Hinatid siya ng binata hanggang sa dako ng kanilang lugar. Mabuti na lang at humupa na ang baha. Na kagabi pa'y halos hanggang tuhod ang taas nito.
Napalunok siya't napasulyap kay Vernon. Naisip niyang mainam ng pangunahan niya iyon sa hindi. Kaysa sa mauwi ito sa anumang bagay na maaari niyang pagsisihan sa bandang huli.
"Dito na lang." Saad niya.
"Sigurado ka?" Tanong nito at tumango naman siya.
"But it's not nice that I'll just drop you here."
Nasa kanto pa kasi sila ng kanilang subdivision.
"It's okay Vernon, malapit lang naman ang amin."
"Where is your house exactly? I'll take you there." Tanong nito na patuloy parin sa pagmamaneho.
"Okay lang talaga ako, dito mo na lang ako ihinto."
"I said where is your goddamn place?" Mariin nitong tanong sa kanya.
"Fine. Nasa unahan asul na gate yung amin."
Hindi umimik ang binata at pinarada ang sasakyan sa harap nga ng kanilang gate.
"I'm sorry Raff, gusto ko lang talaga na ihatid kita sa bahay niyo."
"Bakit naman? Sanay naman akong maglakad eh."
"That's my point, ayaw kong maglakad ka samantalang andito naman ako na pwede kang ihatid sa kung saan ang inyo." Seryosong ani nito.
Uminit ang pisngi niya roon. She just blink her eyes and slightly breathe.
"Salamat sa paghatid Vernon. Ingat ka sa pagmamaneho."
"Hold on." At mabilis itong lumabas at umikot sa passenger's seat. Pinagbuksan siya nito ng pintuan.
"I just notice that your being so kind with me. Bakit doon sa babae kanina iba ang trato mo sa kanya?" Saad niya ng makalabas na siya sa kotse.
"Napansin mo rin pala iyon. There are times that I might be kind and gentle Raff. But there are times too that I may be too rough and mean."
"Kung magiging suplado ka lang naman. Ay huwag na at baka mabanas na naman ako sayo." Ani niya.
Ngumisi pa ito sa kanya. Kaya napataas ang kilay niya ng dahil doon.
"Mahilig ka talagang mang-asar ano? Hay nako, sige mauna na ako salamat sa paghatid."
"Your welcome Raff, next time again?"
"Next time? Maybe yes or maybe not." Kiming napangiti nalang siya rito. At pumasok na ang binata sa kotse nito.
"There won't be next time Vernon. I'll make sure of it." Anas niya sa sarili ng makalayo na ang binata sa kanila.
Nang makapasok na siya sa kanila. Doon pa niya naalala na hindi niya pala dala ang damit na sinuot niya kahapon.
"Shit!" Napamura siyang hinubad ang kanyang heels at nilagay sa shoe rack.
"Anak, andyan ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa."
"Hindi po ma." Aniya at humalik siya sa pisngi ng ina.
"Oh bakit ganyan ang suot mo'ng damit? Nasaan pala yung suot mo kahapon?"
"Basang-basa pa kasi. Kaya pinahiram na lang ako ni Elaine ng damit na hindi na niya ginagamit." Pagsisinungaling niya sa ina.
"Ganoon ba anak. Kumusta naman ang party?" Usisa ng kanyang ina sabay upo nito sa sofa.
"Okay naman po. Hindi lang iyon simpleng party ma. Dahil malapit na pala siyang ikasal."
BINABASA MO ANG
Accidentally Dial (MS 3)
RomanceRaffy was in between with a tremendous decisions. Nang dahil sa isang karumaldumal na sitwasyon nagbago ang takbo ng buhay niya. Subalit may isa siyang problema, makakaya kaya niyang tapusin ang nasimulan niyang gawain. Na halos lahat pala ay may ki...