Nagising ako ng maaga para i-check kung kumpleto na ba ang dapat kong dalhin. Pagkatapos kong inayos lahat ng gamit ko ay nagshower na ako. This time inayos ko ang sarili ko, nagsuot ako ng off shoulder white crop top and ripped high waisted denim shorts at nude gladiator ko. Inayos ko na rin ang mukha ko, naglagay ng concealer, inayos ang eyebrows, at naglagay ng mascara at nude lipstick. Hinayaan ko na ang buhok ko na nakalugay. Medyo naninibago pa ako sa bagong ayos ng buhok ko.Bumaba na ako dala dala ang aking mga gamit. Nang nakarating na ako sa sala ay nandoon na pala ang magkakapatid. Nakaayos na rin sila at dala dala na ang kanilang mga gamit.
"Nandito na ba sila?" Tanong ko kay Callum nang nakarating na ako sa sala.
"Oo. Nasa gate na sila. Pinagbuksan sila ni Aling Fe. " sagot nya.
Magtatanong pa sana ako ngunit biglang nahagip ng aking paningin si Chase na ngayon ay sobra kung makatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tuwing ginagawa nya iyon ay hindi na ako makatitig sa kanya, nanginginig ang buong sistema ko at nanlalambot ako. Ganyan ang epekto ng mokong na ito sa akin.
Kakaisapin ko pa sana si Callum nang biglang bumukas ang pinto.
"ALEX! We're here! Nasan ka--" napatigil sa pagsasalita si Ken ng nakita nya ako at kasunod non ang panlalaki ng kanyang mga mata "ALEX!! You look great!!" Nakangisi nyang sabi sa akin at lumapit.
"Whoa babe. What happened to your hair?" Tanong ni Connor at lumapit na rin.
Pinagkaguluhan nila ang buhok ko, kesyo bagay ko daw, kedyo gumanda pa lalo ako. Natawa nalang ako sa kanila.
"YOU READY GUYS?!!" tanong ni Oliver sa amin. Excited kaming lumabas sa bahay at nagsakayan na kami sa mga dala nilang sasakyan.
Papunta kami ngayon sa Airline Company nila Jesse, isa lang naman ito sa mga business na hinahandle ng kanyang mga magulang.
Nang nakarating na kami ay sinalubong kami ni Jesse at sabay sabay na kaming pumasok sa private jet nila.
Nagsihanap na kami ng mauupuan sa Private Jet nila Jesse, ang iba naman ay nagsilabasan na ng makakain. Umiling nalang ako. Minsan talaga mga patay gutom mga kaibigan ko.
Nakatabi ko si Callum at Von at kaharap naman namin ay si Kelly , Chase at Celine.
Pinapanuod kong nagkukwentuhan at nagtatawanan si Chase at Kelly. Ang sakit. Kahit magkausap lang sila, nasasaktan ako. Nahihirapan akong huminga. Yung taong gustong gusto ko nasa harap ko, may kausap na ibang babae. Mukhang nagkakalapit na nga ang dalawa e. Nagiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya. This is torture!!
Di ko napansin na nakatingin pala si Callum sa akin. Si Von naman kasi ay kausap si Celine.
"You okay Alex?" Tanong nya sa akin na nakakunot ang noo. Tumango ako sa kanya, pero nanatili parin ang kanyang mga titig sa akin. Lumipat ang tingin nya kila Chase at Kelly, tapos tumingin sya ulit sa akin. Paulit ulit nya iyon ginawa.
Ngumisi sya sa akin at nagtaas ng kilay "Jealous?" Panunuya nyang tanong sa akin.
Tinignan ko lang sya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. Di ko na kailangang itanggi iyon dahil totoo naman. Laging na kay Kelly ang atensyon ni Chase pag nandyan sya. Samanyalang ako, kahit sulyap lang di man nya nagawa. Naiinis na talaga ako.
"Ooooohhhhhh. You're jealous. " bulong ni Callum sa akin. Inirapan ko nalang sya ngunit kinalbit nya ako at lumingon naman ako sa kanya.
"Wanna get his attention?" Tanong nyang nakangisi sa akin. Di na ako nakasagot dahil unti unti nang lumalapit ang kanyang mukha sa akin.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...