Prologo

2.8K 74 21
                                    

Simula

Makakaya mo bang harapin ang lahat ng mga kaganapan?

Makakaya mo bang lunukin at kalimutan ang araw na kahit kailan hindi mo malilimutan?

Makakaya mo bang tanggapin ang lahat ng iyon?

Makakaya mo kaya ito? Kung oo, paano?

Paano mo haharapin ang isang bagay na kailanman hindi mo matanggap-tanggap ang nangyari.

It was a wonderful evening for Rafaela. O kung tawagin nilang Raffy.  She was turning seventeen on that day. Simple lang ang kanilang handaan dahil iyon ang napagkasunduan nila ng kanyang magulang.

Kapag hindi pa nakakatungtong ang edad niya ng disi-otso. Hindi muna sila maghahanda ng engrande. Iyon ang sabi ng kanyang ama. Habang nasa kusina siya't tinutulungan ang ina.

Para ihanda ang kanilang hapunan. May kumatok sa pinto. Katok na para bang nanghihina.

"Sandali lang po." Aniya habang tinutungo ang pinto.

Nang buksan niya ang pinto. Halos magwala ang kanyang isip sa bumulantang sa kanya. Ang kanyang ama! Duguan ito.

"Ma! Ma! Si papa ma." Tawag niya sa ina na napapaiyak.

"Pa, anong nangyari sayo? Sinong may gumawa sayo nito? Pa!" Naiiyak niyang sabi.

"Diyos ko! Eduardo! Anong nangyari sayo?! Sinong may kagagawan nito!?" Naiiyak rin ang kanyang ina. Nakahandusay na ang kanyang ama sa pintuan. Habang yakap-yakap ni Raffy ang duguan niyang ama. Na nahihirapan ng huminga.

"Anak, h-hap-py b-birth-day." Pinipilit nito na magsalita. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"Papa huwag mo kaming iwan."

"A-anak kunin mo ito." nauubong anito at may kinuha ito sa bulsa. Isang maliit na envelope.

"Anak, ingatan mo ang bagay na ito. Ang mga Montebello ang may ka----" nauubong anito na nanghihina na. Hinaplos ng kanyang ama ang pisngi niya. At hinawakan niya iyon.

"Ma-hal na mahal kita anak." Iyon lang ang huling mensahe ng kanyang ama bago ito nalagutan ng hininga.

"Papa! Papa! Hindi!" Napasigaw niyang sabi na naiiyak. Pati ang kanyang ina ay hindi rin alam ang gagawin.

Ito ang bagay na hinding-hindi malilimutan ni Raffy. Ang bagay na napakasakit para sa kanyang buong pagkatao. Gagawin niya lahat ng kanyang makakaya. Managot lang ang taong pumatay sa kanyang ama.

"Isinusumpa ko magbabayad ang taong pumatay sayo Papa!" Ito ang nasabi niya sa kanyang sarili. Dahil poot, galit at paghihiganti ang nasa kanyang puso ngayon. Iyon ang pinangako niya sa sarili. Na magbabayad ang dapat na magbayad!

A/N:

Guys, I hope you like it... ♡♡♡
Maraming salamat sa suporta niyo...

Lovelots...

Accidentally Dial (MS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon