chapter 6

11 0 0
                                    

~REVELATIONS~

LYNX's POV

~

7 p.m. na ng gabi at nandito parin kaming apat sa principal's office. pagkatapos kase ng iyakan ay kinain na namin yung mga inihanda naming pagkain para kay Ina.

"bes hinay hinay lang!! hindi ka ba pinapakain ni Ion sa inyo??" pabirong sabi ko. eh kasi naman ang siba kumain! para ngang walang iyakan na nangyari eh. iniisip ko tuloy kung saan napupunta yung mga kinakain nito.

hindi tumataba eh.

"he! birthday ko to no! saka ang shurp shurp koshe nung shpgoti" habang lumalamon ng spaghetti..

oh diba?

tsk.

anyways, ngayun na namin balak sabihin ang bagay na 'yun' kay Ina. ayaw na kasing patagalin ni Ion. baka daw pag pinatagal pa namin eh may mga mangyaring hindi iniisan.

"ahh Ina, may gusto akong- kaming sabihin sayo." sabi ni papa sabay tingin sa amin ni Ion. Tumango si Ion na parang sinasabi nya kay papa na ipag patuloy lang ang kanyang sinasabi.

"naku tito, kung happy birthday lang ulit ang sasabihin nio eh wala yun!! yung mga cheesy line nyo naman eh mamaya na pag busog na ko." sabi ni Ina at akmang  kukuha pa sana ito ng pangatlong plato nya ng spaghetti ng biglang hawakan ni Ion ang kamay nya.

akmang magrereklamo pa ito ngunit nakita nyang seryoso ang mukha ni Ion kaya tumahimik nalang sya at umayos ng upo.

"Ina, importante ang sasabihin namin sayo kaya kailangan mong makinig." sabi ni Ion sa seryosong tono. iniwas na lang si Ina ang kanyang at ibinaling ito sa sahig.

tama si Ion. importante ang sasabihin namin dahil buhay nya ang pinag uusapan namin.

"*ahem* as I was saying, may sasabihin kami sayo" pag papatuloy ni papa. "maaring hindi ka maniwala pero nasasa iyo na yun kung maniniwala ka man o hindi."

"kaya iisa isahin natin para maintindihan mo at maunawan. siguro umpisahan natin sa pinag mulan ng lahat." panimula ni papa. mariin din akong nakinig dahil maging ako ay hindi ko rin lubos maintindihan.

huminga muna si dad ng malalim bago nag umpisa.

"first, ang mga parents mo." nanlaki ang mga mata ni Ina habang tinititigan si dady ng what-do-you-mean look. kahit ako ay nagulat rin sa panimulang sabi ni papa.

mag sasalita pa sana si Ina pero inunahan sya ni dad.

"questions later dear" sabi ni dad kaya napatikom nalang ng bibig si Ina.

"I know you have a lot of questions right now pero hayaan mo muna akong makatapos." dadag pa ni dad. tahimik parin si Ion.

"bago pa mamatay sina Rey at Gina ay may nasabi si Rey sa akin. na sa ika labin walong kaarawan mo ay may mangyayari. ewan ko kung paanong nangyari ito pero sa pamamagitan daw ng pagtingin sa mata ay makikita nya ang isang bahagi ng hinaharap ng isang tao and in this case, you."

"marahil ay nangyari na, o mamaya pa. pero siguradong ngayung araw mangyayari yun. hindi ako nag dududa sa mga sinasabi ng papa mo dahil mismong saakin ay nasubukan nya na ito." bahagyang napangiti si papa..

"well, lets skip that part. back to the topic, sinabi nya na ikaw ang naka tadhana....
ikaw ang babaeng nasasaad sa propesiya." seryosong sabi ni dad

hindi na napigilan ni Ina na sumabat.

"a-anong propesiya?? " pag tatakang tanong ni Ina na halatang gulat na gulat parin dahil sa mga nangyayari.

Lumina: Finding the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon