Reign's POV
Alas sais na nang magdismiss ang prof namin. Tinext ko si manong na sunduin na'ko pero sa kasamaang palad ay hindi niya 'ko masusundo dahil sobrang sama daw ng pakiramdam niya.
Hayst! Ang malas ko naman ngayong araw, wala na nga akong nakausap buong maghapon eh. Absent kase si Chester, may importanteng lakad daw kaya ngayon mag-isa na naman ako.
Nabalitaan niya rin yung eksena namin nina Giovanna at Evan noong nakaraang buwan. Sa loob ng isang buwan na yun ay iniwasan ko na si Evan. Noong una ay mahirap para sakin dahil nakasanayan ko ang suyuin siya, pero dumaan ang ilang araw na unti unti ko nang natatanggap sa sarili ko na hanggang dun nga lang talaga. Hindi rin naman ako pinabayaan ni Chester dahil simula nun ay laging siya ang kasama ko.
Tatlong linggo na rin simula nung itinigil ko ang pag-inom ng gamot. Hindi iyon alam ni nanay Melinda at ni Chester dahil alam kong magagalit sila sakin. Alam kong masama at hindi ko pwedeng itigil ang pag-inom ng gamot dahil lalo lang lalala ang sakit ko pero hindi ko narin kaya. Wala namang pagbabago kung uminom ako ng gamot dahil paulit-ulit lang ang nangyayari. Iinom ako ng gamot tapos may mga side effects tapos pag nakaramdam ulit ako ng paninikip ng dibdib iinom ulit ako ng gamot. Cycle lang yung nangyayari. Nakakasawa rin kaya naisip ko na itigil nalang iyon.
Tuwing pagkatapos naming kumain ni Chester ay pumupunta ako sa cr. Ang buong akala niya ay mine-maintain ko ang pag-inom ng gamot pero hindi niya alam na tinatapon ko lang iyon sa basurahan.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang nagring ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Nanay Melinda calling...
Sinagot ko ang tawag.
"Hello nanay Melinda?"
["Reign anak pauwi kana ba?"] rinig kong tanong ni nanay Melinda sa kabilang linya.
"Uhm..opo pauwi na'ko naghihintay lang po ako ng taxi."
["Ah ganun ba? O sige magtext ka pag malapit kana ha?"]
Kahit nagtataka ay sumagot nalang ako.
"Okay sige po"
["Sige bye anak"] aniya sabay putol sa linya.
Agad akong pumara ng taxi at nagtext kay nanay nung malapit na'ko.
Pagbaba ko ng taxi ay agad kumunot ang noo ko.
Bakit patay ang lahat ng ilaw? Atsaka bakit bukas ang gate? Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw? Kinakabahang tumakbo ako papasok ng bahay.
"HAPPY 19TH BIRTHDAY!!"
Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumukas ang ilaw at sabay sabay akong binati nina nanay Melinda, manong at Chester with matching sabog confetti pa.
Hawak ni Chester ang chocolate cake. May suot din silang party hat. May mga nakasabit din sa kisame na akala mo'y fiesta na.
Gulat na napanganga ako hindi dahil sa surpresa nila sakin, kundi dahil nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon.
"W-wait, November 29 na ba ngayon?" gulat na tanong ko
'birthday na pala ni Evan ngayon. Sabay kase kami ng birthday eh.'
BINABASA MO ANG
A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016
Short StoryShe's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk and hard headed guy of their campus.