Napaidlip siya't hanggang sa nakatulog. Nang hindi niya na mamalayan na unti-unti na pala siyang namamawis.
"Papa! Wag mo kong iwan! Papa......" napasigaw na sabi ni Raffy. At kaagad naman pumasok ang binata sa kwarto. Para gisingin ang bumabangungot na dalaga.
"Rafaela! Wake up. Raffy gising nananaginip ka." Ani ni Vernon at niyugyog ang balikat ng dalaga.
"H-ha?" Napabalikwas na bumango si Raffy.
"Anong nangyari?" Namamaos niyang tugon.
"Binabangungot ka kaya kita pinasok. Are you alright?" Nasa boses nito ang pag-aalala.
"Okay lang ako. Pasensya ka na at nagising pa tuloy kita."
"It's okay, ang mahalaga walang nangyaring masama sayo." Ani nito sa kanya.
"Sige Raff, matulog ka na ulit. If you need anything just don't hesitate to call me, okay?" Dagdag pa nito.
"Thanks Vernon." Aniya at marahang tumayo ang binata at lumabas na nga ng tuluyan.
Hinilig niyang uli ang kanyang ulo sa kama at dahan-dahang humiga. Hanggang sa nakatulog nga siya.
Kinabukasan, pag-gising niya ay isang missed call at text ang natanggap niya.
Mama:
Anak anong oras ka uuwi? Kumusta ka na?
Ako:
Maya-maya ma, sa tingin ko po humupa na ang ulan. Okay lang po ako ma. Wag po kayong mag-alala. Love you.
Reply niya sa text ng kanyang ina.
Napatingin siya sa pintuan dahil sa katok ng binata.May dala itong tray. Gosh! Don't tell me!
"Akala ko tulog ka pa. Gigisingin na sana kita. Siya nga pala, I brought you some breakfast." Ani nito at nakita niya ang mga hinandang pagkain sa kanya ni Vernon.
"Ahmm.. Vernon hindi mo naman kailangan na gawin toh." Sagot niyang nahihiya.
"I'm doing this because your in my place. I hope you like my cook." Kaswal nitong sabi.
"Ikaw ang gumawa nito?" Aniya niyang hindi makapaniwala. Parang ang galing din nito sa kusina.
Tinikman niya ang gawang egg in a basket at ham ng binata. At ang Cappuccino Latte na gawa rin nito. May manga rin at tubig rin.
"Ganito ba talaga ang pagtrato mo sa mga bisita? Parang unusual naman ata." Aniya habang sumusubo.
Hinila pa nito ang isang upuan para lumapit sa kanya.
"Actually, pihikan ako sa mga tao. Nakadepende rin sa kanila ang tratong pinapakita ko."
Hindi siya umimik. Tanging tango lang tinugon niya.
"But, I'm just curious hindi naman siguro first time ito di'ba?"
Ha?! First time? What Am I doing? Aniya niya sa sarili. What do you expect Rafaela?
"Nope." Ani nito ng biglang tumunog ang telepono sa labas.
"Ah okay, siya nga pala salamat lalo na sa pantulog."
"Your welcome Raff kumain ka lang ha, sasagutin ko lang yung phone."
"Sure no problem." Malamig niyang saad. Umalis na ang binata.
"Tatanung-tanong pa kasi ayan tuloy napahiya ka kasi ngayon mo lang ulit ito naranasan." Nanlulumo pangaral niya sa sarili.
Pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain. At ninamnam niya ang masarap naluto ng binata. No wonder, marunong siyang magluto. Syempre, dahil nga sa mag-isa lang yata ito sa unit.
BINABASA MO ANG
Accidentally Dial (MS 3)
RomanceRaffy was in between with a tremendous decisions. Nang dahil sa isang karumaldumal na sitwasyon nagbago ang takbo ng buhay niya. Subalit may isa siyang problema, makakaya kaya niyang tapusin ang nasimulan niyang gawain. Na halos lahat pala ay may ki...