Maayos naman ang paghatid sa kanya ng binata. Kung noong nakaraan ay hindi nito nakita ang kanilang tahanan. Ngayon ay halos tanaw na tanaw na nito.Simple lang ang kanilang bahay. At masagana rin sa mga berdeng halaman ay may puno rin ng manga.
"I like your place. I want a home like this for a lifetime." Anitong nakatayo malapit sa sasakyan nito.
Napangunot noo siya sa sinabi nito. Kaya siya napalingon rito.
"Lifetime? Hindi ata bagay sa'yo ang ganitong bahay Vernon. As I can see.... hmmm..." aniyang pinasadahan ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa.
Then he caught her eyes suddenly. She hates his tentalizing eyes which makes her trembles to death.
"Are you done checking me out?" Nakangisi nitong sabi.
"Well..." napalunok pa siya.
Putek... bakit ba ginawa ko yun? Aniya sa sarili.
"My place, is nothing to do with your monkey ideas. Besides, alam ko naman na mas maganda pa ang kinalalagyan mo." Diretsong sabi niya rito.
Humalakhak ito at napahawak sa panga nitong kay sarap hawakan.
"Siguro nga, tama ka. Pero bakit ba ang init ng dugo mo sakin, Raff?"
"Ako? Mainit ang dugo sayo? Naku hindi..... Hay nako, ewan ko nga sayo kung bakit ako nakikipagtalo sa isang katulad mo." Aniyang tinalikuran ang binata.
"Palagi mo kasing inu-object ang mga sinasabi ko. We're not in a debate team Raff."
"You know what, everytime you open your mouth with your charming words......." Aniya niyang tinuturo pa nito ang binata.
"Ano? Dahil gusto mo naman?" Simpleng pakawalang sabi pa nito sa kanya sabay ng mga pilyong ngiti.
"Gusto ko? Managinip ka! Sumasakit ang ulo ko sayo! Sige salamat sa paghatid!" Pabagsak niyang isinira ang gate ng kanilang tahanan.
Ay dumiretso siyang lumakad papasok sa kanilang bahay. Nakangiti na lang si Vernon sa bawat asal na pinapakita sa kanya ng dalaga.
He can barely see her, kasi hindi naman lahat ng gate ay natatakpan ng metal. Kaya kahit na malayo na ito sa kinatatayuan niya.
Ay kitang-kita parin niya ang mukha ng dalaga. Na nakasimangot ng dahil sa inis at galit sa kanya.
"I really don't understand myself, why I like your angry face so badly, Rafaela." Nakangiting tugon niya sa sarili habang pumasok sa kotse.
Mainam na pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar ng dalaga.
Habang nagmamaneho ay hindi niya mapigilang mapangiti. Para bang ang saya-saya niya sa tuwing kausap niya ito o nakikita niya ito.
Naputol ang kanyang imahinasyon ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello, dude! You ruin my nightmare!" Pabagsak niyang sabi sa kabilang linya.
"Nightmare? Are you alright hijo?" Nag-aalalang anito sa kabila. Mabilis niyang nilayo sa tenga ang cell at tiningnan kung sino ang tumawag.
Shit! Si mama pala. aniya sa kanyang isipan.
"I'm sorry ma, akala ko kasi si Carlo."
"How's your meeting son?"
"It's alright ma, the investors is good to go according to our plans. Magkikita na lang sila ni Ciara para maumpisahan na ang project."
"Alam na ba ng kapatid mo?"
"Of course ma, I already send a copy on her email."
"Patay ako nito ang totoo hindi pa niya talaga alam."sambit niya sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
Accidentally Dial (MS 3)
RomanceRaffy was in between with a tremendous decisions. Nang dahil sa isang karumaldumal na sitwasyon nagbago ang takbo ng buhay niya. Subalit may isa siyang problema, makakaya kaya niyang tapusin ang nasimulan niyang gawain. Na halos lahat pala ay may ki...