Beaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magkakahiwalay na silang magkakaibigan pagtungtong nila ng kolehiyo. Pero ang hindi inaasahan ni Alex ay may mga bagong tao din ang darating sa buhay nya. Mga bagong taong di nya inaasahan na makapagbabago ng kanyang paniniwala. Mga bagong tao na makakapagparamdam ulit sa kanya ng kinakatakutan nya. Mapipigilan kaya ito ni Alex o sasabay nalang ba sya sa agos? Willing ba syang mag take ng risk kahit alam nyang sa bandang huli ay tagilid pa rin sya? O susundin nya ang nararamdaman nya kahit ang kapalit nito ay pagkasira ng sarili nya?