Kabanata 17

876 29 0
                                    

Nanlaki ang kanyang mga mata. Dahil kilala niya ang bawat tindig at galaw ng taong iyon.

"Bakit siya andito? Kailangan hindi niya ako makita." Nagmamadali siyang tumayo at umalis sa lugar. Sa halip na maglakad ay pumara siya ng isang traysikle na dumaan malapit sa plaza at sumakay.

"Saan po tayo, ma'am?" Tanong ng driver.

Subalit hindi niya yun narinig dahil naiwan ang kanyang diwa sa taong kanyang nakita. Nilingon niya ito sa huling pagkakataon.

Bagama't may kalayuan na sila sa mismong lugar.

"Ma'am, mawalang-galang na ho. Saan po ba ang punta niyo?"

"A-aah, manong sa Montgomery Real Shop ho." Sagot niya.

Hindi naman gaanong malayo ang shop na ito. At halatang iisa lang ito sa lugar.

"Andito na ho, tayo." Anito.

"Magkano po?"

"Sampung-piso lang po." At binigay niya rito ang kanyang pambayad. Iba ang pumasok sa kanyang isipan.

"Ang Montgomery ay isang carshop ng mga sasakyan." Mahinang usal niya. Habang hawak ang kanyang camera.

Nang may isang taong napadaan sa tagiliran niya.

"Ma'am may bibilhin ho kayo?" Tanong nito.

"Ah, napadaan lang may nakapagsabi kasi sakin maganda ang serbisyo niyo rito. Yung sinabi mo na kung may bibilhin ako, ang ibig mong sabihin ay nagbebenta din kayo?" Paninigurado niya rito.

"Aba! Opo, kung gusto niyo pumasok po muna kayo." Niyaya siya nito.

"Sige po." Sagot niya.

Habang naglalakad siya ay inayos niya ang adjustment ng kanyang relos. Hindi kasi ordinaryong relo lang iyon. Isa rin iyong spy camera. Kaya naman kahit na naglalakad siya, panay rin ang pagkuha niya ng litrato.

"May kalakihan din po pala ang shop ito, ano ho manong ?" Puna niya rito.

"Oo ho ma'am, sa katunayan kami lang po rito ang may maayos at malinis na magtrabaho sa lugar na ito."esplika nito may garantisado.

"Ganoon ho ba?" Nang may napansin siyang isang Subaru sa may bandang unahan.

"May mga sportscar din ho palang nagpapaayos dito?"

"Opo, mas kampante kasi sila sa amin ma'am." Sagot nito sa kanya. Lumapit siya ng konti may kutob kasi siyang brandnew ang sasakyan. Kaya sikreto niya itong kinunan ng litrato pati yung plate number.

Ilang sandali pa ay nakapagdesisyon na siyang umuwi.

"Manong mauna na ho ako. Salamat ho, balik na lang po ako sa susunod."

"Sige ma'am." Sabay ngiti.

Nang nakalabas na siya sa shop. Ay kaagad siyang pumara ng traysikle. Tamang-tama pakaupo niya ay may dumating na isang sasakyan na tinted.

Mabilis niyang kinunan ng litrato ang sasakyan pati na ang plate number.

"Mas mabuti ng maraming pweba kaysa sa kulang." Aniya sa kanyang isipan.

At umalis na sila sa lugar na iyon. May kutob siyang posibleng makakakuha siya ng positibong ebidensiya para sa kasong kasalukuyan niyang hinahawakan.

Nang huminto ang traysikle sa tapat ng gate ng apartment. Inaabot niya rito ang bayad at pumasok agad sa loob ng bahay.

"Hija, nariyan ka na pala. Kumusta ang paggala mo sa lugar namin?" Tanong pa ng matanda ng nagkasalubong sila sa salas.

"Okay naman ho, iba lang po pala talaga ang probinsiya Manang. Kung ikukumpara sa kamaynilaan."

Accidentally Dial (MS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon