Chapter 9: Last Ride

181 8 0
                                    

CHAPTER 9:

LAST RIDE

“You bet I am…” sumilip ang napaka-gandang ngiti sa kaniyang labi. Then again, kahit hindi pa ako fully recovered ay inangkin na naman niya ang aking mga labi. His lips are so soft and sweet. I never tasted any lips before! But this one, I can say, It’s addicting at nakakalasing. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at nakakaramdam na ako ng biglang init sa isang simpleng halik lamang!

What are you, Timothy Philips?! Why do you affect me so much with such a simple passionate kiss!

He was kissing me tenderly, parang ingat na ingat siya sa aking labi. But I can feel his teeth grazing on my lower lip. I wanted to moan out of pleasure he’s giving me, parang bibigay na din kasi ang sarili ko sa halik niyang yun pero I stopped myself realizing something.

This time, siya naman ang nag initiate.So does it mean… our feelings are mutual?---our feelings are mutual!

I’m hyperventilating. It’s hard to breathe. My knees turns to jelly. Realizing those things strucked my humanity.

There are no words involved… but hell I care…

It’s the feelings we actually share…

He feels the same way as I do!

Oh my god!

….

“Pwede ba ako magdagdag sa listahan na ‘Freedom Adventure’ natin?” tanong niya sa akin.

“Ah, oh sure. Ano yun?” I smiled sweetly as he intertwined his fingers with mine. Such a lovely gesture. Making me fall for him more.

“Let’s ride that.” Itinuro niya ang kanina pa niya tinititigan. Yung ferris wheel.

We drove off papunta sa isang maliit na amusement park si kalayuan sa Hotel kanina. Around 5 minutes drive lang. Ipinark ko yung car ko saka lumabas. Nauna na si Timothy sa bilihan ng ticket. Papunta na sana ako sa kaniya ng makatanggap ako ng isang mensahe sa phone ko. Galing kay Papa.

[I’ve arranged the meeting with your fiancé tomorrow. 7pm at Sofitel. Dress properly and be there.]

Pagkatapos ko basahin ay agad kong sinara ang screen ng cellphone ko at inilagay na sa bulsa ko. Humugot ako ng napakalalim na hininga saka tumungo kung nasaan nakatayo si Timothy na may hawak na dalawang ticket at sasalubungin ako ng may ngiti sa kaniyang mukha.

How can I not fall for this guy if he’s always like this?

***Sigh***

“let’s go!” sabik na paanyaya niya sa akin ng makalapit ako sa kaniya. Nabigla na lang ako ng bigla niya ulit kunin ang kanang kamay ko and intertwined his fingers with it. All of a sudden, little butterflies turned by stomach upside-down. Hindi pa din ako sanay.

Geezz…. I can’t help but to fall…deeply…

Minutes later, malapit na kami umabot sa tuktok. I can entirely see the city lights over here. Ang ganda, nakaka-mesmerize lang. It seems, uhm… very romantic.

Naalala ko tuloy yung text mula kay Papa. Napasinghap na naman ako. It looks like, bibitayin na ako tomorrow.

Hindi na ba pwede? Wala na bang pag-asa?

I don’t want to go pero ayoko pahiyain si Papa sa harap nung parents ng guy na yun. I’m still a good daughter kahit against ako sa gusto nilang mangyari.

I really need to go. Face them. Pero paano kung magkaaberya?

At hindi ko na ma-kontrol ang mangyayari.

“What’s wrong?” tanong ni Timothy sa akin. “Why are you crying?”

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong medyo basa ito. Hindi ko man lang namalayan na umiyak na pala ako.

Ganito ba talaga kahirap tanggapin na malapit nang matapos ang kalayaan at kaligayahan ko ngayon? Sana lang hindi matapos itong araw na to, sana lang ay ganito na lang palagi. Kung kelan naman nahanap ko na yung taong sa tingin ko magpapaligaya sa akin---

Kung kelan natagpuan ko na ang lalaki na para sa akin… Argggghhh, I hate this! I hate this!

“Wala, wala to. Huwag mo akong pansinin.” Anya ko. Pinunasan ko yung pisngi ko pero bigla niyang kinuha ang mga kamay ko at tiningnan ako ng napaka-lalim.

“Tell me what’s wrong.” Seryosong saad niya sa akin. I couldn’t tell him. I shouldn’t tell him na plano ko pumunta bukas sa dinner meeting upang Makita ko ang fiancé ko. I could hurt his feelings especially we have this M.U status already.

Napakagat na lang ako sa labi at pilit kong pinipigilan ang luha na namumuo sa aking mga mata. Unti-uting lumalabo na din ang paningin ko at bumibigat ang mga talukap nito. Pinisil niya ang aking mga kamay kaya naman hindi ko na mapigilan ang mapaiyak.

“Timothy, I’m scared….” Sambit ko.

“Scared of what?” tanong naman niya.

“Scared of waking up after this very beautiful dream…” patuloy na umaagos ang luha sa aking pisngi. “I-I-I never wanted to end up like this. Ayokong magpakasal ka Timothy. Ayoko din matali sa isang lalaki na hindi ko mahal.” Halo-halong emosyon ang nangingibabaw sa puso at isipan ko ngayon. “But I need to go and see him tomorrow. After all, I’m still a daughter of my father. Ayoko siya pahiyain. I plan to announce there na hindi ako magpapakasal because I-I already found my love—and that’s you, pero paano kung biglang mabulilyaso ang p-plano?” patuloy pa din ako sa pag-iyak. Tumigil saglit ang sinasakyan namin at minulat ko ang mga mata ko. “Paano na tayo?”

I was already hugging him. I’m hugging Timothy Philips. The one I detest before but the one I fall for now.

“Hush…You’re gonna be alright…we’re gonna be alright. I promise that we will be together.” bulong niya sa akin habang hinahaplos ang likod ko at ang aking buhok. I feel comfortable whenever he do that. Madami pa akong gustong gawin sa buhay kong ito. Marami akong hinihiling sa diyos na sana ay dumating ang isang araw ay tuparin niya ito.

But for now… I will hold on to that promise. Darating din ang panahon na magiging kami. Hindi man ngayon pero balang araw.

Wala na akong maisip kundi… Kung Ikaw na lang sana… Kung Ikaw na lang sana,Timothy Philips. Kung Ikaw na lang sana ang lalaking makakatali ko sa isang tadhana panghabang-buhay magiging maayos ang lahat. Liligaya ako gayun din ikaw. May sarili tayong buhay na tayong dalawa lang ang pwedeng magpatakbo, magpaikot nito… Sana Ikaw na lang…

I almost whisphered those words. I feel a sudden pang of pain when he let go of me. I clenched my fist and held my tears back. But then, It seems that these tears are unlimited and it won’t stop streaming down my cheeks.

“I—I love you Timothy Philips.I never been inlove pero sa buong araw na magkasama tayo, natutunan ko kung paano. Sorry for being emotional right now, I can’t help it. I might die tomorrow so hayaan mo na ako magsabi ng tunay kong nararamdaman. I know it sounds impossible to like you for one day, but hell, I just did!” I chuckled with the thoughts hanging on my mind.

The last ride we had today is the longest ride I ever had in my entire life.

Pag kasama mo pala ang minamahal mo, humahaba ang oras…

Parang bumabagal ang bawat galaw ng nasa paligid niyo…

Hihilingin mo na sana hindi na matapos ang lahat ng ito…

Kung ikaw na lang sana….

_____________________________________________________________

westprincess1793(c)

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon