CHAPTER 2
Oo, tama ka sa nabasa mo. Crush.
Yung crush na pinapantasya ko, sya yun.
Ibubunyag ko na mahalaga nyang pangalan...
Ten tenen nen......
Siya si...
Luke Jaden Morales.
Pero oyy, wag kang ambisyosa, kung babae ka man, ambisyoso naman kung sa lalaki,alam mo naman yun db? Kdot. Wag ka ngang ganun, syempre, ibubunyag ko ba naman totoo niyang pangalan? Sa librong toh? Syempre hindi noh! Palit tayong posisyon! Ikaw nagsusulat, ako nagbabasa? Wag kang chismosa girl!
So ayun nga, nabunyag ko na ang inimbentong pangalan ko sa kanya. CHOS! Actually netong mga nakaraang August, madalas akong pumunta sa kaniyang paboritong lugar. MalaNicholas Sparks lang? Pero seryoso, madalas kaming magpunta dun. Pero hoy! Wag mong sabihing sinasadya ko ah, kailangan ko lang talagang pumunta dun!
Ayun nga, alam ko naman di niya ko napapansin eh, kahit ilang ulit pa kong dumaan sa harap niya, wala eh. Poker face. Nakakainis! Siguro nga kahit na magtatumbling pa ko, magsasayaw pa ko, magpakabaliw baliw ako sa harap nun, wala talagang pagasa! HAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!
Nitong susunod na linggo nga, pupunta kami dun ulit? Hmmmm. Ano kayang pwedeng isuot? Wedding gown? Chos!
Alam mo ba, merong isang di kanais nais na pangyayari..
Yun bang ayaw mo ng balikan?
I mean, ako pala.
Pero wala eh, binabalikan pa din natin ngayon.
Baliw ko talaga.
Pero eto kasi eh,
Isang twist to na ewan ko ba, kung babasahin mo pa.
Pero hiling ko lang sayo, dear reader, sana naman di mo sukuan ang pinaka baliw na storyang mababasa mo.
Sinulat ko to mula sa aking puso,at hindi mula sa aking isip.
HAHAHAHAHAHA
Pasensya naman? Masyadong madrama. Pero totoo talaga yun, promise na promise.
Wag ka sanang mainis.
Pero eto na nga, ikekwento ko na. Wag mo na iexit o ilipat.
Punta ka ng next chapter. :>
~~~~
Pasensiya na kayo kung feeling nyo pinagtitripan kayo ng inyong author, pero nasa introduction pa din tayo, chos! :)))) Sana ituloy tuloy nyo ang pagbabasa! Totoo na talaga to promise!
Follow me up on twitter nga pala: http://www.twitter.com/********
Syempre! Mananatili pa din akong misteryo sa inyo! Abangan nyo na lang sa susunod na chapter ;)
BINABASA MO ANG
Where I Fall (Completed)
Fiksi RemajaStudyante din ako. Pero ako yung tipo ng estudyanteng namumuhay sa pagiging scholar. Babaeng nabubuhay sa kain, tulog, computer, aral. Nabago lahat yan ng makilala ko si Luke. Ang taong walang ibang ginawa kundi asarin ako. Sa storyang to, di lang a...
