Maaga akong nagising para makapag-gym ako. Nagshower muna ako at nagbihis ng sports bra and shorts. Pumunta na ako sa gym namin at nag-umpisa sa treadmill. Pagkatapos ng ilang oras ay pumunta ako sa punching bag namin. Binalot ko muna ang mga kamay ko para di ako masyadong masaktan sa impact at inugpisahan ko na ang pagsuntok. Si Kuya ang nagturo sa akin nito at iba pang mga self defense kaya kahit papaano ay kaya ko namang pagtanggol ang sarili ko. Lumipas na ang ilang oras at natapos din ako. Nagpahinga muna ako at uminom ng tubig, pagkatapos ay lumabas na ako. May narinig ako na mga ingay galing sa kitchen, gising na siguro sila. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagshower na. Nagbihis na rin ng blue tank top and high waisted maong shorts. I tucked in my top at my shorts para maganda tignan. Ni ponytail ko na rin ang buhok ko at nagpowder nalang.Bumaba na ako para makakain na. Nang nakarating na ako sa kitchen ay nakita ko ang magkakapatid. Nagluluto si Callum ng pancake at nakaupo naman sila Von at Chase.
"Good Morning Alex!" Bati ni Von. Napatingin ako sa kanya at binati din sya. Inayos na ni Aling Fe ang mga plato na gagamitin namin at pinaghanda kami ng juice.
"Aga mo ata nagising?" Tanong ni Callum at nilingon ako. Ramdam ko ang pagtitig ni Chase sa akin pero hindi ko ito pinansin.
"Yep. Nag-gym ako." Sagot ko sa kanya.
Natapos ng magluto si Callum at nagsimula na kaming kumain. Di parin nagsasalita si Chase hangga ngayon. Maganda na rin yung ganun para hindi na uminit ang ulo ko.
Habang kumakain kami ay bigla nalang sumulpot si Kuya ko sa harap namin. Nakahalukipkip sya at diretso ang tingin sa akin. Ganyan ang mga titig nya kapag may nagawa akong masama. Pero wala naman akong naaalala na ginawang masama kaya chill nalang ako. Huminto sa pagkain ang magkakapatid at tinignan kaming dalawa ni Kuya. Kuya just stood in front of me while his arms crossed. Pinagtaasan ko sya ng kilay at ganun din ang ginawa nya. Ano bang problema nito?
"What?" Painosenteng Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagdududa at galit. Oh no. He's giving me the silence-before-the-storm look. What did I do? Kumunot ang kilay ko habang tinititigan sya.
"Who's that boy with his arm around you in that fb photo?" He hissed.
Nagbuffer ang utak ko sa tanong nya "What? Which one?" Tanong ko sa kanya ng nagtataka.
"The brunet male human in the photo uploaded last night." Sabi nya na may halong galit na talaga sa tono nya.
And then realization hit me. He's talking about Gabe! Akala ko naman kung sino.
"Si Gabe lang yun Kuya. " i said and shrugged. Akala ko pa naman may nagawa na akong masama."Who the fuck is Gabe?!!" Sigaw nya sa akin. MY GOOOODDDDD!! Nakakaloka na talaga tong si Kuya.
"For Pete's sake Kuya he's just my friend! And would you sit and calm down?!!" Napasigaw na rin ako dahil sa frustration. Di nanaman nakainom ng gamot si Kuya at inaatake nanaman sya ng pagka'overdramatic nya.
"How can I calm down Alex?! Tell me! How can I calm down kung puro mukha nyo nakikita ko sa newsfeed ko kagabi at di ko alam na magkasama pala kayo maghapon?! Hindi ko pa sya kilala! Saang lugar mo ba nahanap ang lalaking yun ha Alex?!" Sigaw nya sa akin. Akala nyo tapos na sermon nya no? Hindi pa. May kasunod pa yan for sure.
"And Now you're telling me na He's just your friend?! What the hell?!! May friend ba na maghapon magkasama at nanuod pa kayo ng sine?! Tapos kumain pa kayo sa labas?! Alex hindi pagkakaibigan ang tawag dun! Date yun Alex!Date!!" Sigaw nya. See guys?! I told yaaaaaa.Nawindang ako sa mga pinagsasabi ni Kuya. Gusto ko na talagang tumawa at yun nga ang ginawa ko. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa lumuha ako sa kakatawa. Nang nahimasmasan ako ay dun ko palang tinignan si Kuya. Laglag ang panga nya dahil di nya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ko. Ganun din ang magkakapatid pwera lang kay Chase. Nakatitig lang sya ng masama sa akin. Well, like I care.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...