CHAPTER 5
Another confession..
Luke: Oy panget!
Bea: Panget ka din!
Luke: Gusto mo na ba makilala si sis?
(Si sis yung girl na sinasabi na niya saking matagal na niyang gusto. Feeling ko nga ako yun eh :P )
Bea: Oo naman. Matagal ko na kayang tinatanong sayo yan!
Luke: Di ikaw yan! Wag kang feeling!
:(
Bea: Eh sino nga?
Luke: Marie
Bea: Sabi na eh! :))) (fake laugh :( )
Luke: Oh yeah ;)
Bea: Hahaha! Deny deny pa!
Luke: Syempre! Shh ka lang ah
Bea: Oo na ;P
Luke: Good :D
Bea: Sige, out na ko. Ingat
Luke: Sige shh lang ah!
Di ko makakalimutan yan. Yang scenario na yan. Sino ba namang babae makakakalimot niyang sabihin yan ng mahal niya sa kanya? Alam mo yun? Bastusang kupido eh! Sakit! Lakas ng tama! Tagos tagusan hanggang bones! </3
Pagtapos niyang conversation na yan, tinatry kong iwasan siya, sinusubukan kong wag magonline sa Facebook, wag magreply sa mga texts niya, at wag sagutin mga tawag niya. Syempre, kinonsider ko ng magmove on. Pano? Nakakainsecure. Alam ko naman kasing wala akong panama kay Marie. Sikat na sikat yan. Girl-next-door nga kung tawagin.
Di ko pa pala nadedescribe sarili ko noh? Ngayon siguro yung right time? May kaputian, payat, madaming tigyawat, mahaba buhok, may sungki sungki at di pantay pantay na ipin, may pangong ilong, walang kahit na anong tambok sa katawan, may malaking mata. Sige na. Wag niyo ng sabihin yung isang word na alam ko na. OO NA! PANGET NA! Grabe! Kulit ng mga readers! Kaimbyerna!
Hanggang daydream na lang talaga ko...
Oo na...
Tanggap ko na yan....
~~~~
AUTHOR's NOTE:
Super sad ng chapter na to kahit na mejo loka loka pa din si Bea. Naiiyak ako habang sinusulat ko to, charot! :)) Sana patuloy niyo pa ding suportahan tong story na to! I love you dear readers! ;*
XOXO
BINABASA MO ANG
Where I Fall (Completed)
Teen FictionStudyante din ako. Pero ako yung tipo ng estudyanteng namumuhay sa pagiging scholar. Babaeng nabubuhay sa kain, tulog, computer, aral. Nabago lahat yan ng makilala ko si Luke. Ang taong walang ibang ginawa kundi asarin ako. Sa storyang to, di lang a...