Chapter 1

3 0 0
                                    


"Woooohhhhhhh Summer baby!!!!" Sigaw nyang nakakabingi sa aking tainga.

"Ano ba Ken?!! No need to shout it near my ear!" Sabi ko sa kaibigan ko na parang walang pakealam sa mga reklamo namin at di parin tumitigil.

We finally graduated last week and nagtipon tipon kaming magbabarkada dito sa roof top ng bahay namin para pagplanuhan ang mga gagawin namin this summer. Nakakalungkot mang isipin na sa ilang taong naming pagsasamang magkakaibigan ay magkakahiwalay na kami para sa college. Kaya napag-isipan nalang namin na lubus lubusan na namin this summer vacation.

"So what's the plan guys?" Tanong ng isang kaibigan ko na si Ria habang sinusubuan ng cake ang kanyang boyfriend na si Oliver.

"How about roadtrip? Okaya punta ulit tayo sa Cebu dun sa rancho namin?" Suggest ni Jesse na bestfriend ni Oliver. Lumaki kasi sa probinsya si Jessie. Napadpad lamang sya dito sa Manila para makapag-aral at para makatulong na rin sa business ng kanyang mga magulang.

"Yeah dude! Cebu ulit tayo guys! Can't wait to see those sexy girls!" Sabi ng humahalakhak na playboy kong kaibigan na si Connor. Minsan iniisip ko rin kung bakit ba namin naging kaibigan itong lalaking to, well wala kaming magagawa.

"Oh God! Can't believe that he's my twin brother!" Oo. At magkakambal si Celine at Connor. Pero magkaiba silang dalawa, si Celine ay ubod ng puti na parang kakulay na ng papel at si Connor naman ay medyo tan pero parehas silang merong mala'anghel na mukha. Kaya marami rin ang nahuhumaling sa dalawa.

Biglang tumayo si Kelly at pumunta sa tabi ni Connor para makipag high five sa kanya. "Oo nga Jesse! Punta tayo sa Cebuuuuuuuu!!! My goshhh!! Siguradong makikita ko nanaman ang super hot mong kuya!! Omggggggg!!" Sigaw ni Kelly na kinikilig habang sinasabunutan si Jesse. Halata naman na magkaugali ang dalawa, kaya laging nagkakasundo.

Humalakhak kaming lahat dahil kay Jesse na pulang pula na sa kakasabunot sa kanya ni Kelly.

Walo kaming lahat na magkakaibigan at nagkakilala kami noong 7th Grade. Naging classmate ko sila at doon na nabuo ang pagsasamahan naming lahat. Una kong nakilala si Kenneth noong first day of school. Tahimik lang sya noon kaya nagdecide ako na umupo sa tabi nya.

"Do you mind if I sit here?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang upuan sa tabi nya.

"Uhmm. N-no. G-go ahead. " sagot nyang medyo nauutal.

Umupo nako sa tabi nya at hinarap sya "By the way, Im Alex. " sabay ngiti at nilahad ko sa kanya ang kamay ko habang nagpapakilala.

"Im Kenneth" sabay abot sa kamay ko at nginitian ako. Medyo nagulat din ako dahil dun ko palang nakita ang buong mukha nya. He looks like a prince charming, yung hair nyang color light brown, matatangos na ilong and his warm eyes. He also has a dimples! Omg. Dimples!

We're inseperable after that time. Mas nakilala ko sya. Sa una lang pala ang katahimikan ng gaga! Ubod ng daldal na minsan feeling ko natutuyo na utak ko sa kakatalak nya. Then one day nung nag 8th Grade kami he confronted me, nasa bahay ako that time at pumunta sya sa amin.

"Oh Ken? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Di ko maintindihan ang ekspresyon nya, may halong lungkot at takot akong nakikita sa mukha nya. May kutob na ko sa sasabihin nya, medyo matagal ko na rin kasi napapansin. Hinihintay ko nalang na sabihin nya sa akin.

"I have to tell you something. Promise me na hindi magbabago tingin mo sa akin. Promise me. " he said with his pleading eyes.

"Ano kaba, you're my friend Ken. You can tell me everything. Di ba sinabi ko naman sayo na Im here pag may problem ka di ba? So, what is it?"

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon