Pitong taon niyang kinimkim ang pangyayaring iyon. Pitong taon niyang binaon ang galit sa kanyang puso. Nagaganti siya sa taong may sala. Gagawin niya ang lahat masira lamang ang reputasyon ng taong iyon.Gabi na ng mga oras na iyon. Nagpalit siya ng damit. She's wearing a white shirt covered with black leather jacket and black pants. Ayaw niyang magising ang kanyang ina. Kaya sa bintana siya dumaan.
Ginamitan niya iyon ng mga kumot na kanyang tinali-tali para makababa siya sa ikalawang palapag ng bahay.
Hindi siya gaanong babae kung kumilos. She change her lifestyle since the death of her father. Wala siyang pakialam kong mabansagan siyang isang tomboy.
But still she can manage it everytime and everywhere. Kung kinakailangan niyang kumilos bilang isang babae gagawin niya. Tinungo niya ang kanyang motorbike. Iyon ang kanyang transportasyon kahit saan man siya mapadpad.
Maingat niyang nilabas ang kanyang motor sa bakuran ng bahay hanggang sa may gate. Nang natahak na niya ang ilang distansya palayo sa kanilang tahanan. Kaagad niyang pinaharurot ang kanyang motor sa pagtakbo.
"Anong oras na ba? Shit!!! Malapit na mag-alas dyes!" Napamura siya at binilisan pa ang pagtakbo.
Hanggang sa marating niya ang isang mamahaling bar. Pumarada siya sa may unahan na medyo malayo sa bar na iyon.
Hinubad niya ang kanyang helmet at jacket. At isinablay niya ang helmet sa manibela. Pagkuway binitbit niya ang kanyang jacket at marahang inayos ang kanyang buhok.
Lumakad siya patungo sa bar at nang makapasok na siya roon. Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang lugar. Lumakad siya patungo sa counter table. Kung saan may dalawang lalaking nakaupo roon. Lumapit siya at maagap na umupo.
"One scotch please." Aniya.
"Okay ma'am." Napatangong ani ng bartender.
Hindi siya umimik o nagsalita man lang. Subalit maingat niyang pinasadahan ang dalawang lalaking nakatingin sa kanya.
"Maganda siya." Ani ng isang lalaki.
Tinitigan siya ng pangalawang lalaki. Nakataas pa ang kilay nito na para bang sinusuri siya.
"I don't play with trash, you know that." Sagot pa nito. Umigting ang bagang niya sa kanyang narinig.
"Hayop! Ang lalaking ito ah... akala mo kung sino! Makakatikim ka lang sakin mamaya. Akala mo lang ha! Gago!" Aniya sa kanyang sarili.
"Ma'am ito na po yung scotch niyo." Anito at maalaska siyang tumango at tumayo. Hindi siya napansin ng dalawa na papalapit siya sa kinauupuan ng mga ito.
"Ano ba kasing klaseng babae ang gusto...." hindi nito na tuloy ang sasabihin.
"Anong sabi mo?" Matigas niyang sabi rito. At napaawang naman ang bibig ng dalawa at natigilan.
"Ano?" Nakataas kilay na tanong nito sa kanya.
"Anong sinabi mo sakin kanina?!" Asik niya rito na hindi niya napigilan ang sariling tensyon. At nakwelyuhan niya ito.
"Ah.. miss hinay-hinay lang hindi niya iyon sinasadya." Ani ng isa.
Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig rito. Napataas naman sa ere ang dalawang kamay ng lalaki. Tila sumusuko na sa kanya.
"Ma'am bawal po ang gulo rito." Ani ng bartender ng mapansin sila.
"Alam ko." Matigas niyang sabi sabay tulak niya sa binata. Medyo tumilapon ito sa kinauupuan niya.
"Sasusunod itikom mo iyang bibig mo. Baka mabanas ako sayo." Mariing pagbabanta niya rito. Bumalik na siya sa upuan niya. Bahagyang uminom ng kanyang inumin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Dial (MS 3)
RomansaRaffy was in between with a tremendous decisions. Nang dahil sa isang karumaldumal na sitwasyon nagbago ang takbo ng buhay niya. Subalit may isa siyang problema, makakaya kaya niyang tapusin ang nasimulan niyang gawain. Na halos lahat pala ay may ki...