Chapter 1: Respect

396 13 2
                                    

                                                                                   *****

CHAPTER 1: 

Respect

Monday

“Good Morning Class.” Bati ko sa aking mga estudyante.

“Good Morning Ma’am Ignacio” tamad at walang kalatoy-latoy na bati nila sa akin. Aba’t may weekend hangover pa ang mga to’ ha? Tingnan natin kung hindi sila magising sa sasabihin ko sa kanila ngayon.

***smirk***

“Get one whole sheet of yellow pad paper and we will do a 100 item examination.” Sabi ko sa kanila at nakita ko kung paano namutla ang kanilang mukha.

“Ma’am! Hindi pa po kami nagrereview!” daing nung isa.

I raised my left eyebrow and looked at her.“You’re a student and you are supposed to study. Ano bang ginawa mo nung week end? Did you even bother to open your book?---Oh, I guess..You didn’t. Not my Problem anymore then.” Malamig na sagot ko sa kaniya na mas lalo pa niyang ikinanlumo.

“Ma’am, sobra naman po ata ang 100 items?” tanong naman nung isa kaya automatikong napatingin ako sa kaniya at tinaasan ko din siya ng kilay.

“Nasosobrahan ba kayo sa 100? Then let’s make it Fifty items, Wrong minus Right. Fair enough?”

“Argggghh!!! Dapat hindi ka na lang nagsalita Hayden! Pag wala kaming na-iscore, ikaw sisisihin namin!!!” react nung katabi niya. Wala na silang nagawa kaya kumuha na sila ng kani-kanilang papel at nagsimula na ako magpa-exam.

“Grabe naman si Ma’am Ignacio! Walang patawad!” bulong nung isa ko pang estudyante sa katabi niya. I can hear them.

“Oo nga eh! Kaya walang nagkakagusto diyan dahil super cold!” anya naman nung isa.

“Tatandang dalaga yan kapag ipagpapatuloy niya ang ugali niyang manang!” sagot nung katabi niya.

“Oo nga eh! Tingnan mo kapag manamit! Daig pa ang mas matatanda nating prof dito! Super Manang! Yuck!” sabi naman nung Gonzales na pinapagalitan ko kanina. Kaya naman tinaasan ko ulit ng kilay at sinuway. Natahimik naman kaagad. Kaya nagpatuloy kami sa examination.

Hindi naman ako Matanda. Hindi din naman ako manang. Sadyang---sinasadya ko talaga ganitong manamit. Yung tipong naka skirt na pencil cut pero lagpas tuhod at polo na long sleeve tapos naka pusod at sobrang ayos ng buhok ko at naka salamin ako palagi and for everyone’s information, Bata pa ako. Ako nga pala si Bianca Ignacio. 22 years old. Isang Professor sa unibersidad na to. Well, Sub-prof lang naman ako habang nasa maternity leave pa ang pinalitan ko. Halos dalawang buwan na din ako nagtuturo at nasanay na ako sa mga ugali nitong tinuturuan ko na halos kasing edad ko lang. Ang alam nila ay nasa trenta mahigit na ako dahil sa aking ayos pero ang totoo niyan ay hindi ako nalalayo sa kanila.

I’m a terror teacher, yes.

Not because I wanted to but I just simply need to be one.

Why?

Because I don’t want any attachment with my students kahit kasing edad ko lamang sila. Maaga lang ako nakagraduate kaya nakapagturo ako kaagad. Ayoko din na itatake advantage nila ako kapag naging close kami. Yung tipong kapag nasa klase eh ‘tropa’ ang turing nila sa akin. Kahit hindi nalalayo ang mga edad namin, teacher pa din ako at estudyante ko sila. They should learn how to RESPECT me because I respect them as well.

Sa kalagitnaan ng examination ay may biglang pumasok sa loob ng ng classroom. Lahat tuloy ay napatingin sa gawi niya gayun din ako.

“You know how much I hate people who are late, Mr. Philips.” Sabi ko sa kanya.

“Shut up Old hag.” Bigla niyang litanya sa akin. Napa-gasp yung mga classmate niya ng marinig ang sinabi sa akin. Nanlisik kaagad ang mata ko. Langya tong tao na to? Walang respeto?! “WHAT?!” Sigaw niya sa akin. Halos mapatalon sa gulat yung kaklase niyang malapit sa kanya.

“Do you know the word RESPECT Mr. Philips?” seryosong tanong ko sa kaniya. Nakapatong lang yung kamay ko sa lamesa habang yung isa naman ay may nasa beywang ko. Respect, such a big word…

Hingang malalim, kalmahin ang sarili, at habaan ang pasensya Bianca, kaya mo yan.

“No, I don’t. Not in my Vocabulary.” Malamig niyang tugon at dumeretso siya sa kaniyang upuan sa may likod at doon—natulog?

“Well, Mr. Philips, sorry to tell you but I just don’t tolerate this kind of treatment from a student like you with too much of a character to handle.” Tumingin ako sa likod at sinenyasan ko yung katabi niya na tapikin ito.Nung una ay natatakot siya pero sinamaan ko lang tingin kaya ginawa niya din yung inutos ko. Tinapik niya si Philips at inangat nito ang ulo nito para panlisikan ng mata ang katabi na gumambala sa kaniyang pagtulog. “if you are just going to sleep on my class, better get your ass off here because I don’t need a student like you.”

Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya at lumabas na ng classroom. Binagsak niya ang pintuan ng napaka lakas, yung aakalain mo na masisira na ito. Nagsitahimikan tuloy yung iba kaya napasinghay na lang ako at itinuloy ang naudlot na pagsusulit.

Naku naman oh! Tatanda ako sa sobrang pagkapasaway niya! Magkatotoo ata yung mga sinasabi nila. Tsk! Lechugas! Magkaka-wrinkles ako! Sheems! Gusto kong patulan na kaso, Errrr… Hindi pwede! Naku, Hindi ako makapag-hintay na bumalik na yung kapalit ko at makaalis na sa buhay kong ito. Hmp!

Kailangan kong magpa-spa sa weekend. One thing they don’t know about me? I’m actually, vain. Hindi nga lang halata ngayon kasi I’m on my ‘teacher-mode’.

Sa lahat ng estudyante ko, Siya ang pasaway. Timothy Philips. Isang Fil-Am  na nag transfer dito last semester. He’s handsome, yeah, (Crush ng bayan) at matalino (believe me or not, Dean’s lister yan) kaso sobrang pasaway like today. Hindi naman to ang unang beses na ginanyan niya ako. Unang araw pa lang ng pagtuturo ko ay nakatikim na kaagad ako sa kaniya ng pangaalipusta pero since I know my position, pinalampas ko lang. Baka pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob tska hindi lang naman ako ang binabastos niya eh, halos lahat ng profs dito ay sakit siya ng ulo.

Hindi ko na kinaya ang katigasan ng ulo niya kaya napalabas ko na. Haaaay, sana lang ay mag bago na yung taong yun. Sayang siya, maraming potential yun kaso hindi niya ginagamit ng tama.

                                                                                    ****

Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako sa faculty room para mag-ayos ng kaunti nang biglang narinig kong tumunog ang phone ko. Tumatawag si Papa sa akin.

“Hello Pa?”

[Anak, please get home early. We need to talk]

“Hindi ba pwedeng pag-usapan na yan ngayon?"

[No, this is very important matter that we need to discuss face to face]

Ay ano ba yun? Pabitin si Papa? Pwede naman pag-usapan nalang sa telepono, kailangan pa talagang umuwi ako sa bahay! Sayang ang gasolina ng sasakyan ko! Lalo na’t ang lapit ng ng condo ko dito tapos 45 minute drive pa papunta sa bahay. Tsk.

“Osige na Pa. Important Matter it is. I’ll be home at dinner. Paki-ayos na lang yung room ko dahil diyan ako matutulog.”

[Okay Anak. See you. Take care]

Then with that. I ended the call and proceed to my next class. 

_____________________________________________________________

~Smooches :))

westprincess1793©

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon