang hinahanap, nandito lang naman ako, CHOS!
Di pa nga pala ko nakakapagpakilala, sa dinadami dami ng dinaldal ko, at sa dinadami dami ng dinrama ko, wala pa pala kong naibibigay na pangalan. PATHETIC!
Well.. well..
I’m Beatrice Geanna (pronounce as ji-ya-nna) Maki. Well, oo. Half Japanese ako. Akalain mo yun? Well, ganun talaga. Pero sa dugo at sa puso, ako’y isang Pilipino! MAKIBAKA! MAKIBAKA!
Tama na sa kabaliwan ko. Gusto ko ng ipakilala ang aking well...... CRUSH. -___-
BINABASA MO ANG
Where I Fall (Completed)
Novela JuvenilStudyante din ako. Pero ako yung tipo ng estudyanteng namumuhay sa pagiging scholar. Babaeng nabubuhay sa kain, tulog, computer, aral. Nabago lahat yan ng makilala ko si Luke. Ang taong walang ibang ginawa kundi asarin ako. Sa storyang to, di lang a...