Kinabukasan nagising na lamang siya sa mga huni ng ibon sa kanyang bintana.
Medyo tanghali na kaya napahikab siya. Honestly, she still want to go sleep and get some day off. But she have to talk to his boss right away.
Bumangon siya at inayos ang kanyang higaan. Nang matapos siya ay nagmadali siyang naligo at nagbihis ng kanyang damit.
As usual, ganun parin ang klaseng damit na sinusuot niya. Lahat nakaitim ang panloob lang ata niya ang kulay puti. Pormal na pormal siya sa suot niya. Kasi agent siya eh.
Bumaba kaagad siya at pumunta sa kusina para kumain ng agahan. Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain dahil maaga naman'g nagising ang kanyang ina.
"Goodmorning ma." Tugon niya sabay halik sa pisngi.
"Goodmorning din anak, maupo kana at nakahanda na ang almusal."
"Salamat ma." Nakangiting sabi niya rito at kaagad siyang naupo at kumain.
Nang matapos na siyang kumain ay nagpaalam siya sa ina at umalis narin. Hindi na siya nag-atubiling tumagal pa.
Kaya naman pinaandar niya ang kanyang motor at umalis na. Pagdating niya sa building nila ay dumiretso kaagad siya sa opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya bago pumasok.
"Sir, goodmorning--"
"How's your investigation?" salubong na tanong nito sa kanya.
"Okay naman po sir, may nakuha na ho akong lead kung saan nila tinatago ang biktima."
"That's good Raffy and where is that place might be?" Pormal nitong tugon.
"Nasa isang abandonadong gusali sa Malabon sir. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa inyo sir kung maaari lang po sana."
"Of course, what is it?"
"Gusto ko po kasi sir, na ako na lang pong mag-isa ang pupunta roon." Matapang niyang sabi.
"Sigurado ka? Pero kayong dalawa ni Gilbertson ang inatasan ko sa kasong ito. Kailangang may kasama ka Raffy."
"Mas mainam naman po siguro sir kung mag-isa nalang po ako." Katwiran niya.
"Raffy, I understand your drive into this case. But I can't let you finish this mission alone. Gilbertson will be your partner and that's an order Miss Villafuerte."
"But sir-"
"No buts Miss Villafuerte." Seryosong tugon nito sa kanya. Kaya naman na patango na lamang siya sa desisyon nito.
Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang boss niya. Na magiging kasama niya ang binata. Hindi sa nagiging makasarili siya. Kundi ay gusto sana niyang walang disturbo.
"Raffy." Tawag sa kanya habang naglalakad sa lobby.
"Oh Jaden ikaw pala." Malamig niyang ani rito.
"Nakausap mo na ba si boss tungkol sa leading natin?"
"Oo bago lang bukas na bukas din pupunta tayong Malabon."
"Sige, siya nga pala napagkaalaman ko na matinik si Mr. Chong sa mga taong naglalaro sa kanyang casino na hindi nagbabayad."
Naalala niya kaagad ang nangyari sa lalaking pinatay ng may-ari.
"Paano mo nalaman?" Tanong niya sabay pihit sa pintuan sa kanyang opisina. At pumasok silang dalawa habang siya naman ay nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Nung nawala ka nagtanong ako sa mga andoon. May isang tao kasi akong nakatabi habang nagmamatyag. Siya mismo, ang nagsabi na wala talagang puso iyang si Mr. Chong. Dahil mainit ang ulo niya sa mga taong nangungutang sa laro at hindi nagbabayad. Kaya ko nalaman na talagang wala siyang awa." Mahabang esplika nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Dial (MS 3)
RomanceRaffy was in between with a tremendous decisions. Nang dahil sa isang karumaldumal na sitwasyon nagbago ang takbo ng buhay niya. Subalit may isa siyang problema, makakaya kaya niyang tapusin ang nasimulan niyang gawain. Na halos lahat pala ay may ki...