Chapter 8

0 0 0
                                    


May naisip na akong pupuntahan namin. Maaga pa naman kasi. Nagpatuloy nalang ako sa pagdadrive hanggang sa mapunta na kami sa pinakadulo ng lugar namin kung saan wala ng mga nakatayong bahay. Parang gubat nalang. Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko na nagtataka na rin si Chase kung saan kami pupunta.

"Balak mo ba akong i'murder?" Tanong nya sa akin.

"Nope. " sabi ko naman ng di sya nililingon at nagpatuloy nalang sa pagdadrive.

"Kung ganun saan tayo pupunta Alex? Malayo na ata tayo sa sibilisasyon!" Aniya

"Why? Does my little Chasey scared?" Panunuya ko sa kanya.

"Im not scared. " pasungit nyang sagot. Nang lumingon ako sa kanya ay nadatnan ko syang nakangisi sa akin. Nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka.

"Alam mo Alex. Kung gusto mo akong masolo, sabihin mo lang sa akin. Di mo naman kailangan na pumunta pa sa lugar na walang tao para masolo mo ko. " sabi nya sabay tawa. Namula tuloy ako. Nakakainis na. Nang-aasar na sya ngayon samantalang kanina ay para syang pipi!

I just frowned at him at nagpatuloy lang sa pagdadrive.
"Or maybe, you're a rapist? And you want to rape me. " Nagpatuloy parin sya sa pang-aasar at pagtawa.

"Kung gusto kitang i'rape edi sana matagal ko nang ginawa! Tsaka kung magre-rape man ako, di ikaw yung pipiliin ko! Tsss. Mas gusto ko na yung lalaki kanina sa Mcdonalds kesa sayo. " nagsabi-sabi talaga ako! Naaasar na ako e! Ewan ko ba. Pagdating kay Chase nagiging iba ako. Di ko na maintindihan ang sarili ko.

Napansin ko na biglang nanahimik si Chase. Nilingon ko ulit sya at nakita ko ang mga mata nyang nanlilisik sa galit. Nanlaki mata ko. Hala?!! May mali ba sa sinabi ko? Sya nga tong kanina pa nang-aasar tapos ngayon galit nanaman sya. Kung may laser lang mata nya kanina pa ko patay!

"So you're choosing that bastard instead of me?!" Pagalit nyang tanong sa akin. Nabigla ako sa intensity ng galit nya. Jusko bipolar talaga sya!

Nagpatuloy ako sa pagdadrive "Tss. You act like a jealous boyfriend" bulong ko pero alam kong narinig nya.

"What if I am jealous?! Iiwas ka ba sa mga lalaking nakaaligid sayo?!" Pagalit nyang tanong. Galit na galit. Di ko na sya nilingon dahil naghuhuramentado na itong puso ko. Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko na dumating na sa point na parang di ko na marinig ang mga sinasabi ni Chase. Bakit bigla bigla nalang nyang sinasabi sa akin to?

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Lumabas na ako ng sasakyan at padabog kong sinarado ang pinto. Ganun din ang ginawa nya. Nanginginig ang buong sistema ko sa mga naririnig ko sa kanya. Di ko na alam kung paniniwalaan ko ba sya o hindi. Ni hindi ko nga alam kung nagsasabi ba sya ng totoo.

"Tinatanong kita Alex! Wag mo akong talikuran!" Sabi nya sa likod ko dahil nauna akong naglakad sa kanya, sumusunod naman sya.

"Di mo alam ang pinagsasabi mo Chase!" Sigaw ko sa kanya. Nakakafrustrate na. Di ko alam kung bakit kami napunta sa ganitong usapan.

Naglakad ako ng naglakad hanggang nasa tuktok na kami ng bangin. Sa ilalim ng bangin ay isang lake na malalim at may napakalinaw na tubig. Lagi akong pumupunta dito kapag gusto kong makapag-isa at mag-isip. Tanaw mo rin dito ang malawak na kagubatan at mga bundok. Tahimik, payapa at walang nanggugulo.

Hinila ni Chase ang braso ko at hinarap sa kanya. "What if Im jealous? Iiwasan mo ba sila para sa akin?" Mahinahon nyang tanong.

Bumuntong hininga ako "Chase. Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Tsaka sinong sinasabi mong iiwasan ko?" Pagod kong tanong sa kanya. Kanina natutuwa ako sa mga pinag-uusapan namin. Pero ngayon di ko na alam kung ano ang maramdaman ko. Feeling ko pinaglalaruan lang ni Chase ang nararamdaman ko.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon