YMMR IX:
Sulli is frantically waving her hand when we stepped in the shop. Napangiti ako.
"First of all, boys, mag-order," itinuro ni Sulli ang counter at naiiling lang na sumunod ang dalawa, ako naman ay umupo.
"Do we really need to go?" Nag-aalangan kong tanong at tiningnan si Sulli. Hindi ko first time umattend ng party, pero first time kong pumunta ng hindi invited.
"Of course! We are friends naman, diba Momo?" Sabi niya sa mataas na boses at tiningnan niya si Momo na walang naririnig habang nakatutok sa cellphone.
"Oo daw," sabi ni Sulli at tumawa. Bumalik na ang dalawa at inilapag ang order, alam ni Kristoffer ang gusto kong flavor kaya wala akong reklamo.
"So.."panimula ni Sulli kaya napatingin kami sa kaniya, except kay Momo. "Aatend lahat," she stated, hindi niya tinanong, sinabi niya talaga. "..pero required na may date." Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Sulli. Date? Seryoso?
"Kaso lima tayo--"
"I already have a date," sabi ni Momo kaya napakunot ang noo ni Sulli. Lahat kami bumaling sa kaniya. Kristoffer whistled, muttering something along, 'fast girl'
"Sino?" Tanong ni Ronnie
"Miguel Arden." Sabi niya na hindi parin tumitingin sa amin.
"Oh, so mahilig ka pala sa jocks," sabi ni 'Tops at halos mabilaukan ako ng mapaatras siya sa upuan niya nang tingnan siya ng matalim ni Momo, takot na takot si Kristoffer. The confused looks on the two's faces vanished and laughed.
"She has issues with jocks, siguro exemption si Arden."sabi ni Sulli na natatawa na inirapan ni Momo.
"Jock ba agad may sport lang na alam? At may sense siya kausap," depensa ni Momo sa date niya at tiningnan si Kristoffer.
"Oo na, hindi na siya jock," surrender na sabi ni Kristoffer.
Siyempre kilala ko si Arden, parte siya ng swimming team pati ng debate team, tahimik siya pero pag nagsalita, may sense. Kaya siguro nagkasundo sila ni Momo.
"And I'll be with Kristoffer!" Sulli declared cheerfully. Kristoffer turned to her and gave her a knowing smile. Napakunot ang noo ko samantalang nabilaukan naman si Ronnie. "What?!" He gaped at the two.
"And you two will be together! Sounds good right?" Itinuro kami ni Ronnie ni Sulli na hindi pinansin ang reaksyon ni Ronnie, at doon nagregister sa'kin ang nangyayari.
Hindi ko naapigilan ang paginit ng mukha ko.
"Aww, Kathy-baby is blushing," Kristoffer cooed and I shot him a glare.
"You definitely planned this," said Ronnie shaking his head.
"It's okay, it's just for the party naman. Tsaka I've my missed my bestfriend, too," sabi ni Sulli habang nakangisi parin at inakbayan si Kristoffer at pinisil ang ilong. Nang tingnan ko si 'Tops na nasa harap ko ay itinaas-baba niya ang kaniyang kilay, I kicked his legs beneath the table at napadaing ito.
Pagkatapos ng ilan pang minutong usapan at kuwentuhan ay umuwi na kami. Sabi ni Sulli, formal daw ang party kaya nag-panic ako pero siyempre planadong-planado niya na lahat, puwede daw niya akong pahiramin pero tumanggi ako, may mga dress ako sa bahay pero hindi ko sinusuot kasi hindi kumportable. Marami pang time magprepare kasi next weekend pa ang party. Napailing ako, ilang araw ko lang silang nakilala, gan'to na nila ako itrato, mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko na lagi ko silang kasama.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa bahay at nagpalit, sweatpants at humugot nalang ako ng kahit anong disenteng t-shirt. Shorten period kami kanina kaya maaga kaming nadismiss at alas singko palang. Umupo ako sa study table sa tabi ng kama ko at tinapos ang mga homeworks. After 45 minutes bumaba ako sa kitchen at naghaluglog.
Dumating si mama at binuksan ang oven. Nakabusangot akong tumingin sa kaniya at agad napangiti nang makita ang inilabas niya mula sa oven. Cupcakes. Lumapit ako sa kaniya at kukuha sana ng mapangiwi ng dumapi sa balat ko ang init nito.
"Ano okasyon mother?" tanong ko sa kaniya habang tinatransfer niya sa ibang tray ang batch ng cupcake.
Nagkibit-balikat ito. "Gusto ko lang."
Umupo ako sa counter at pinanood si mama habang linalagyan ng icing isa-isa yung mga cupcakes. Inirapan niya ako, I smiled at her sheepishly and got off the counter and wrnt to stand beside her.
"Ah oo nga pala. Text mo nga papa mo't tanungin mo kung uuwi siya ngayon." Bumaba ako sa counter at tumaas sa kuwarto. I grabbed my phone from the study table and sent a text to my father, na ilang linggo ko ng di nakikita. Pagbaba ko sa hagdan ay may nareceive akong text, akala ko si papa ng iopen ko agad.
JK: Amusement Park, now. Napakunot ang noo ko at umirap. Napakademanding talaga ng koreanong 'to. At naalala ko, hindi ko nakita ni anino niya sa school.
Maya-maya ay nagvibrate na naman ang phone ko sakto pagbaba ko sa kitchen.
Papa: Hindi anak, sorry. Nagtype ako ng reply at bumaling kay mama. "Hindi daw ma." Pumunta ako sa kaniya at kumuha ng tatlong cupcakes na hindi pa nalalagyan ng icing mula sa tray.
"Sa park lang ako mama." palam ko at kumagat sa cupcake.
"6:30." sabi niya ng hindi tumitingin sakin at napangiti ako, buti at hindi na siya nagtanong.
"Yes ma." lumabas na ako sa pintuan at nakangiting naglakad habang ngumunguya ng cupcake. Buti nalang at walking distance lang ang park mula sa bahay, nadadaanan ko yun pag pumupunta ako ng Uni. Palubog na ang araw kaya wala ng tao sa park pagdating ko, may nakita akong pamilyar sa may bench. Unti-unti akong lumapit at naglakad habang nakatalikod siya sakin.
"BOO!" hinawakan ko ang balikat niya and he jolted. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas. Nang humarap siya ay lalo akong tumawa, gulat na gulat yung mukha niya, his face softened when he saw me, at biglang nagbago yung ekspresyon, parang nung kinuhit ko siya sa cafeteria at inistorbo sa pag-idlip niya.
"Not funny," he grunted, I stopped laughing but I can't stop letting out a chuckle.
"Your face was priceless," natatawa kong sabi. Bigla niyang hinablot ang nasa kamay ko kaya nawala ang ngisi sa mukha ko, isinubo niya ng buo ang cupcake ko.
"Hoy! Last na yan e!" I growled pointing at him. I frowned and puckered my lower lip. Yung plano kong inggitin siya wala na. I heard him coughed at may tumalsik pa sa direksiyon ko. Napangiwi ako sa kaniya.
Dalian niyang linunok ang kinakain niya. "Sorry," he apologized and smiled sheepishly. Naglakad ako papunta sa may swing, naalala ko, dito kami lagi naglalaro nila kuya at Kristoffer nun, pinaupo nila ako sa may swing tas tinulak agad ako ni Kristoffer e hindi pa ako nakakahawak sa chain, sumubsob ako sa damuhan, yung kapatid ko, imbes na tulungan ako sinabayan pa si 'Tops sa pagtawa.
"Care to share?" I was taken aback when Jungkook spoke. "You're smiling at the swing? Seriously?" he mocked. Napailing lang ako at umupo do'n.
Siya rin ay umupo sa katapat kong bench. Kinuha niya ang di ko napansing notebook sa tabi niya at inabot sa'kin. Kinuha ko yon, yung notebook na sinulatan ko no'n ng tungkol sa mga date candidates kuno niya.
"So, Sofia? Good choice." I smiled and he smirked.
"I hope so. I was contemplating of choosing between her and Jenny," sabi niya. I scowled and he laughed at my reaction.
"Hindi kita nakita maghapon sa school," I said to keep the conversation going. Napansin ko na nakakaintindi naman siya konti ng tagalog.
"I made it to morning classes, but not after lunch," sabi niya tumango ako. Hindi ko siya napansin e.
Mukhang nabasa niya ang iniisip ko at nagsalita ulit. "You were drooling on your desk the whole morning." he teased and laughed at me.
"Was not!" I defended and glared at him. "So you were observing me?" I joked and he was caught off guard for a moment.
"In your dreams, KC." sabi niya na tinawanan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nickname niya sa'kin.