Chapter 6: The Next Destination

184 8 0
                                    

Chapter 6:

The Next Destination

Pasado alas-tres na ng hapon ng lumabas kami ng amusement park. Hindi namin nasakyan lahat ng ride pero ipinangako ko sa kaniya na dadalhin ko siya ulit kapag nagkaroon ng pagkakataon---and I mean it. He’s a good company when it comes to this. Kahit puro asaran lang ang ginagawa namin kanina ay nag enjoy naman ako.

Papunta na kami sa may parking lot kung saan ko iniwan yung sasakyan ko. He left his car at the university kasi hinila ko na lang siya basta-basta kanina. Pumunta na ako sa driver’s seat at siya naman sa passenger’s. Nilagay niya lahat ng gamit na pinamili namin sa likod which includes the theme park’s souvenir t-shirts and plushies.

I started the engine and I fixed the rearview mirror. I saw Timothy looking at me, nagtataka.

“Saan naman tayo pupunta ngayon?” tanong niya sa akin.

Hindi muna ako nagsalita. Instead, pinaandar ko lang ang kotse hanggang nasa expressway na kami.

“Wait, hindi to ang papuntang Manila ah?” tanong niya ulit.  I took the opposite direction. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti.

“Sino ba nagsabing babalik na tayo ng Manila?”

“H-huh? Then where the hell are we going?” Nakataas pa ang isang kilay niya.

“Hmmm….” Nag-isip na muna ako. Actually, I have something on my mind already pero sana huwag siyang mag violent reaction sa sasabihin ko. “The next destination is….Tagaytay~

….

After 2 hours drive, hmmmmmm!!! I can smell the fresh air! The slight coldness of the weather! And aaaaahhhhh! Probinsyang-probinsya ang dating! I love it! Maaliwalas! ANG SARAP LANG MAG-DRIVE!!!!

Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang makarating kami sa aming tamang destinasyon… TAAL VISTA HOTEL!!! Yeaaaah!

“Ysabelle?! Why are we here?! What are we going to do here?!” nagpapanic na tanong niya sa akin. Ano ba iniisip niya??? ah... Mukhang yun ang nasa utak niya ngayon...

***grin***

Green minded naman tong tao na to. Hahaha, dinala lang sa hotel, iba na kaagad ang iniisip? Ay sus! Maasar nga ng kaunti! Hahaha!

“What do you think, Timothy?” I gave him a seductive smile as I turn off the engine I saw him gulped. Hahaha. Effective. Pinagpapawisan na eh. 

at confirmed!!! malumot ang utak niya! Hahahaha! :D

“A-aaahhh… S-S-Seriously?” kinakabahang tanong niya sa akin. Kaya naman marahang hinaplos ko ang binti niya at nilapit ang mukha ko sa kaniya. Mga 2 inches na lang ang pagitan namin. “Please, Don’t joke around…” I saw him gulped again. I can’t help but to smile. Anytime soon, I could burst into laughter.

“I’m dead serious, baby…” bulong ko sa tenga niya using my sweetest yet seductive voice. Naramdaman kong tumaas balahibo niya dahil medyo nakadikit yung braso ko sa kaniya. Deep inside natatawa na talaga ako pero deep deep deep inside…Shuuuucccckkks!!! Kinakabahan ako sa pinag-gagagawa ko! I don’t usually do this kind of stuff kasi I’m a conservative woman pero sadyang may nagtutulak sa akin to play a little bit.

Hindi siya nakaimik sa ginawa ko kaya naman humiwalay na ako kaagad at lumabas ng sasakyan, sumunod din naman siya after magising sa state-of-shock niya. Pagkakita ko sa maputla niyang mukha ay agad nang kumawala yung tawa na kanina ko pa pinipigilan.

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon