YMMR VII:
"Unang-una magpinsan sila Sulli at Ronnie. Si Sulli, lipat-girl yun. Actually, 6-month old palang siya nung maibyahe siya at pumunta dito sa Pilipinas kasama yung pamilya niya, noon ko siya nakilala, magkakapit-bahay kami nila Ronnie, 5 years siyang tumira dito tapos bumalik sila sa South Korea," kuwento niya. Naalala ko nun, six years old ako, nakilala ko si Kristoffer, bagong lipat sa subdivision namin, tas pinakilalang pinsan ko, tapos naging close na kami agad. Minsan nag-aaway kami tas pinapaiyak niya'ko.
"Hoy! Anong ngini-ngingiti mo diyan? pinagkukuwento moko tas magiis-space-out ka?" Maya-maya'y daldal na naman niya. Inirapan ko ito. Sinong hindi maiinis at makakabatok sa sira ulong 'to?
"Tapos ayon nga, bumalik sila sa South Korea, tapos nung 13 naman siya, nagpunta naman silang California, tapos last month lang, bumalik sila dito, pero mula nang pumunta sila sa South Korea, nagbabakasyon rin naman sila dito every year kaya lang isang linggo lang sila tumatagal." Tumango-tango ako sa kuwento niya, grabe saktong-sakto yung nickname ni Kristoffer sa kaniya, kaya pala may accent ang English ni Sulli, tapos marunong siya ng Tagalog.
"Si Ronnie naman.." napatingin ulit ako sa kaniya. "..hala Kath, kitang-kita ko yung curiousity sa mata mo o!" Pangaasar na naman nito. Bumuntong-hininga ako. Nakakabuwisit.
"Hindi joke lang, ikaw naman." tumawa ito ng alangan. "Si Ronnie, mula pagire sakin ni momme, kaibigan ko na,pero one year after ng migration nila Sulli sa SoKor, lumipat kami sa subdivision niyo, tapos nabalitaan ko nalang nung 12 ako na kinuha rin pala siya ng daddy niya sa California."
"Hindi ba sila nagkita dun?" Tanong ko.
"Iisang bahay lang tinirhan nila," ngiti niya sa'kin. Napa-Aaaah naman ako.
"Kawawa ka naman. Iniwanan ka nila." I pouted my lips at kunwari kawawa ang boses.
"Oo nga, lalo na nung nakilala kita. Alam ko na noon na.." he placed his hand on his chest "..yun na ang simula na ng pagdudusa ko," he said dramatically.
Imbes na mainis ay natawa kami pareho, that was a bit true.
"E sino daw yung magt-transfer pa sa Uni bukod sa kanilang dalawa?"
Nagkibit-balikat siya,"Friends daw ni Sulli sa SoKor, babae tas lalaki." Tumango ako. Mukhang magdo-dominate ang koreans sa Uni.
Tumigil na'ko sa tapat ng bahay, salamat at mahangin at walang init, hindi kami na-heat stroke ni Kristoffer pag-uwi. "Sige na! Pasok nako!" I patted his shoulder and waved at him. Tinanguan niya ko.
"Salamat sa company kanina, Kath! Hindi ka na magiging loner simula sa Lunes. Sigurado yan!" Pahabol niyang sigaw at tumakbo ng nakangiting-aso.
"Hindi ako loner!" Sigaw ko pabalik pero nakalayo na siya. Naiiling akong pumasok sa bahay.
***
Pagkatapos kong gawin yung mga homeworks at requirements ko for next week at magwash-up ay humiga na ako sa kama, pero bago matulog ay nagfacebook muna ako. I first checked my notifications, tapos ang FRs,
전정국
Confirm | DeleteNapakunot ang noo ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Hangul ito. I copied the name at ginoogle translate ko yon.
'Jeon Jung Kook'
Inaccept ko naman ito. I tapped his profile picture and stared at it, mukhang naman recent lang yung pic. Naka beanie siya tapos headset tapos covered yung bibig ng facemask pero halatang nakangiti habang nakatingin sa baba hindi sa camera. Biglang nagflash sa isip yung mukha niyang tumatawa. Hala.
Nagscroll ako sa wall niya at 1 month ago pa ang last status niya. Napatigil ako when something caught my eye.
전정국 - with 한라
Wait for me.Ginoogle translate ko ulit yung nakatag, at 'Halla' ang lumabas. Ang we-weird talaga ng mga pangalan. I was about to tap the tagged person when I stopped--- Am I stalking him?
Umiling ako. Hindi Kath, curious ka lang.
Pumunta ako sa wall nung 'Halla' at wala akong masabi. Maganda naman pala ang taste ng lalaking to. Chicks. DP niya agad ang napansin ko kasi sila yun, si JK kasama yung Halla, na mukhang anghel, nakaakbay si JK kay Halla abang nakangiti sila pareho sa camera.
Bumalik ako sa wall ni JK at nag-scroll ulit.
Halos mapatalon ako ng magbeep ang phone ko at may lumitaw na chat head. Feeling ko kasi nasa tabi-tabi lang si Jungkook tas mahuhuli niya kong nagsscroll sa timeline niya.
Kinilabutan ako at kinabahan ng makitang siya pala yung nagchat. I tapped the chat head.
Hey KC, I've decided my date.
Hindi ko ito rineplyan. Tapos may tatlong tuldok na naman na lumabas.
Why aren't you replying?
Magtatype na sana ako ng irereply ng magmessage ulit siya.
Are you stalking me?
Napamulagat ako at napindot agad ang home button ng makita ang message. Is this person a psycho?
I'm right, aren't I?
Kapal ng mukha. I replied.
Don't use your language against me little KC.
Napairap ako kahit alam kong di niya naman yon makikita.
Whatever jerk. So who's the UNLUCKY GIRL?
May lumabas na naman na tatlong tuldok. Naghintay ako. Makalipas ang 30 segundo ay typing parin ito. Pumunta muna ako sa newsfeed ko at nag-scroll. Maya-maya ay may nagsend ng FR sakin, dalawa.
Sulli Choi
Confirm | DeleteRonnie Alonte
Confirm | DeleteInaccept ko naman agad. Maya maya ay may notification naman.
Sullie Choi tagged you and 2 others in a photo
Just nowNapangiti ako. Inopen ko iyon at mas lumawak ang ngiti ko. Siyempre hindi nalimutan ni 'Tops banggitin ang groufie kanina, at eto nga at inupload na ni Sullie with the caption: 'Had a wonderful time guys.'
Nilike ko ito at nag-comment: Ako rin :) Thank you for the time.
Wala pang isang minuto ay nagcomment naman si Ronnie: Next time ulit :)
Hindi naman nagpahuli si Kristoffer na sigurado akong mang-aasar na naman: Ninjamoves si Ronniebaby(heart emoticon). Hahaha. Wag kang mag-alala mauulit pa yan talaga ;)
Napailing nalang ako.
Kathryn Chandria Bernardo
goodnight guys. see you on monday and good luck sa first day niyo Sulli and Ronnie :)Bago pa magcomment ng kung anu-ano si Kristoffer ay inexit ko na ito.
Pumikit na ako at papatulog na nang mag-beep ulit ito
JK Jeon: My choice is Sofia Andres.