Kabanata 3

1.4K 52 26
                                    

Nang matapos na siyang maligo at magbihis papuntang trabaho. Pinakaayaw talaga ni Vernon sa isang babae.

Yung tipong sila na mismo ang mang-aakit sa lalaki. Gagawa pa ng paraan para mapalapit sila sa lalaking gusto nila. Pinakaayaw niya ang ganun.

Lalong-lalo na sa isang babaeng ayaw niya. Nandidiri siya. Kasi ayaw niya ng mga babaeng linta kong makakapit.

"I hate that girl so much." Aniya sa sarili. Habang nasa harap siya ng salamin at inaayos ang kanyang suot na suit.

Nang matapos na siya ay kaagad siyang lumabas sa kanyang unit. Pagbukas niya ng pinto ay nagmamadali siyang lumakad patungong elevator.

Mabilis niyang pinindot para bumukas ang lift. At pinindot niya ulit para sa ground floor. Daig pa niya ang may pinagtataguang kasintahan.

Nang makita niyang paparating ang babaeng kinaiinisan niya. Mabilis na naman niyang pinindot ang botton.

"Vernon wait!" Sigaw pa ng babae. Subalit huli na ang lahat. Sumira na ang lift ng elevator. Napabuntong-hininga siya ng malalim.

"Shit! I really hate that woman!." Kinakapos niyang sabi na hinihingal pa. Inayos niya ang kanyang sarili at bumukas na ang lift ng elevator.

Tumungo kaagad siya papunta sa kanyang sasakyan. Pinindot niya ang kanyang car remote. At binuksan niya ang pintuan nito.

Pinaandar niya ang kanyang sasakyan. Papunta sa kanyang opisina.

Pagdating niya sa kompanya ng kanilang angkan. Ay malugod naman siyang binati ng mga empleyado roon. Pormal siya kung kumilos. Lahat ata sa kanilang magpipinsan ay ganun.

Dumiretso siya sa kanilang conference room. Kung saan nila pagdidiskusyunan ang kasong pinag-uukulan niya.

"I'm sorry tito I'm late." Pasimula niyang sabi sabay taas ng kamay sa ere. Alam kasi niyang napakametikuloso nito pagdating sa late. Kaya alam niya rin kung saan nagmana ang kanyang pinsan na si Zander.

"Apology accepted."matipid na sagot nito sa kanya. Pagkuway umupo siya sa bakanteng upuan.

"Goodmorning, as you all know. I will be straight to the point. Lately there is a kidnapping near in Royale de Casino. The authorities is asking us the agencies to be involve in this case."

"Dad? So you mean by that there is another agencies are involve in this case?" Baritonong tanong pa ni Zander.

"Yes and this case was been assigned to Vernon already. I'm sure your aware of that hijo?" Baling pa ng kanyang tito.

Shit. Aniya sa sarili.

"Ahm.. yes Tito Damian I'm already aware of it."

"That's good. Alam mo naman bagong kasal pa si Carlo." Anito.

"Alam ko naman po iyon Tito." Aniya sabay sulyap sa nakangising si Carlo. He just narrowed his eyes on him.

"Our plan for now is to spy the area. As we all know that this casino was owned by Mr. Chong. His not just involved with gamblings but also in illegal drugs. He is one of the top druglords here in the Philippines. I want you guys to cover and investigate this casino. Nathaniel you are the one who's been tecky in computers. You can go with Vernon tonight. So that we can access their surveillance." Seryosong ani nito sa kanila.

Tumango lamang ang pinsan niya. Sa mga ganitong kaso may mga panahong isa sa mga magpipinsan ang kasama nila. Kung minsan naman ay ang ibang agents.

Lahat sila magagaling pero iba't-iba ang kani-kanilang mga expertise. Kung saan sila dalubhasang talaga.

"Tonight?" Biglang sambit niya.

Accidentally Dial (MS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon