Chapter 2: Announcement

293 10 2
                                    

                                                                         ****

 CHAPTER 2:

Announcement

After a forty-five minute drive, I safely arrived at my parent’s house. Si Manang Adelina (Ang Yaya ko since birth) ang sumalubong sa akin.

“Bianca! Iha! Kamusta na?!” masayang bati niya sa akin.

“Manang! Okay naman ako! Kayo ho?”

“Ganun din! Naku, Tara na. Kanina ka pa hinihintay ng magulang mo sa loob.” Iginaya na ako ni Manang Adelina sa loob at tumungo na kami sa dining area kung saan nag hihintay sina Mama at Papa.

“Hello, Anak.” Masayang bati sa akin ni Mama. Hinalikan ko siya sa pisngi at lumapit ako kay Papa para mahalikan ko din. Pagkatapos ay agad akong sumalo sa kanila sa hapagkainan.

Sila ang magulang ko. Bernardo Ignacio, isang multi-millionaire na negosyante at si Yolanda Ignacio, plain housewife. Tatlo ang naging supling nila. Si Yvonne Belinda Ignacio-Tan, ang panganay. Isang successful Music Producer na naka-base ngayon sa Amerika with her husband. Next is Bernadette Claudia Ignacio-Fontaine, isang patisserie na naka-base sa France at may marami ng branch of bakery around the world. May asawa na din at dalawang anak. And lastly, Ako, Bianca Ysabelle Ignacio. Single. Walang boyfriend. Walang anak. Walang love life. Pero I can proudly say na I’m successful naman sa career.

                                                                    ****

Pagkatapos ng hapunan ay dumeretso kami nila Mama at Papa sa living room to have coffee at magkausap na din. Noong una ay kamustahan lang. Maya-maya pa ay bigla na lang sila nag seryoso kaya napa-upo ako ng maayos.

“Anak…May gusto kaming sabihin sayo ng Mama mo…” Here we go again sa pagka-suspense nilang dalawa. And with Papa’s tone, it seems really important na kailangan, harap-harapan talaga pag-usapan.

“Ano yun, Pa?” walang ganang tanong ko. Inikot ikot ko lang yung dulo ng buhok ko. Inayos ko din ang salamin ko na dumudulas sa nose bridge ko. Nakaupo ako ngayon ng pormal sa sala namin habang naka cross ang legs at nasa tapat ko lang silang dalawa. Seryosong-seryoso ang mga mukha! Anong meron?

“Bianca, Anak….” Panimula ni Mama. Napatingin ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ko. Para kasing may iba. Basta, ramdam ko na may magaganap na hindi ko magugustuhan?

Then I turned to my dad.

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon