YMMR VI:
I stopped myself from smiling when I heard his heartily laugh. Maya-maya ay sumulpot na naman ang librarian at binigyan kami ng warning. Nailing nalang ako ng tumawa lang si JK. Inilabas ko ang reading glasses ko at binuklat ang booklet at pumunta sa girl's page at nagsimulang maghanap..
"This.." tumigil ako at itinuro ang picture ni Fia na naka-retainer pa(wala na ngayon) at messy bun at nakangisi sa camera"..is Sofia Andres. She's the class valedictorian candidate, at galing siya sa isang wealthy family. She is called a nerd sometimes because she only focuses on making her parents proud, loner, but a just a little makeover and she'll be perfect." Explain ko. Tumango-tango siya at agad ko namang isinulat sa listahan si Sofia. Lumipat ako sa ibang page at tumigil sa isa sa pinakaiinisan kong babae.
"At ito naman si Jenny Lopez.." mapait kong pakilala sa babaeng nakahigh ponytail at nakalagay ang dalawang kamay sa hips habang nakahawak ng pompoms at nakangiti, ayoko kasi talaga ng ugali, wala naman sa standards ng koreanong 'to ang magandang ugali kaya sinali ko na, tsaka bagay na bagay kaya sila, pareho sila ng ugali. Mukhang nahalata niya ang asido sa pagbigkas ko sa pangalan ni Jenny pero hindi na niya yon pinansin "...her mother is British and she's a cheerleader." Tumingin ako sa lalaki sa tabi ko at sa akin siya nakatingin at nakapinta sa mukha niya ang amusement.
"Why do you hate her?" Amused at curious niyang tanong. Akala ko lang pala yung hindi niya mapapansin. Kumunot ang noo ko at kunwari hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Hate who?" Painosente kong tanong.
"Jenny. Come on KC. From the way you talk about her, you sound like you want to skin her alive," I cringe at his comment, grabe naman yung skin her alive.
"Huwag mo ng isipin yon, isipin mo yung date mo," naiirita kong sabi, I don't want to talk about that girl. He shrugged his shoulders.
"Moving on.." inilipat ko ang page "..eto naman si Erika Montenegro.."nakahip-hop outfit si Erika sa picture habang nakalugay ang buhok at naka peace sign, nauubusan ako ng English sa lalaking to "..she's the Dance club president and the volleyball varsity team captain."
Pinakilala ko pa si Mika Romualdez, ang black-belter sa taekwondo team, at ang kambal na Sabrina at Samantha Torres na parte din ng cheerleading squad. Ibinigay ko sa kaniya ang notebook na may basic descriptions ng anim na babae. Pero imbis na basahin niya yon ay kinuha niya ang booklet at inilipat yon. Tumigil siya at ibinigay sa'kin.
"What about her?" Nakangisi niyang tanong. Tiningnan ko ang booklet at bumungad ang babaeng naka university uniform, nakabaseball cap at thick glasses at nakabungisngis sa camera, who turned out to be..
"Won't you describe her for me KC?" ..me
I shot him a glare.
"Those are your potential candidates, JK." naiinis kong sabi, tinutukoy ang listahan.
Tatawa-tawa niyang kinuha ang notebook.
"And Jenny ain't simple pala, she's materialistic and maarte." Pahabol ko at inikot-ikot pa ang kamay ko sa mukha ko, telling him she's the clown-type-of-girl.
Tumawa ito ng malakas sa sinabi ko.
Baliw rin tong isang 'to."What the.." pareho kaming napatalon kay koreano ng biglang sumulpot sa harapan namin ang librarian ng nakapamaywang. "Out.Now." she furiously said, sending us glares.
"See you around, KC." tumayo ang lecheng lalaking yon dala ang notebook ko at iniwan ako. Bumaling sa'kin ang librarian at nagmadali kong ibinalik ang class testimonials at lumabas ng library.