Regret 9

4.1K 80 3
                                    

Reign's Point Of View

"That's all for today, class dismiss."

Nagsitayuan din naman ang mga kaklase ko atsaka lumabas. Inayos ko na ang gamit ko atsaka tumayo.

"Hon, san mo gusto pumunta ngayon?" rinig kong tanong ni Evan kay Giovanna.

"Uhm hon, Im sorry pero may importanteng lakad kase ako ngayon eh." sagot nito.

"San naman ang lakad mo?"

"Dumating kase yung tita ko galing States eh."

"Is that so?Okay then hatid na kita sa inyo." sabi pa ni Evan.

"No need hon, I have my driver."

"No I insist."

"No hon. It's okay. Alam kong may gagawin ka pa, ayokong maabala ka. See you tomorrow bye hon." aniya sabay halik sa pisngi ni Evan.

"O-okay if that's what you want"

"I love you"

"I love you more" sagot ni Evan.

Pagkatapos nun ay nauna nang lumabas si Giovanna. Ngayon kaming dalawa nalang ang natira sa room.

"Uhm Evan" panimula ko.

"Don't talk to me." mabilis na sabi nito atsaka nagmadaling inayos ang gamit niya.

"Gusto ko lang naman malaman kung bakit ganito ang trato mo sakin. Ano bang nagawa ko sayo?" mahinahong tanong ko.

"Seriously? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat Reign?" parang di makapaniwalang sabi niya.

"Kase wala naman akong natatandaang mali na nagawa ko sayo eh." sagot ko.

"TalagaWala kang MALI na nagawa sakinPwespara sabihin ko sayo, lahat ginagawa mo sakin ay MALI! MALING MALI! Alam mo namang simula't sapul hindi na kita gusto diba? At alam kong alam mo ang dahilan." aniya.

"Ah oo nga pala. Dahil anak lang ako sa labas ng tatay ko. Pasensya na." mapait ang ngiting sabi ko atsaka nauna nang lumabas.

Ayoko nang pahabain pa ang pag-uusap namin dahil baka san na naman yun mauwi.

Tinawagan ko si manong na wag na niya 'kong sunduin dahil mas trip kong maglakad ngayon pauwi. Walking distance lang naman ang bahay namin sa University na pinapasukan ko. Tsaka mas gusto ko narin maglakad para makapag isip-isip.

A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon