Nagising ako dahil sa sakit ng tyan na naramdaman ko, mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa CR dahil baka di na ako makaabot. Nang nakarating na ako ay isinuka ko na lahat ng laman ng tyan ko. Wala na akong pakealam kung sino ang nagtaas ng buhok ko para di malagyan ng suka. Hinimas himas din nito ang likod ko. Linabas ko lahat at pagkatapos nun ay umupo na ako at naramdaman ang sobrang sakit ng ulo ko. Fuck this hangover!! Urghhhh. Sakit talaga ng pakiramdam ko at parang nahihilo pa ako."Wag ka kasing uminom kung di mo naman kaya!" Pagalit nyang sinabi sa akin. Tinignan ko si Chase at nagulat ako dahil shirtless sya. The fuck?!! Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Si Chase at Kelly na magkasama, magkausap buong gabi. Nang maalala ko yun biglang nagbago ang mood ko. Gusto ko ng umalis dito, malayo sa kanya.
Tumayo ako at biglang nakaramdam ng pagkahilo. Akala ko mahahalikan ko na ang sahig namin pero hindi natuloy dahil nahawakan agad ako ni Chase sa baywang.
"Bitiwan moko Chase!" Sabi ko sa kanya ng pagalit. Ayan nanaman ako. When he's around iba iba na ang emosyon na nararamdaman ko.
Hindi nya ako pinakinggan at bigla nalang nya akong binuhat at nilagay ako sa balikat nya.
Nagpumiglas ako "Ano ba Chase!! Put me down!!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa kanyang likuran. Naiinis na talaga ako sa kanya. Nakakabwisit!!
Inupo nya ako sa counter at kumuha sya ng tubig sa fridge at may kinuha din sya sa medicine cabinet.
"Take this. For your hangover" sabi nya sa akin sabay abot ng aspirin. Tinitigan ko lang sya. Ang gwapo parin talaga nya kahit bagong gising pa lang nya. Nagtaas sya ng kilay sa akin "Ano magtititigan nalang ba tayo dito?" Tanong nya.
I just rolled my eyes at him at ininom na ang gamot na binigay nya. Nang nahimasmasan na ako naalala ko na nakatulog pala ako sa balikat ni Ken. Tinignan ko ang damit ko at napabuntong hininga ako. Akala ko nakabikini lang ako. Buti nalang at naisipan ni Ken na ipasuot sa akin ang isa sa oversized shirt ko. Naputol lang ang mga iniisip ko ng nagsalita si Chase.
"Ba't ba kasi ang dami mong ininom kagabi? Nagpapakalasing kaba ha?!" Sermon nya sa akin.
Nagalit ako sa sinabi nya. Wala naman syang karapatang sermunan ako "Ano bang pake mo ah Chase?! Puntahan mo nalang si Kelly, wag ako ang guluhin mo!" Sigaw ko sa kanya at bumaba na sa counter. Nang nakarating na ako sa sala, dun ko palang nalaman na dun kami nakatulog ng mga kaibigan ko. Gising na rin ang iba at inaayos na ang pinaghigaan nila.
"You look like shit babe. " sabi ni Connor sa akin na nakaupo sa couch at nakangisi.
I rolled my eyes at him "Well, thanks for stating the obvious" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi nya.
Tumayo ako para makapunta na sa kwarto ko at makapagayos. Nagshower ako ng matagal para naman maalis ang sakit ng pakiramdam ko. Nang natapos ako ay nagbihis na ako. Nagsuot na ako ng undergarments and lacy bra, sleeveless crop top, black high waisted jeans and white converse. Plano kong wag muna magstay dito sa bahay. Ayokong makita ang paglalandian ni Chase at Kelly. I need to pull my shit together. Urghhhh!! Ano na bang nangyayari sa akin?
Nagayos ako ng mukha, naglagay ako ng concealer para matakpan ang eyebugs ko. Inayos ko din ang eyebrows ko at naglagay ng mascara pati nude na lipstick. Mabuti nalang at di ko na kailangang ayusin ang buhok ko dahil maganda naman at kulot sa bandang tips. Dinala ko ang black purse ko at nilagay ang phone, wallet at susi sa sasakyan ko.
Bumaba ako at pumunta sa kitchen dahil alam kong nandoon silang lahat.
"Oh? Aalis ka Alex?" Tanong ni Von pagkarating ko sa kitchen, katabi nya si Celine. Pinaghanda sila ni Aling Fe at ngayon ay nagaalmusal na sila. Natigil lahat sila sa pagsasalita at tinignan ako. Nakita ko si Chase at Kelly na magkatabi. As expected. Tss
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...