YMMR IV:
"I gotta go, I'll just text you." pagkasabi'y umalis na ito. Naiwan akong nakanganga.
WHAT THE FVCK?***
Pag-uwi ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin ang isang napakasarap na amoy.
Pumikit ako at linanghap ang amoy na iyon."Kathryn.." binuksan ko ang aking mata at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni mama habang may hawak pang sandok at nakasuot ng apron. Nginitian ko rin ito. "...magpalit ka na at kakain na tayo."
Tumango ako at agad umakyat sa kuwarto. Dali-dali akong nag-shower at nagbihis at dumiretso pababa sa dining room.
Bumungad sa akin ang mukha ng kuya ko.
"Oh? Why are you here?" tinaasan ko ito ng kilay.
"I missed you, too, li'l sis." he blandly stated. I sticked my tongue out.
"You did your routines for 20 minutes? Wow! That's a record." kunwari'y bilib na bilib ito. I rolled my eyes. "Whatever." Sinasabi ko na ngayon, magkaugaling-magkaugali sila ni Lyle, kaya sila rin ay magkasundo.
"Kain na, tama na yan." mahinahong sabi ni mama.
Umupo na ako at nagsimulang magsandok ng kanin at ng paborito kong adobong sitaw at pakbet.
"Daming kinakain, 'di tumataba," bulong ni kuya, pero rinig ko naman. Hindi ko ito pinansin.
"Si papa, ma?" pagwawala ko ng topic at liningon si mama.
"Overtime."
Tumango ako. Sanay na naman na ako, pero naiintindihan ko naman, alam kong mahirap ang trabaho niya. Mabuti na nga lang at hindi sila gaya ng ibang parents na masiyadong strict, well si papa, medyo strikto. Buti nalang mabait akong anak.
"How's your work?" tanong naman ni mama kay kuya habang kumakain.
Nagkibit-balikat ito. "Okay lang."
Si kuya, chef sa isang kilalang restaurant. Pagkatapos niyang mag-aral, naghanap na agad siya ng trabaho, gusto na raw niyang maging independent, may sarili na nga siyang condo na siya mismo ang nagpundar, umuuwi siya tatlong beses sa isang linggo, kaya hindi ko siya namiss. Nagmana siya kay mama, magaling magluto. Kaya minsan nakakantyawan ako ng mga pinsan ko kasi boploks ako pagdating sa mga luto-luto na 'yan!
"Ma, okay lang ba kung mag-abroad ako?" narinig kong tanong ni kuya kaya agad akong napalingon rito. Pati si mama ay halatang nagulat rin.
"Sigurado ka ba anak?" nag-aalala ang boses ni mama.
"Opo, may inoffer po kasi yung head chef namin. Isasama niya raw ako sa France, bilang sous chef niya." agad namang sagot ni kuya. Medyo nalungkot ako. Nasanay kasi akong hindi siya masyadong malayo sa akin, kahit noong college siya ay magkakasama parin kami.
"Ikaw kung gusto mo. Sa akin, okay lang. But you should ask your father, too."
"Siyempre naman po." nakangiting sabi nito. Bumaling naman siya sa'kin.
"Ikaw, papayagan mo ba ako?" tanong nito. Tinaasan ko ito ng kilay, "Hindi."
Nagkatinginan sila kuya at mama. "Biro lang. Basta ba sasama mo ko." Siya naman ang nagtaas ng kilay. "Asa ka." Inirapan ko ito.
"Uuwi-uwi rin naman ako. Hindi pa ako nakakaalis namimiss mo na ako." sabi nito tapos tumawa.
"Kapal mo." Taas-kilay kong tugon at inirapan siya. "Kahit huwag ka ng bumalik!" kunwari'y pagsusungit ko sa kaniya. Tumawa lamang ito.