Nagising ako dahil sa nasisinagan ng araw ang aking mukha galing sa nakabukas kong bintana. Nakalimutan kong isara yun kagabi kaya heto at nagsisisi akong di ko nasara yun. Kinapkap ko ang kama ko hinahanap ang iphone ko para makita ang oras. Nang nahanap ko na, nakita ko na 10 am na pala.Tumayo nako at nilinis ang pinaghigaan ko , then after that ay nagshower na rin ako. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa walk in closet at nagsuot ng undergarments, denim shorts at white tank top. Di nako nagayos ng mukha dahil sa bahay lang naman ako. Nagpowder nalang ako and hinayaan nalang ang buhok ko kahit basa pa. Kahit papano ay biniyayaan ako ng maganda at mahabang light brown na buhok at kulot pagdating sa tips. Umabot ito hanggang baywang ko.
Paglabas ko ng kwarto ko ay bumaba nako para mag'almusal. Nakasalubong ko si kuya pagdating ko sa second floor ng bahay namin.
"Kuya anong oras ka nakarating kagabi? Hinahanap ka nila mommy. " sabi ko at humalukipkip sa harap nya.
"Maaga ako nakauwi. " untag nya na nakataas ang kilay.
"Anong maaga?!! 11pm wala ka pa. Anong klaseng maaga yun?!" Sabi ko na nakataas na din ng kilay.
"Di ba maaga ang 2am? Duhh. Tara kain na tayo." Sabi nya at mabilis na bumaba para makapunta sa kitchen.
Nang nakapunta nako sa kitchen namen ay nakita ko si kuya na nakaupo na at nilalantakan na ang pancake na niluto ni Aling Fe.
Umupo ako sa harap nya "Gosh!! Kuya naman, keep it down! Stop stuffing your mouth!" Naiirita kong sinabi sa kanya. Ang baboy kumain talaga kahit kailan!
He just rolled his eyes at me and shrugged "That's life sis. " sabay kindat. Urghhhhhhh!!!! Nakakafrustrate talaga tong bwisit na to.
"Can't believe Im related to someone like you" bulong ko sa sarili ko nang dumating si mommy and daddy sa kitchen. Day off nila ngayon, palagi nalang kasi silang nagwowork kaya ayun at nagdecide sila na kailangan nila ng break man lang kahit isang araw.
"Goodmorning kids!" Sabi ni daddy na parang sobrang saya ang itsura. Good mood na good mood ang dating at di ko na kailangang malaman kung bakit. Kasunod nya si mommy na medyo pink pa ang mukha.
"Morning" sabi ko.
"Gurrgmuurnggg dad" sabi naman ng kuya ko na halos di ko na maintindihan dahil puno nanaman ang bunganga nya ng pagkain. Umiling nalang ako sa kanya. Kailangan talaga nyang malaman ang proper etiquette sa pagkain.Umupo na sila sa upuan at kumain na rin.
"So kids, may announcement kami ng daddy nyo. " sabi ni mommy na nakangisi. Napatingin kami ni kuya sa kanya."We're having another sibling?!! "Sabi ng tanga kong kuya. As if namang mabubuntis si mom e sarado na sya. Hinampas ko nalang sya sa ulo para magalaw naman yung medyo nangangalawang nyang turnilyo sa utak.
"Ano kaba kuya?!!" Sabi ko habang tumatawa naman si daddy at namumula naman si mommy.
"No Adrian Travis Vasquez. You're not having another sibling. " sabi ni mommy kay kuya na nakataas ang kilay. "Kids do you still remember Victoria and Alfred Alarcon?" Tanong ni mommy habang tinitignan kami ni kuya.
"Yung kaibigan nyo ni dad nung highschool?" Tanong ko
"Di ba mom kasama nyo si tita Victoria and tito Alfred sa partnership dun sa isang resort na hinahawakan nyo ni dad?" Tanong naman ng kapatid ko. Oo, kahit ganyan ang kuya ko mahilig sya sa mga usaping business at balang araw naman sya ang maghahandle sa isa sa mga company na hinahawakan nila dad.
"Yes son. But they're leaving tomorrow, may aasikasuhin sila sa isa pa nilang business sa New York. Nagkaproblema ata kaya kailangan nilang pumunta mag-asawa dun. " untag ni daddy kay kuya.
"How about their sons? Tita Victoria have 3 sons right? In fact, schoolmate ko yung isa nilang anak dad." Sabi ni kuya
'Yeah yeah. Like I care' sabi ko sa sarili ko.
"Yun na nga kids. Humingi ng pabor itong si Tori na kung sana ay dito muna magstay ang mga anak nila ni Alfred. Sabi ko naman sa kanya why not? Eh parang mga anak ko na rin ang mga anak nya. Kaya ayun, tuwang tuwa sya. Okay lang ba sa inyo yun Alex, Adrian?" Tanong ni mommy sa amin.
"But mom! Why don't they just stay in one of their hotels?! Tsaka hello?! Malalaki na sila para alagaan ang sarili nila mom." Sabi ko kay mommy. Kasi naman! Si kuya nga sobrang tigas ng ulo dadagdagin pa ng tatlong troublemakers?!! Not one, not two, but THREE?!!! Okaaay, masyado nakong OA nito.
"That's cool for me mom. Nameet ko na sila date." Sabi ni kuya habang tumatango. Humarap si kuya sa akin at ginulo ang buhok ko "They're not that bad Alex. Come on! They're cool like your kuya. " he said and smirk at me. I know that evil smirk damn too well. Troublemaker na si kuya, pano pa kaya yung tatlo? Kasundo pa talaga nya ah.
"Whatever!" Sabi ko. Alam ko naman na wala akong magagawa. Nakapagdesisyon na sila mommy. And mabait naman sila tita Tori and tito Alfred. And their 3 sons? Maybe they're not that bad. Right?
Natapos ang buong araw na nasa bahay lang ako habang pinaglalaruan ang aso ko na husky. My baby grown so fast! I called my husky dog Suzzie. Gift sya ng hinayupak kong ex dati. 1 year and 6 months akong nagsayang ng oras sa hayop na Steve na yan. Pero okay lang yun sakin, minsan akong naging tanga at di na mauulit yun. I promise that to myself. Simula nun di nako nakipagcommitment. Kahit sobrang tagal na nung nangyari, kahit na nakalimutan ko na si Steve, natatandaan ko parin yung sakit na naranasan ko sa kanya. Kaya puro M.U nalang ako e, tsaka di naman nagtatagal. Pag naramdaman ko na na medyo nahuhulog nako tinitigilan ko na. Ayoko na maulit yung time na sa isang lalaki lang umiikot mundo ko, kasi sa ginagawa kung yon unti unti kong nasisisra sarili ko. Ayoko na sumugal. I don't want to take a risk again. Ayoko na.
Mabilis tumakbo ang oras at wala akong ginawa kundi kumain, magtext, scroll sa facebook, twitter, instagram ng biglang nagchat si Connor.
Connor Clyde Tingson:
Hello babe. :* miss me? :)Alexandria Jay Vasquez:
In your dreams darling. ;)Connor Clyde Tingson:
Awww babe. You wound me. :(Alexandria Jay Vasquez:
Serves you right :PConnor Clyde Tingson:
You like it rough huh? :DAlexandria Jay Vasquez:
Fuck you!Connor Clyde Tingson:
HARDER :DUmiling nalang ako sa chat ni Connor, kahit kailan talaga may pagkamaniac tong kaibigan ko. Well, wala nakong magagawa dun sa mokong na yun. Since birth na ata ganun na yun. Laki talaga ng pagkakaiba nila ni Celine. Habang iniisip ang mga bagay na tungkol sa mga kaibigan ko at ma mangyayari sa susunod pang mga araw di ko na namalayan na nakatulog nako.
BINABASA MO ANG
Summer Love
General FictionBeaches. Parties. Bar Hopping. Roadtrips. Isa lang yan sa mga ginagawa ng mga kaibigan ni Alex tuwing sasapit na ang summer. Pero ngayon dahil tapos na nila ang highschool, gagawin nila ang lahat ng gusto nila ng magkakasama dahil alam nila na magka...