Kabanata 20

1.8K 32 7
                                    


"Bitawan mo ko!" Sigaw niya.

"Subukan mong lumaban. Kung gusto mo'ng mauna ang nanay mo." Natigilan siya'y natahimik. Pumasok sila sa isang kwarto.

Nang makita niya ang kanyang ina. Na naka blindfold, nakatali ang dalawang kamay at duguan ang mukha. Tila dinurog ang puso niya ng pinung-pino.

"Hayop ka talaga." Aniya sabay sugod kay Jaden. Subalit naunahan siya nito ng suntok sa may bandang tiyan niya. Napaigtad siya sa sakit at napaluhod.

"Anak, ikaw ba yan? Bakit ka andito?" Mangiyak-ngiyak na wika ng kanyang ina.

Napalapit siya rito kahit na nahihirapan siya, kinaya niya parin. Napagapang siya patungo sa ina.

"Ma.... Kasalanan ko po kung bakit kayo narito." Naiiyak na aniya.

"Tama na ang satsat-----"

Sunod-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig.

"Tingnan niyo! Bilis!" Utos nito sa mga tauhan at lumabas rin ang mga ito.

"Katapusan niyo na!" Binunot nito ang baril at kinasa't tinutok sa mag-ina.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito." Naiiyak niyang sabi na nakaluhod sa harapan ng ina. Nang biglang bumukas ang pinto.

Napalingon si Jaden at mabilis na binaril ni Vernon ang kalaban. Natumba ito at nakahandusay. Lumapit kaagad ang binata sa mag-ina.

"Raff, I'm so sorry kung natagalan ako." Anito sabay kalas ng lubid sa kamay ng dalaga.

"Si mama..." aniya at kinalas rin ng binata ang lubid sa ina ng dalaga sabay tanggal ng blindfold.

Nagyakapan ang mag-ina ng mahigpit. Nang di nila namalayan ay buhay pa pala si Jaden. Nakarinig nalang sila ng putok at napalingon silang tatlo.

"I'm glad nakaabot pa ako. Kundi ewan ko lang." Anas ni Carlo na may hawak na baril.

"Salamat bro." Ani ni Vernon at inalalayan niya ang ina ni Raffy palabas roon.

Kinuha narin ang labi ni Jaden ng mga tauhan nila Carlo at Vernon. Lahat ng mga tauhan ni Jaden ni isa walang nabuhay.

Hinatid na muna ni Vernon ang mag-ina sa hospital. Para gamutin ang mga sugat ng ina ni Raffy.

"Thanks Vern." Pasasalamat niya rito. Nasa room na sila nakaupo. Naroon ang ina ni Raffy sa kama't nagpapahinga.

"Your welcome Raff. I will do anything for you." Malumanay na wika nito.

Napabuntong-hininga siyang napasandal sa upuan. She can't do this right now. Ang mahalaga tapos na ang kaso na hinahawakan niya. Nagkaroon narin ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama.

Sa mga oras na ito ay naging mapayapa narin ang sitwasyon nilang mag-ina. Bagama't payapa na rin ba ang sitwasyon nila ni Vernon???......

Pagkuwa'y biglang bumukas ang pinto.

"Oh my gosh! Vernon what happen?" Ekstraheradang ani ng babaeng kakadating lang.

"Char, what are you doing here?" Tanong ng binata sa dalaga.

"Sinabi sakin ni Carlo..." sabay yakap sa binata. Tila nanginginig ang buong katawan ni Raffy na parang di makagalaw. Habang tinititigan ang dalawa.

"Can we talk outside?" Ani pa ni Vernon. Tumango naman ang dalaga at naunang lumabas.

"Pasensya na talaga Raff ha." Ani ni Vernon.

"Okay lang. Sige na, she's waiting for you." Kimi siyang napangiti para itago ang munting kirot na kanyang naramdaman.

Accidentally Dial (MS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon