Chapter 13: If we give it a try

180 7 0
                                    

Chapter 13:

IF WE GIVE IT A TRY

<Bianca’s POV>

“Anak, why don’t you give it a try? Di ba pumayag ka na naman makipag kita sa fiancé mo? Kung hindi mo talaga magustuhan then, sige, Ako na mismo ang magpapa-cancel ng engagement mo.” Pumagitna na si Mama sa aming dalawa ni Papa.I was really crying. Hindi ko akalain na kaya akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Ito ang unang beses na nasampal niya ako and my heart really aches for it. Porque ayaw ko lang sundin ang kagustuhan niya. But then, I realized, I was wrong too… Hindi ko dapat sinabi ang mga salitang yun.

“What are you saying Yolanda?!” hiyaw naman ni Papa sa kaniya.

“Y-Yes Mama, I did say that, pero I don’t think I still need to meet him since I already found the right man for me.” Desidido na ako, Si Timothy lang ang para sa akin, nonetheless.

“Bianca, my dear, just this once---JUST FOR THE VERY LAST TIME, go to the dinner meeting and face your fiancé, kung hindi mo talaga siya magugustuhan then I won’t force you to marry that man.” Sabi pa ni mama.

“I’m telling you Mama, I already decided. Kahit iharap mo pa ako sa kaniya, hindi na magbabago ang isip ko.” Sagot ko at tumungo naman siya.

“Yolanda!!! Are you out of your mind?! Gusto mo ba ako mapahiya sa kaibigan natin?!” Hiyaw ni Papa. Kita na ang mga ugat sa kaniyang sentido. Galit na galit ito.

“Bernard, tama naman kasi si Bianca. Halos ikaw na ang kumontrol sa buhay niya. You never gave her a chance to decide for herself! This time, Why don’t you let her choose her own path in marrying? Hindi magandang ipagpilitan ang isang bagay kung ayaw talaga nung tao.”

“I just wanted the best for her!!!”

“--And the best for her is to marry someone she really loves and be happy with the man she choose to be with her for life with no regrets at all.”

“No! I still won’t allow that.”

“Bernard, for once. Give your daughter a chance to be happy. Anak ko din siya kaya hindi ko maatim na dumating ang isang araw na pagsisihan niya ang isang bagay na hindi naman niya ginusto mangyari dahil ipinilit lang sa kaniya yun.”

Napasinghay si Papa. Tumingin sa akin si Mama.

“Bianca, come to the dinner tonight. Just meet him, as a right etiquette and respect as well to his family.  Then if he really doesn’t have a chance, then the engagement is off. Dalhin mo yung sinasabi mong napupusuan mo dito sa bahay as soon as possible para makilala namin ng Papa mo.” She finally said it. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib after hearing what she said. “Make it sure that man is worth it, Bianca.” Sunod pa niyang sabi. Hindi ko maiwasan mapangiti. Nakaramdam ako bigla ng saya. Lumuwag na din ang aking paghinga. Halos maputulan na ako ng hangin nung nag-uusap kami ni Papa kanina eh.

“Yes Mama… and thank you… Thank you for understanding me.” I said while crying a river. Sa wakas ay may taong nakakaintindi sa nararamdaman ko--sa pinagdadaanan ko. Akala ko ay wala na akong mahanap na kakampi sa bahay na ito, akala ko din ay wala siyang gagawin at mas papaboran niya si Papa pero nagkamali ako… nagkamali ako sa aking akala…dahil nakahanap ako ng isang tunay na kakampi sa katauhan niya—ni mama.

Kinabukasan, pumunta ako sa school.

Pagkadating ko ay tila tinitingnan nila ako lahat.

Kung Ikaw Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon