"Okay answer the following questions on your answer sheets, I'll give you twenty minutes."
Isang linggo na ang nakalipas mula noong tinapon sakin ni Evan ang niluto ko at isang linggo ko na rin siyang paulit-ulit na sinusuyo dahil dun sa nangyari.
"Alam kong hindi ka nag-aral dahil nagdate na naman kayo ni Giovanna kaya akin na yang papel mo,ako na magsasagot." nakangiting sabi ko sa kanya sapat para kami lang ang makarinig.
Magkatabi kami ngayon at hindi namin kaklase si Giovanna sa Bio.
Binigay niya sakin ang papel niya at nakangiting inabot ko naman ito atsaka sinagutan.
'Binigay niya sakin yung papel niya,ibig sabihin ba nun,tinatanggap niya na yung sorry ko?'
Tahimik na umub-ob siya habang mabilis na sinagutan ko ang papel naming dalawa.
Pinag-aralan ko 'to kaya sigurado ako sa mga sagot ko.
Nang matapos kong sagutan papel niya ang marahan ko siyang kinulbit.
"Evan,tapos na" mahinang sabi ko.
Agad siyang tumunghay at walang sabi-sabing kinuha ang papel niya atsaka umub-ob ulit.
Napangiti nalang ako sa kanya. Si Evan yung tipo na taong hindi showy pero para sa taong mahal niya, lahat naipapakita niya.
Parang ako, hindi naman ako ganito dati pero para sa kanya, lahat gagawin ko.
'Iba talaga nagagawa ng pag-ibig'
"Finish or not finish, pass your papers."
Agad kong pinasa sa unahan ang papel ko pero napansin kong hindi parin tumutunghay si Evan.
'Napuyat siguro'
Dahan dahan kong kinuha sa kanya ang papel niya atsaka pinasa narin sa unahan.
"Okay let's call it a day,class dismiss." paalam ng prof namin sabay labas ng classroom.
Kasabay ng paglabas ng professor ay ang pagtayo rin ng mga kaklase ko palabas hanggang sa kaming dalawa nalang ni Evan ang natira sa room.
"Uy Evan, dismissal na." sabi ko sabay sundot sa likod niya pero hindi parin ito natinag.
"Evan gising na." sabi ko pa habang niyuyugyog ang balikat niya.
"Ano ba?!"
Nagulat naman ako nang bigla itong sumigaw.
"S-sorry" napapahiyang sabi ko.
"Ilang beses ko na bang narinig sayo yang sorry na yan ha? Alam mo, nakakasawa na! Para kang sirang plaka dahil paulit-ulit ka nalang nagsosorry!!" singhal niya ulit.
BINABASA MO ANG
A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016
Short StoryShe's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk and hard headed guy of their campus.