At nagising nanaman ako hindi dahil sa maliwanag na sinag ng araw, kundi dahil sa ingay ng kaibigan ko na lumulundag lundag ngayon sa kwarto ko."Come on Alexxxx!!! WAKKKKEEE UPPPP!!" Sigaw ni Ken habang lumulundag pa sa kama ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para di ko marinig ang pagsigaw ng bwisit na to. Ano na bang oras? Feeling ko kase ang aga aga pa. Di ko rin alam kung bakit nandito si Kenpero di nako nagtataka kase lagi naman nyang ginagawa to.
"Five more seconds please" sabi ko sakanya, pero di ko alam kung narining nya dahil hangga ngayon e nagtatalon'talon pa sya.
"ALEEEEEXXXXXXX!! WAKEEEE UPPPPP!! GUMISING KANA GIRLLLLLLL!!" Omygooooooooodddd!! Sumasakit na ulo ko sa inggratang to!
Umupo nako "Im up! Im up, okay?!! Ano nabang oras at bakit ka nandito ha?!" Tanong ko sa kanya habang kinukusot ang aking mga mata. Hinanap ko rin phone ko para makita kung anong oras na.
When I got to see the time, my eyes widened and my jaw dropped. "You've got to be freaking kidding me Keeennnn?!!!!" Sigaw ko sakanya. And finally! Tinigil na rin nya ang pagtatalon sa kama ko at umupo nalang sa tabi ko. Tinignan nya lang ako ng nakangisi at nag peace sign sa harap ko.
Suminghap ako ng malalim at hinarap sya "Okay Ken. Give me one good freaking reason why on earth you're screaming and jumping in my bed for you to wake me up at 7 in the freaking morning?!!" Sabi ko sa kanya ng dahan dahan habang pinipigilan ang sarili ko sa pagsabunot ko sa kanya.
"Because. . . Im bored?" Aniya ng nagaalinlangan.
"So you're saying that you just barge in inside my room, and decided to scream and jump in my bed to wake me up at 7 in the morning because YOU WERE BORED?!!!!" Nanlaki ang mga mata ko sa rason nya. Di ko na napigilan at sinapak ko na sya "Sira ulo ka ba?!!!" Sabi ko sa kanya.
Hinawakan naman nya ang ulo nya kung saan ko sya sinapak "Aray naman Alex! Ke aga aga napaka bayolente mo naman!" Natatawa nyang sinabi.
"Ano ba kasing kailangan mo Ken?" Tanong ko sa kanya habang humiga ulit ako sa kama ko.
Humiga din sya sa tabi ko "Walang tao sa bahay. Umalis si ate kasama yung flavor of the month nya. Tsaka namiss kita. " sabi nya na nakangisi sakin.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ken "I miss you too Ken." Sabi ko sa kanya. Malambing talaga si Ken. Kung straight lang syang lalaki papatulan ko talaga to. Joke lang hihihi
"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sayo, may photoshoot tayo bukas nila Connor and Celine. Sayang din yun, wala din naman tayong ginagawa kaya ni accept ko na. Okay lang ba yun Alex?" Aniya
"Oo naman Ken. What time ba?" Tanong ko sa kanya. Oo, part time job namin ang modeling. Kasama ko sila Celine, Connor and Ken. 2 years na rin kaming nag momodeling kaya di na bago sa amin ang mga photoshoot na ganito.
"10 am daw sabi ni Sid. Ano? I pick you up at 9 okay? Magaayos pa kasi tayo. Balita ko para daw to sa Preview magazines." Untag nya.
"Okay sige. Hintayin nalang kita dito ah. " sabi ko sa kanya. Nagkwentuhan pa kami ng matagal at medyo nakatulog din ako. Nagising ako ng 9:30 am. Tumingin ako sa tabi ko at nakatulog rin pala si Ken dito. Suot nya ay dark pants at black v-neck shirt na parang second skin na nya. Dahil nga model din sya, asahan nyo na maganda din ang hubog ng katawan nya. Di mo talaga akalain na homosexual sya.
Ginising ko sya "Uy Ken. Tara breakfast muna tayo. " sabi ko at bigla nalang syang nagising at umupo. Umiling nalang ako, basta talaga pagkain. Haay nakoo. Napansin ko na medyo humaba na buhok nya at naging messy pa dahil sa pagkakatulog nya. It makes him look sexy. Pero mas sexy ako. Lol.
Sabi ko sakanya na hintayin nya kong maligo , tumango naman sya at pumunta rin sa banyo para magtoothbrush. Ginawa ko na routine ko, pinatuyo ko na rin ang buhok ko. Medyo mahaba na kaya kailangan ko ng pagupit. Suot ko ay highwaist black short and gray off shoulder crop top.
Sabay na kami ni Ken na bumaba para pumunta sa kitchen.
"Nakita ko kuya mo kanina girl nung pagpunta ko sa kwarto mo. Lalo syang gumwapo!" Sabi nya sakin habang papunta na kami sa kitchen. See? I told yaaa he's gay."Ewww. Di ko na kailangan malaman yan Ken." Sabi ko habang ngumingiwi sa pinagsasabi nya sa kuya ko.
Nang nakarating na kami sa kitchen biglang napahinto sa paglalakad si Ken. Nanlaki ang mga mata nya and after mga 10 seconds ay hinarap nya ako.
"Bakit hindi mo sinabing may tatlong diyos ka pala na kasama dito?!! Ang Hot nila!" Bulong nya sakin habang pinapakalma ang sarili nya.
Nilingon ko ang tinutukoy ng aking kaibigan at nakita ang tatlong taong pinakagwapong nakita ko sa buong buhay ko. Lalo na dun sa kausap ni kuya na grabe kung makatitig sa akin. Di ko alam kung bakit pero napatitig na rin ako sa kanya. Sa sobrang kagwapuhan nya ay feeling ko ay galing sya sa Mt. Olympus para bisitahin ang mga tao dito sa mundong to. Hindi ako overdramatic, sobrang gwapo lang nya talaga. Those piercing hazel eyes, black messy hair, pointed nose, perfect jaw and his freaking pink perfect lips. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit ganyan sya makatitig sakin, sobrang intense na parang nakikita na nya kaluluwa ko. Naputol lang ang pagtitinginan namin ng nagsalita na si kuya.
"Oohh. The lovebirds." He said and smirk at me. I just wanna punch his freaking face right now.
I glared at him "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na magkaibigan lang kami kuya. " naiiritang sabi ko.
"Whatever. " he shrugged but he still smirking at me. Pinagtaasan nyako ng kilay at pinagtaasan ko din sya. Naputol lang ang titigan namin ng may umubo sa likod ko. Si Ken.
"Anyways, sila nga pala yung anak ni tita Victoria and tito Alfred. Dito muna sila hanggang di pa naaayos nila tita yung business sa New York. " sabi ni kuya sakin at tumayo naman ang tatlong magkakapatid pati rin si kuya.
"Alex, this is Callum" turo ni kuya dun sa lalaking naka polo shirt. Nginitian nya ko at nginitian ko rin sya. "This is Von" turo ni kuya dun naman sa naka dark blue na shirt na fit na fit sa katawan katulad ng mga kapatid nya "And this is Chase" turo ni kuya dun sa kausap nya kanina. Naka white v-neck shirt lang sya pero ang hot tignan sa kanya ng damit na yun. Naka dogtag din sya at nakalabas yun sa shirt nya. Nakatitig lang sya sakin. Pinagtaasan ko sya ng kilay at nabigla ako sa reaksyon nya. He fucking smirk at me. What the hell?
I just rolled my eyes at him and tinignan ko nalang mga kapatid nya. Medyo may pagkakahawig din sila. Von is grinning at me, di ko rin mapigilan na magsmile din sa kanya kase meron syang aura na parang happy go lucky sya. Si Callum naman ang bunso parang tingin ko sakanya ay observant syang tao. Nakangiti din sya. Si Chase lang talaga ang pinakaiba. Parang napakayabang nya, well may pagmamayabang naman. Naputol ang mga iniisip ko ng nagsalita ulit si kuya.
"So guys, this is my little sister Alex and her loverboy Kenneth. " turo nya sa aming dalawa ni Ken. Hinayupak talaga tong kuya ko!!
"Kuya sabi ng--" di ko na natuloy ang dapat kong sabihin dahil umandar nanaman ang bunganga nya.
"Oh yeahhhh. Na magkaibigan lang kayo. I get it. " he rolled his eyes at me. I swear lagi nyang ginagawa yun. Nangangati na ang kamay ko para dukutin yung letcheng mga mata nya.
"Uhmm. Alex una nako ha? Puntahan ko lang yung kambal." Aniya sabay yakap sakin. Then he faced my brother "Una nako bro." Sabay bro hug ng dalawa. If I know, kinikilig na sa loob looban si Ken. Hinarap naman nya yung tatlong magkakapatid na nakatingin sa kanya "Nice to meet you" tumango sya sa tatlo at tumango naman pabalik ang mga magkakapatid.
"Hatid na kita sa labas Ken" paalis nako sa pwesto ko kaso pinigilan nya ko.
"Wag na Alex. Ako nalang. " aniya sabay ngiti.
"Sure ka?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya. "Okay sige. Ingat ka ah?" I said while giving him a side hug.
"Yep. Basta bukas ah? I pick you up at 9. Bye Alex" aniya sabay kindat. Umiling nalang ako.
"Friend, huh?" Napatingin ako kay kuya na ngayon ay ngising aso na.
I rolled my eyes at him "Ewan ko sayo! Bahala ka nga dyan!" At iniwan ko sya kasama ang tatlo. Tawa pa ng tawa ang hinayupak!
Bago ako umakyat sa hagdanan lumingon ako, nakatitig parin si chase sa akin. Umiling nalang ako at umakyat papunta sa kwarto ko habang iniisip ang mga titig ni Chase.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...