Chapter 8: My reason to fight for

194 8 0
                                    

CHAPTER 8:

My Reason To Fight For

7:00pm

Lumabas ako ng Hotel at nagpunta doon sa may terrace, over looking the Taal lake and the city. Ang ganda, sobra, kahit hindi ko na maaninag ang lawa na siyang sentro ng atraksyon dito pero ang mailaw na syudad sa ibaba ang nagpapaganda at nagliliwanag sa gabing ito. Maganda din ang kalangitan dahil madaming mga bituin na nakakalat, sadyang masarap pagmasdan.

Ang ganda ng panahon.

“What’s up?” bungad ni Timothy sa akin. Sumunod pala siya sa akin, hindi ko man lang namalayan.

Nilingon ko siya at saka ko ni-ngitian.

“Malapit na matapos ang araw, may gusto ka pa bang idagdag sa listahan?” tanong ko sa kaniya. Limang oras na lang at magtatapos na ang ‘Freedom Adventure’ namin. Sa ngayon, natupad naman na ang tatlo sa listahan ko. Una, ang hindi pumasok sa trabaho. Pangalawa, ang magpunta sa amusement park at sumakay sa mga rides nito at mag-enjoy. Pangatlo naman ay yung pumunta dito sa Hotel na to para mag buffet dinner. Gustong-gusto ko ang ambiance sa lugar na to kaya dito ko napili ang mag hapunan.

Tumingin ako sa kaniya pero nakatanaw lang siya sa malayo, parang may iniisip. Kaya naman naisipan kong tumingin na lang sa paligid at nilasap ang magandang tanawin at ang preskong hangin sa probinsya ng tagaytay.

Hindi ko na inabala ang sarili ko upang tanungin sa kaniya kung ano ang kinabagabag ng kanyang damdamin, panigurado naman ay parehas kami ng prinoproblema ngayon.

Lumalamig na ang simoy nang hangin, Lalo na’t ‘ber-months’ ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan ang manginig dahil sa manipis na kasuotan ko ngayon.

I was about to hug myself from cold but I felt a warm thick cloth placed on my shoulder.

It was Timothy’s jacket.

“T-Thanks…” nahihiyang sambit ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ako nakaramdam ng hiya all of a sudden?

You’re Interesting and I’ve come to like you, Ysabelle… anong ibig sabihin niya dun? Gusto niya ako? Di nga?

“You’re welcome” sagot naman niya and he went back admiring the city below.

“Nag-enjoy ka naman ba sa ginawa natin ngayong araw?” tanong ko sa kaniya after a long mode of silence. Natatameme ako, hindi ko maungkat yung tungkol dun sa sinabi niya sa loob kanina. Baka na misheard ko lang. Naku… Nabibingi yata ako. Ayoko naman mag-assume. Kaya I just came up with that question.

He nodded and smiled. “Yeah, Like I never been one…” sabi niya then tumingin siya sa akin. “Thank you.”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay parang napaurong ang dila ko. He already thanked me earlier pero iba to sa lahat. Natahimik na naman ako while staring at his eyes. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Kulay abo. At ang ngiti niya… Nakakalunod…

It was genuine, it was real, it was full of happy emotions.

“Timmy---Ah” I paused for a while, I just realized that I called him on a wrong name. Hindi nga pala gusto na tinatawag siya sa ganung pangalan. “Timothy….” I corrected myself. He turned to me. “If you really don’t want to follow your father’s order, don’t do it.”

“It’s not easy as it is, Ysabelle.” Sagot naman niya.

Totoo, hindi yun ganun kadali sapagkat gayun din ang nararamdaman ko sa ngayon. Ayaw kong sundin ang gusto ni Papa pero may sadyang nag tutulak sa akin upang tanggapin na lang ito. Pero, I don’t want to end up being lonely forever with someone I don’t love from the start.

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon