Chester's POV
"Miss may I go out?" biglang sabi ni Reign sa prof namin.
Tumango naman ito at nagpatuloy lang sa pagdidiscuss.
Napapansin ko na nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pag excuse ni Reign sa klase. Sinasabi niya na pupunta lang siya ng cr pero minsan hindi na siya bumabalik.
Tuwing lalabas pa siya ay kita mo sa mukha niya ang pag-aalala.
Agad din akong nagpaalam sa prof atsaka patago siyang sinundan.
Dire diretso siyang lumabas ng school.
Teka san pupunta yun?
Pumara siya ng taxi at dali dali din akong sumakay sa kotse ko para sundan siya.
Maya maya pa'y huminto ang taxi sa.... Feliciano Hospital and Medical Center?
Anong gagawin ni Reign dito sa ospital?
May dadalawin ba siya? Teka baka naospital yung nanay-nanayan niya?
Wala naman kase siyang ibang kamag-anak at kaibigan dito eh.
Puno ng pagtatakang sinundan ko siya sa loob ng ospital.
"Miss san po pumunta yung babaeng kadadaan lang dito?" tanong ko sa nurse doon.
"Si Miss Reign po ba?" tanong niya habang nakatingin sa log book niya.
"Yes" maikling tugon ko.
"Sir nandun po siya sa office ni Doc Chavez." pormal na sagot niya atsaka tinuro ang isang room sa di kalayuan.
"May dadalawin po ba siya?" tanong ko pa.
"Uhm wala po Sir,may appointment po siya kay Doc" sagot nito.
"Appointment?" takang usal ko.
"Yes Sir."
"Ah okay sige salamat." sabi ko atsaka ako umupo sa may waiting area malapit doon sapat para di niya 'ko mapansin.
~~•~~
Mag iisang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Reign kaya naman inilabas ko muna ang phone ko para makapaglibang.
Nagscroll lang ako ng kung ano ano dun at nag edit ng ibang pictures namin ni Reign.
Ilang saglit pa'y nagbukas na ang pintuan at lumabas na siya.
Nakatungo siya habang naglalakad palabas ng ospital.
Nang makalayo na siya ay agad akong pumunta dun sa tinuro ng nurse.
Kumatok ako ng tatlong beses atsaka pumasok.
"Yes Sir?" bungad sakin ni Doctor Chavez.
"Uhm good morning po doc."
"Good morning,have a seat Mr.?" patanong na sabi niya.
"Monteza po." dugtong ko atsaka umupo sa harap niya.
"Ah okay Mr. Monteza so how can I help you?" pormal na tanong niya.
"Uhm doc hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa, ano pong ginagawa ni Reign dito kanina?"
BINABASA MO ANG
A Heart Full of Regrets (COMPLETED) #Wattys2016
Historia CortaShe's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk and hard headed guy of their campus.