Nakatambay lang ako sa kwarto, scroll lang sa twitter ng tumunog ang phone koKenneth: Omg Alexx!!! Ni hug ako ni kuya mo! Cant believe it!!
Natawa ako sa text nya. Sabi ko na nga ba e. Nagaalburoto na siguro ngayon yun sa sobrang kilig.
Me: Di mo naman yan first time! Ano kaba!
Nagscroll ulit ako sa twitter habang hinihintay ang reply ni Ken.
Kenneth: Kahit na Alex!! Naramdaman ko muscles nya girl!
Napangiwi ako sa nabasa ko. Grabe na talaga to
Me: Ewwwww. Di ko naman kailangan malaman mga yan Ken!! TMI!!
Dahil ayoko nang makabasa sa mga text ni Ken, lumabas ako sa kwarto ko at bumaba para makakain na. Pagbaba ko ay nakasalubong ko si kuya.
"Pupuntahan sana kita. Tara, kain na tayo. " tumango nalang ako sa sinabi nya at dumiretso nako sa kitchen.
Pagdating ko, nakaupo na ang magkakapatid at naghahanda na sakanila si Aling Fe. Dalawang upuan ang natira, ang isa ay sa tabi ni Von at sa isa naman ay sa tabi ni Chase. Nakatingin silang lahat sa akin. Nakaupo na rin si kuya. Nakangiti naman si Von sa akin kaya sa kanya nalang ako tumabi. Pagkatabi ko sa kanya ay tinignan ko si Chase at nakatingin na pala sya sakin at nakataas ang kilay.
'Ano nanaman kayang problema ng lalaking to' tanong ko sa sarili ko.
Napatingin ako kay Von "Hello Alex." Sabi nya sa akin ng nakangiti.
"Hi" tipid akong ngumiti sa kanya at kumain na.
Habang kumakain kami ay naririnig ko ang mga kwentuhan nila Kuya and Chase. Si Von naman at Callum ay nagkukwentuhan din.
"Dude di ba kabatch mo yung Stacey Lim?" Tanong ng Kuya ko kay Chase. Syempre ano pa ba pag-uusapan nila? Edi babae!
"Yeah dude. Gusto mo pakilala kita? " Tanong naman ng nakangising si Chase. Sabi ko na nga ba manwhore din to. Umiling nalang ako.
"Sure!" Kuya said.
Napalingon naman ako kay Von dahil kinakalbit nya ko.
"Huh? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin din si Callum sa akin na parang may hinihintay syang sagot.
"Tinatanong ni Callum kung ilang taon ka na daw. " sabi ni Von na nakangiti.
Napatingin naman ako kay Callum "Im 18. How about you two? Ilang taon na kayo?"
"Aww. You're not interested with me? Bakit silang dalawa lang tinatanung mo kung ilang taon na sila? How about me?" Biglang singit ni Chase. Nabigla ako kaya napatingin ako sa kanya. Nakapout sya but his smirk is very visible. I look at him and raised my eyebrow at him.
May umubo sa gilid ko "Magka-edad lang pala tayo Alex! Si Callum 17 and Chase is 19." Sabi ni Von kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuti ako sa kanya at tumango.
Pagkatapos naman naming kumain, nagyaya si kuya sa game room. So papunta kami ngayon doon. Niyaya ni Kuya magpool si Chase, kaya ayan at inaayos na nila ang pool table namin.
Nilapitan ko sina Von and Callum "Hey. Wanna play COD?" Tanong ko sa kanila. Nagbabakasakaling marunong din silang maglaro nun.
Nanlaki ang mga mata ni Callum sa tanong ko "Did you just say COD?!" Tanong nya na parang di makapaniwala sa narinig nya.
"Uhh yeah?" Tanong ko sa kanya at tinignan si Von na nakanganga at nakatingin sa akin. Linipat ko namn ang tingin ko kay Callum na parang ngayon palang nakaget over sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...