YMMR I:
I mentally cursed as I saw the crowd infront of the building, specifically at the gate. Panay mga babaeng nakahawak ng placard habang kinikilig na sumisigaw ng hindi ko maintindihan.
Bakit pa ngayon nagkaroon ng stampede dito, kung kelan male-late na ako.
When I reach the gate, no choice ako kundi makipagsiksikan.
30 minutes na akong late sa first subject ko, Physics pa man din yun.
Lakad-takbo ako papunta sa second floor, muntik pa akong matisod sa hagdan.
I breathed heavily as I reached the door.
Pagbukas ko ng pintuan ay napatingin lahat ng kaklase ko sa akin, pati si Ms. Bermudez, ang Physics teacher ko.
'Tanga mo Kath, sino ba kasi nagsabing sa front door ka pumasok?'
"Good Morning, ma'am. Sorry for bei--" I was about to explain when she cut me off.
"Pumasok ka pa.'' Sarkastiko niyang sabi.
''Out.'' She uttered without hesitation."Pero ma'am--"
She pointed the door. "Move.Out."
Wala na akong nagawa kundi lumabas, labag man sa aking loob. Terror na nga ang teacher, torture pa ang subject. Asan ang hustisya?!
Ikakain ko nalang to.
Bababa na naman ako, sa kabilang building pa kasi ang cafeteria.
Nagorder ako ng spag at slurpee.
10 minutes din ata bago ko nakuha ang order ko.
Hindi kasi ako nakapagbreakfast kanina, kamamadali ko. Late kasi ako nagising.Linapag ko ang pagkain ko sa table dito sa may pinakasulok, mas gusto ko dito sa tahimik.(act. mag isa lang akong kakain.)
Nakakalimang subo palang ako nang may lalaking umupo sa kaharap kong upuan at sumubsob sa table. Wow.
''Kuya!'' Tawag ko rito.
"Uy, kuya!"
"Pst!"
Napamura ako ng mahina nang makita ng suot niyang headset.
I poked him.
Iniangat niya ang kaniyang ulo at tiningnan ako na parang ako na ang pinakanakakainis na tao sa paningin niya.
Sandali akong napamaang.
Hindi ko naman kasi ikakaila, gwapo naman kasi siya. Masungit nga lang.Nabalik lang ako sa realidad, ng lalong kumunot ang noo niya.
I blinked a few times. Pero magsasalita na sana ulit ako ng sumubsob na na naman siya. Kaya kinuhit ko siya ulit.
"What?!" Naiirita niyang tanong.
Aba, englishero!
"Ang dami pong bakante," nakangiti kong sabi pero inirapan niya lang ako at sumubsob ulit.
"Huy!" Kinuhit ko ito.
"What's your problem?!" sigaw niya, halatang inis na inis. Aba! Siya pa galit?!
Luminga linga ako sa paligid, buti nalang walang tao.
I placed my index finger on my lips. "Sshh.."He blandly stared at me.
Katakot."Sabi ko, andami pa pong bakante," sabi ko sabay turo sa mga ibang tables, pero nanatili siyang nakatingin, nakakunot ang noo at salubong ang kilay.
Nagkatitigan pa kami ng siguro tatlumpong segundo.
Kinuha ko ang pagkain ko at ako nalang ang lumipat sa ibang table. Padabog ko itong inilapag. Ang bait bait ko na ngang nakiusap, iirapan niya lang ako.Umupo na ako at susubo na sana ulit ng magring ang bell for 2nd subject. Leche!
Iniwan ko nalang yong spag at yung slurpee nalang ang dinala ko. Magtutooth brush pa'ko. Parang wala na tuloy akong ganang pumasok. Sa kaiisip hindi ko namalayang asa locker area na pala ako.
BERNARDO.
BERNARDO.
BER-Nakaikot na ako pero hindi pa din nahahanap ang apelyido ko, hindi ko pa kasi kabisado e. Nabago kasi yung akin e.
Nakapamaywang akong tumingon sa mga blue lo--, T-teka.. blue lockers? Shit. Asa boys' locker area ako.
Tanga! TANGA! tanga tanga mo Kath, kahit kailan.
Sumipsip ako sa slurpee ko. Opo, hindi pa po ubos.
Paalis na ako, nang may mabangga akong matigas."What the fvck!" sigaw ng isang lalaki. Dali dali nitong pinunasan ang kaniyang ehem-- abs gamit ang towel na nakaikot sa leeg niya.
Ikaw ba naman makakita ng---pandesal este abs ng harap harapan hindi ka ba mabibilaukan? Nabigyan tuloy siya ng instant shower.
Iniangat ko ang tingon ko at...
"You?!!"
"Ikaw?!" Halos sabay naming sigaw at tinuro ako. The boy at the cafeteria, yea, you read it right.
Agad akong nagtatakbo hanggang sa masigurado kong hindi na niya ako makikita.
I prayed silently na sana hindi na kami magkikita.
Friday the 13th ba ngayon at ang malas ko?!!Pumasok ako agad pagkatapos kong magtoothbrush at magbihis, natalsikan rin kasi ako kanina buti nalang may spare uniform ako. Siya naman kasi may kasalanan e, sino ba kasi nagasabing rumampa siya ng walang damit--I mean half naked?! Anong tingin niya dito? Bahay niya?
Talaga Kath? E sino bang mali ang napuntahan? said a little voice. Arrgh! Mababaliw na ako.
Umayos ako ng upo nang pumasok na ang teacher, 10 minutes akong late kanina, buti nalang late din si Mr. Deza.
"Jeon Jungkook?" tawag ni Mr. Deza. Nagchecheck kasi siya ng attendance.
"Ano? Wala--" natigil siya ng pumasok ang isang-- siya. Dali dali akong nagtago. May narinig akong naghagikgikang mga babae.
Magkaklase kami?!
"Ba't wala ka kaninang first period Mister?" tanong ni Mr. Deza sa kaniya.
"I can't understand you.'' Bored niyang sagot.
''Owh'' ang tanging nasabi ni Mr. Deza. Mukhang napahiya. "So you are the new student. Okay, go to your seat." sabi nito, nang hindi man lamang pinansin ang pambabastos sa kaniya.
"Kathryn Chandria Bernardo." My seatmate nudge me. I mentally cursed at napadaing nang mauntog ako sa desk upang tumayo, I massaged my head. That hurt. Nang makaayos ako ng upo ay napatingin ang mga kaklase ko at nagtawanan.
I raised my hand at pilit akong ngumiti. "Sir! Present!"
Hindi niya sana ako nakita.
"Late ka ba kanina Ms. Bernardo?" tanong ni Mr. Deza.
"Y-yes sir."
"Okay, so Mr. Jeon Jungkook, after the class, please go with Ms. Bernardo to the faculty room and see Ms. Bermudez."
Napatingin ito sa akin.
Nagiwas ako ng tingin. Patay.---
Pagbigyan niyo na po ang grammar ko. .