Regret 4

4.2K 85 4
                                    

"Reign tama na." tahan sakin ni nanay.

Hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya kanina. Alas siete na ng gabi at katatapos lang namin kumain pero pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay bigla nalang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi niya 'ko tanggap nanay dahil sa anak lang ako sa labas." humahagulgol na sabi ko.

Hanggang ngayon ay parang nagpapaulit-ulit sakin lahat ng sinabi niya---sariwang sariwa at parang nakatatak na sa isip ko.

"Sabi ko naman sayo anak eh, tigilan mo na siya. Ikaw lang ang mahihirapan niyan." nag-aalalang usal niya.

Napatigil naman ako nang biglang nanikip ang dibdib ko.

"A-aray" sambit ko habang hinahawakan ang dibdib ko.

"R-reign anak, anong nangyayari sayo?Anong masakit?" natatarantang sabi niya.

Naalala kong hindi ko nga pala nainom ang gamot ko kaninang tanghali at ngayong gabi.

"N-nanay y-yung gamot." hirap na sabi ko.

"Gamot? T-teka kukuha ako sa baba" natataranta pa ring sabi kiya sabay takbo pababa.

Bawat paghinga ko ay nagiging mahirap dahil nga sa paninikip ng dibdib ko.

Wala pang tatlong minuto nang bumalik si nanay dala ang gamot at isang basong tubig.

Agad ko itong kinuha at ininom.

Nang mahimasmasan na'ko ay unti unti na ring nawala ang sakit.

"Kinabahan ako sayo ng sobra anak, bakit sa lahat ng pwede mong kalimutan, yung gamot mo pa?Alam mo namang masama pag hindi mo nainom yan diba?" bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha niya.

'Hindi ko na naisip uminom ng gamot dahil masyadong naoccupy ng isip ko si Evan'

"Sorry po nanay kung pinag-alala ko na naman kayo. Wag po kayong mag-alala, mag aalarm ako lagi para hindi ko makalimutan." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Dahil dyan sa Evan na yan kaya ka naiistress eh. Hindi ba't sabi ng doktor ay bawal kang mapagod at maistress?Nakakasama sa kalagayan mo yan." aniya sabay hagod ulit sa likod ko.

A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon