Chapter 34
BEA's POV
"Maybe we're friends, maybe were more, maybe it's just my imagination, but I see you stare, just a little too long, and it makes me start to wonder, so baby, call me crazy, but I think you feel it too, maybe I, maybe I, just gotta get next to you"
SONG OF THE WEEK!
MYGOSH! By Jordin Sparks nga ho pala yan, click the multimedia below :)))
At ayun, hindi ko alam kung anong nangyayari sa isang buong linggo na to, at sa mga tao sa universe. Ewan ko ba. Pano ba naman kasi? Si Indi- I mean, si Mikee, lagi na lang hatid sundo ako. Sabay kami maglunch. Sabay magrecess. Sabay magreview para sa mga exams. Halos hindi ko na nga nakakasama si Kat eh.
Pero? Bat parang gusto ko? Parang masaya ko?
Parang iba..
Siguro, nakakamove on na ko.
Second chance for love? Why not db?
HAAAAAAAAAAAAAAAAAAY.
Sige na! Aaminin ko na! Crush ko na siya! I mean, gusto ko na siya..
Ata?
Kasi alam mo yung feeling na masaya ka pag kasama mo siya.
Puro tawanan lang kayo. Peace lang yung nasa paligid.
Tas pag gabi, ang hirap matulog kasi naiisip mo yung mga pinagusapan niyo, yung mga tawanan niyo.
Excited ka lagi pumasok para makita siya.
Pano ba naman kasi db? Laging may gwapong nilalang nagaabang sayo sa gate, sinong di gaganahan pumasok nun db!?
"Bea!
'Oh? Andito ka na pala ^_______________________^
Di ko na papahulaan kung sino yan, halata niyo na sa ngiti ko -___________________
Konting pakipot naman Bea >.<
"Ehhh maaga kami pinalabas eh. Ano? San tayo kain ngayon?
"Hmm, sa MCDOOOOOOOOOO!
"Mcdo ka na naman, di ka ba nagsasawa? Purgang purga na tayo dun!
"Eh syem-
"Bea, can we talk?"
O___________________________O
"H-ha? Uhm, a-ano kasi, L-luke, k-kakain na kasi kami.
"Sandali lang." Luke.
"Bakit ba Luke? Anong kailangan mo sa kaniya?" Mikee.
O______________________________________________O
Sige superhero ko! Ipaglaban mo ko! Ipaglaban mo ko!!!
"Labas ka na dun" Luke.
"Panong labas eh ako may responsibilidad sa kaniya ngayon hindi ikaw?" Mikee.
Oh oh! I smell some away!
"Uhm ano, Mikee, sandali lang naman eh, promise! Babalik din ako agad! ^___________^
"Sige."
"Ano bang kelangan mo?
"Ikaw.
"Ano!?
"Ikaw kelangan ko! Tigilan mo na nga to!
"Tigilan ang alin!?
"Ang pagpapanggap na siya ang gusto mo at hindi ako!
"Ano na naman ba to!?
"Sorry na! Hindi ko naman sinasadyang iwan ka ng ganun!
"Pwede ba? Tapos na yun. Matagal ko ng nakalimutan yung gabing yun. Ano pa bang pinaglalaban mo? Kasama mo na nga siya db? Kasama mo na si Marie! Makuntento ka na!
"Hindi ako makukuntento hangga't nakikita kong iba kasama mo't hindi ako!
*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH!
"TIGILAN MO NA SIYA LUKE! TIGILAN MO NA!"
"TEKA MIKEE!? HUY! ANO BA!
"ANO BA BEA?! DI KA PA BA NADADALA!? PINAIYAK KA NA NIYAN AH!?
"ANO BANG PROBLEMA MO!?" Luke.
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!" Mikee.
"ANO BA!!!!!!!! TUMIGIL NA NGA KAYONG DALAWA!
"HALIKA NA BEA!" Mikee.
"Ano ba!? Teka nga, nasasaktan ako!"
"Ano ba?! Kulang pa ba ko ha?!
"Ano bang pinagsasasabi mo?!
"Bea mahal kita! Ilang beses ko bang dapat sabihin yan sayo ha!? Bat kahit na andito na ko, siya pa din ang hinahanap mo!? Bat pagkatapos kitang pasayahin, kakalimutan mo lang lahat yun once na bumalik siya sayo?! Di mo ba naiisip, may mga taong nasasaktan sa mga ginagawa niyo, si Marie at lalong lalo na ako!
........................................................................
"Mikee, s-s-sorry."
Author's NOTE:
Haba ng chapter na to! WOOOO! INTENSE RIIIN! Anyways guys,out na po sa Youtube ang Where I Fall, Official Trailer! Please watch and vote! KAMSA! http://www.youtube.com/watch?v=SHYvEgsVU14
BINABASA MO ANG
Where I Fall (Completed)
Teen FictionStudyante din ako. Pero ako yung tipo ng estudyanteng namumuhay sa pagiging scholar. Babaeng nabubuhay sa kain, tulog, computer, aral. Nabago lahat yan ng makilala ko si Luke. Ang taong walang ibang ginawa kundi asarin ako. Sa storyang to, di lang a...