~SORRY~ORIONS's POV
~
*tok*
*tok tok*
*tok tok*
nagising ako sa mahinang tunog sa may bintana. hindi ko agad minulat ang mga mata ko at maiging pinakinggan ang tunog.
*tok*
*tok tok*
*tok tok*
pareho parin. nag antay pa ako at patunoy na nag masid.
*tok tok tok*
"kuwooo"
..
..
O_O
gulat na napa angat naman ang aking ulo dahil sa narinig. inaninag ko kung ano ang meron sa binta at napa buga ako ng aking hininga na kanina ko pa pala pinipigilan.
..
isang kwago. bulong ko sa sarili ko. akala ko kung ano na.
..
agad akong tumayo at tinungo ang bintana kung saan nag mumula ang mahinang pagkatok.
..
pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang malaking kwago.may dala dala itong parang tubong sisidlan na kulay itim.
..
ang protector of scroll
..
pinapasok ko ito at agad naman itong dumapo sa may mesa sa gilid ng aking kama. bahaya itong nahagip ng liwanag kaya nasilayan ko ang kulay abo nitong mga balahibo.
..
maingat ko namang inalis ang laman ng sisidlan na kanina pang naka pasan sa kanyang likuran.
..
"kawawang ibon." bulong ko sa kwago at marahan na hinagod ang ulo nito gamit ang kanang kamay ko.
"kwooo.. kwooo.."
binuksan ko ang sisidlan at nakita ko ang isang scroll na may nakataling maliit na pulang ribbon. tingangal ko ang ribbon at binuksan ko ang scroll.
may roon itong isang malaking bilog na larawan sa may bandang gitna at may labindalwang simbulong naka marka sa loob.
..
zodiac
..
pinag patuloy ko ang pag baba ng scroll nginit puro bakante na ang laman.
..
ibinalik ko ito sa lalagyan na hawak parin ng kwago.
..
napatingin naman ako sa bintana habang unti unting nawawala ang mga bituin sa langit.
..
mukhang oras na
..
sinulyapan ko ang orasan na naka patong sa mesa.
..
alas dos palang nang umaga.
..
bahagyang napadapo ang mga mata ko sa larawan na nasa kaliwa ng orasan. larawan isang batang nakangiti at maaliwalas ang mukha habang nakataas ang kamay na parang may inaabot sa itaas.