Regret 13

5.2K 91 4
                                    

Maaga akong pumasok ngayong araw.Mas maganda na rin 'to para makapag advance reading pa'ko sa first period namin.

Nasa student lounge na'ko nang makita ko si Giovanna.Tumungo nalang ako atsaka dire diretsong naglakad pero nung magkalapit na kami ay agad niya 'kong tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Aray ko ansakit >_<

Hindi ko nalang pinahalata na nasaktan ako atsaka ako tumayo.

"Ano bang problema mo?Bakit mo'ko tinulak?" kunot noong tanong ko sa kanya

"Ano masaya kana?Break na kami ni Evan at dahil yun sayo!" nakahalukipkip na sigaw niya sakin

"Wala akong kinalaman sa hiwalayan niyo.Kasalanan mo yan dahil niloloko mo lang siya." sagot ko

"Nang dahil sayo,hindi ko nakuha ang ibang bagay na gusto ko!" muli niyang sigaw

"Mukha kang pera" mahina ngunit madiing sabi ko

"What did you say?!" nanggagalaiting sabi niya

"Hindi ka makuntento sa mga bagay---"

Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko nang bigla niyang hilahin ang buhok ko.

"Wala kang alam!" sigaw niya pa habang sinasabunutan ako

"Ano ba bitawan mo'ko!" sabi ko habang nakahawak sa kamay niya

"Bagay lang sayo yan bruha ka!Masyado kang pakialamera!" sabi niya pa at mas hinigpitan pa ang pagsabunot sakin

Ansakit.Ansakit ng ulo ko dahil sa kuko niya na bumabaon sa anit ko.

Nangingilid ang luha ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko.

"Anlandi mong babae ka!"

Ayoko sa lahat ay ang ginagalaw ang buhok ko.Nagpakahirap akong suklayin 'to kaninang umaga tapos guguluhin niya lang.

Wala na rin akong nagawa kundi ang hablutin ang buhok niya at sabunutan din siya.

"Ouch!Bitawan mo ang buhok ko!" angal niya

"Akala mo ikaw lang ang may kayang manabunot?Ako rin!" sagot ko at mas diniinan pa ang pagsabunot sa kanya

Nagsabunutan kami doon hanggang sa tinulak niya 'ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinulak ko rin siya.

Dahil siguro sa inis,napuno na'ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit sakin mo isinisisi ang kasalanang ginawa mo!" hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses.

A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon