YMMR VIII:
Wala akong ginawa buong sunday kundi mag-aral, kumain, manood, magsurf, at makipagbugbugan kay kuya. Wala rin akong ganang lumabas kaya maghapon talaga ako sa bahay. At pag nag-eenjoy ka talaga-except for my bother's company- e mabilis lilipas ang oras, MONDAY NA NAMAN! Ang ikinaexcite ko lang talaga ngayon ay ang pag-alis ni kuya sa bahay, balik-trabaho na siya, atleast peaceful na don.
"Good morning, cous!" I frowned when I heard his voice. May mas malalas pa ba sa simula ng araw ko?
I didn't bother to face him and continued walking. Maya-maya ay nasa tabi ko na siya.
"What's with the foul mood?" Tanong niya pero hindi ko pinansin. "Hala nahulog!" Asar nito. tumingin ako sa kaniya ng nakabusangot. "Yung eyebags mo nahulog!" Sabi nito at tumawa ng malakas.
Binilisan ko ang lakad at naalala ang pag pupuyat ko kagabi para lang makuha ang number ni Fia. Acquaintance kami pero hindi namin naisip magexchange ng number, yung babaeng yun kasi, wala ni isang social account, email lang, at kagabi ko lang nalaman yun, naghanap ako sa mga social accounts ko, sinearch ko siya, wala.
Pagtunog ng bell ay bagsak agad ako sa upuan ko, kailangan kong bumawe ng tulog, tutal napag-aralan kona rin naman yung lesson namin sa Physics ngayon. Ginawa kong unan yung bag ko at umidlip, eto talaga perks ng nasa hulihan ang upuan e.
Matapos ang isang oras ay naalimpungatan ako sa tunog ng bell. Saktong-sakto gising ko kaso bitin. I rubbed my eyes and brought out my book for our next subject. Konting tiis nalang Kath, breaktime na. Pinilit kong magfocus sa dinidiscuss ni Mr. Deza, pinilit talaga kasi konti nalang matatalo na ako ng antok.
I lazily stood from my seat and walked out of the room when the bell finally rang. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng may maramdaman akong mabigat sa balikat ko.
"Hi Kath!" Bati nina Sulli at Ronnie sa tabi ko na ngayon ko lang naalalang nakapasok na pala. Ngumiti ako sa kanila at kumaway.
"Hello Ms. Eyebooger. Masarap ba tulog mo?" Narinig ko ang boses ni Kristoffer na nakaakbay sa kin. My hands instantly flew to my eyes. Tumawa silang tatlo. I slapped my cousin's hand around my shoulder. "Wala naman e!"
"Asus. Naco-concious siya kay Ronnie!" Pang-aasar nito at nag-make face ako.
"You look so stressed," kumento ni Sulli na tinanguhan ko lang.
"Ba't kayo-kayo lang? asan na yung mga kaibigan mo, Sulli?" Tanong ko sa kaniya habang papasok na kami sa cafeteria.
"There!" May itinuro siya sa napakadaming taong cafeteria at hinanap ng mata ko ang itinuturo niya.
"The girl with the most bored look." Sabi ni Ronnie at agad kong napansin yung isang babae na walang kaemo-emosyon ang mukha habang nakapatong sa kamay ang baba.
"Ba't mag-isa?" Tanong ko ulit pero naglakad na yung tatlo at pumunta sa table nung babae. Hindi man lang nagbago yung reaksyon nung babae nung makita sila Sulli. Sinenyasan ako ni Kristoffer na lumapit kaya naglakad na'ko.
"Kathryn, this is Momo, my friend from Korea. Momo, this is Kathryn." Excited na pakilala ni Sulli. Ngumiti ng tipid si Momo sakin kaya ginantihan ko rin siya. Para siyang girl-version ni Jungkook nung una ko siyang nakilala.
"Natural na sa kaniya yan." Bulong ni Sulli sa tenga ko na nagpatawa sakin. Halata naman sa itsura.
Tumayo ang dalawang lalaki at nagpaalam na mag-oorder ng pagkain namin at umupo na ako.
"I can't see him." Sabi ni Momo
"She's talking about our other friend. Nalaman namin na nauna na pala siyang pumasok sa'min pero hindi pa namin siya nakikita.." explain ni Sulli na sumagot sa tanong ko kanina. Tumango ako.
"Wala ba kayong contact sa kaniya?" Tanong ko ulit.
"He changed his number," sagot ni Momo, for the first time ay kinausap niya ako. I nodded.
"Aba, girl talk ba to? Alis na ba kami?" Lumapit samin ang dalawang may hawak na dalawang tray na puno ng pagkain, we all gave Kristoffer glares, except for Ronnie who's just smiling and shaking his head at the side. Nabaling naman sa cellphone niya si Sulli ng tumunog ito.
"We're talking about--" Nakatutok ang dalawang lalaki sa susunod na sasabihin ni Momo ng mapatayo si Sulli, she started talking korean kaya napakunot ang noo ko.
"Really?" Relief flashed on Momo's face, another first time,"Finally, may gagawin na rin akong interesting."
"Girls, don't be selfish," nagmamaktol na sabi ni 'Tops.
"It's an invitation for tito Paul's birthday celebration," sabi ni Sulli. Nagkatinginan kami kay Kristoffer at nagkibit-balikat siya. I started digging my plate. Si Ronnie naman ay walang reaksyon, napasimangot si Sulli sa kaniya,"You knew?"
Maging ang pinsan ko ay kumain na rin pero pareho parin kaming nakikinig sa usapan.
Ronnie shrugs,"Jake told me."
"May contact ka pala kay Jake, ba't di mo sinabi?" Sulli frowned.
"You didn't ask." sulli's frown deepened. Well, boys.
I cleared my throat,"Okay guys, mamaya niyo na pag-usapan yan. Kumain muna kayo at malapit nang--" napatigil ako when the bell rang,"..matapos ang breaktime," I finished my sentence.
"We'll talk over this after class," Sulli stated and eyed Ronnie, he nodded. "Pati kayo," tinuro niya kami ni 'Tops at umalis na.
Katatapos lang ng last class ko at naprepare ko na ang mga gamit ko, I swung my bag on my shoulder nang tawagin ako ni Mr. Falcon na ka-aayos rin lang ng gamit niya sa harap. Pumunta ako sa kaniya at may binigay siyang folder,"Drop this off the faculty room on my desk, if you won't mind?" our fifty-six year old teacher smiled. Tumango ako,"No, sir." Kinuha ko ang folder at lumabas ng classroom. I walked through the hallways that are usually filled with noise, malamang katatapos lang ng klase. Pagkarating ko ng faculty room ay nakita ko si Mr. Deza sa desk niya, nagpaalam ako at tumango lang ang matanda na nakatutok sa laptop niya. I laid the folder on Mr Falcon's table when suddenly I a heard a voice which I recognized as Olivia Bermudez's. Mukhang galit ito sa tano at talas ng pananalita niya, I can't clearly hear her words so I quietly went out of the room.
Nang makalabas ay naisip ko kung sinong kausap ni Bermudez, the thought of her fighting with my brother made me smile. Nadivert ang attention ko sa cellphone ko ng magvibrate ito. I fished it out of my jean's pocket and read Kristoffer's message: Sa ice cream parlor daw tayo. I'm at the gate. Nauna na sila.
Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at naglakad, binagalan ko ang paglalakad para mainis siya, maya-maya ay nakita ko na ang pinsan kong ala-model kung magpose at kung makasandal sa tabi ng gate habang nakapamulsa.
Lumapit ako sa kaniya at agad niya naman akong nakita, nakabusangot ito. "Nako tamang-tama naghahanap ako ng model para sa clothing line ko. Contact me if you are interested," I teased him in a gay voice and offered him a virtual calling card with my hand.
Imbes na matawa ay inirapan ako nito,"Paimportante ka rin e no? natraffic ka ba? ba't antagal mo?" Sunod-sunod niyang reklamo.
Natawa ako at nag-make face. "Halika na," hinila ko siya sa tenga at nagsisigaw siya hanggang makalabas kami, kapal talaga ng mukha, walang pakialam kahit pinagtitinginan na ng ibang estudyante.
"Sasama ba talaga tayo?" Tanong ko sa kaniya nang bitiwan ko na ang tenga niya dahil sa nakaririndi niyang sigaw.
He shrugs. "Wala ka na ngang ginagawa maghapon, puro ka higa, hindi ka naman tumataba. Hindi naman nakakasakit yung lumabas ng isang beses," sermon nito.
"Hindi kasi ako party boy!" Irap ko at tumawa siya.
"Sabihin ko lang maraming guwapo do'n, baka naka-PJ ka pang pupunta,"tawa niya at pinalo ko ang balikat niya.
@thezelien