Reign's POV
Madaling araw pa lamang pero gumising na'ko.Nagtoothbrush at naghilamos na'ko bago bumaba.
Pagkababa ko ay nadatnan ko dun si nanay Melinda na kagigising palang.
"Oh Reign anak ba't ang aga mong gumising ngayon?Sa pagkakaalam ko ay wala kang pasok ngayon.Teka sandali,ipagluluto kita ng umagahan mo." aniya atsaka dali daling pumunta sa kusina
"Teka nanay Melinda wag na po kayong magluto.Ako nalang po." pagprisinta ko
"Ha?Teka bakit naman?" nagtataka niyang tanong
"Wala lang po.Maupo nalang po kayo dyan at magrelax.Ako ang magsisilbi sa inyo." nakangiting sabi ko atsaka pinaupo siya sa isang upuan doon
Nagluto nalang ako ng omelette at bacon.
Habang nagluluto ako ay kinausap ko si nanay Melinda na noo'y nakatingin lang sakin.
"Atsaka nga pala nanay,maghanda po kayo ngayon,pakisabi na rin po kay manong."
"Ha?Bakit anong meron?" tanong niya
"Pupunta po tayong Tagaytay mamaya.Magp-picnic tayo." nakangiti paring sagot ko
"Eh?Bakit biglaan naman ata?Tsaka anong meron?" muli niya pang tanong
"Wala naman po.Naisip ko lang na mag unwind tayo,feel ko lang po.Tatawagan ko rin po mamaya si Chester para sumama satin." sagot ko
"Sabagay para naman makapagrelax ka.Balita ko maganda daw dun sa Tagaytay." aniya
"Ah opo.Nakarating na din kami dun dati ni mama." malungkot ang ngiting sabi ko
"Ah bale anong mga dadalhin natin?Anong lulutuin ko?" pag-iiba niya sa usapan
"Kayo na po ang bahala.Dun nalang po tayo bibili ng isda para iihaw." sagot ko
"O sige sige.Excited na'ko" bakas ang pagkagalak sa mukha niya
Napangiti nalang ako sa kanya.
Pagkatapos kong magluto ay sabay kaming kumain at nagkwentuhan ng konti bago ulit ako tumaas sa kwarto ko.
Kinuha ko ang phone ko at agad dinial ang number ni Chester.
BINABASA MO ANG
A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016
Short StoryShe's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk and hard headed guy of their campus.