YMMR II

205 8 0
                                    

YMMR II:

Pagkatapos ng klase, dali dali akong lumabas ng classroom. Ayoko ko nga siyang makasama, masapak pa'ko nun e. Nakahawak ako ng mahigpit sa straps ng backpack ko habang nakayukong tumatakbo ng may makabangga na naman ako.

Napahawak ako sa noo.

"What are you doing? You look stupid!"

Napasimangot ako. Akala ko pa naman makakatakas ako.

"Hey!" Pinitik niya ako sa noo. "Don't waste my time."

Padabog akong naglakad ng mabilis.

"Hey! Walk slower!" narinig kong reklamo niya pero hindi ko siya pinansin at dumire-diretso sa faculty room.

"Good Afternoon, ma'am" bati ko kay Ms. Bermudez.

Taas-kilay itong tumingin sa akin, ngunit nang mapatingin siya sa aking likuran ay umamo ang kanyang mukha. Tumayo ito at linagpasan ako.

"Mr. Jeon."

Nakatingin lang ito kay Ms. Bermudez.

"How's your first day?" tanong ni Ms. Bermudez.

"Stop asking and say what you need to say." pagtataray nito.

"Oh." ang tanging nasabi ni Ms. Bermudez. Lumingon ito sa gawi ko at sinenyasan akong lumapit. Ang hilig magpahiya ng koreanong to, pansin ko.

"So Mr. Jungkook, I'll asign Ms. Bernardo to be your tutor for the lessons you have skipped."

"PO?!" Anong pinagsasasabi ng isang to?

"Nagrereklamo ka?" taas-kilay niyang tanong.

"Pero bakit po ako?" Nakakainis naman. "Iba nalang po."

"It's your punishment dahil sa pagiging late mo kanina."

"Bakit sobra naman po? Detention nalang."malumanay pero mejo naiinis kong tanong.

"Ok.." nagpamaywang ito at humarap sa akin. "'Pag pumayag ka, I'll add some credits sa grades mo."

Kumunot ang noo ko.

"..at diba running for salutatorian ka? Ayaw mo nun? Madadagdagan ang extra mo."

"Huwag na po." tanggi ko at umiling.

Kumunot na ang noo nito. E sa ayoko talaga e!

"Pag di ka pumayag, hindi kita papayagang manominate as student council." pagbabanta nito.

Siya kasi ang adviser ng Supreme Student Council, kaya talagang may pamblack-mail siya sakin. Kainis!

Gagawin niya talaga lahat, makuha lang ang gusto niya. Huminga ako ng malalim. "Ano pa nga ba'ng magagawa ko?"

Ngumiti ito. Yung ngiting parang may nagawang accomplished.

Ngumiti ka pa! I'll rip your lips apart! bulong ko. Napatingin silang dalawa sa akin. Si panget ngumiti ng nakakaloko, "May sinasabi ka Ms. Bernardo?" tanong na naman niya.

Ngumiti ako ng pilit. "Wala po, ma'am"

"Good." Nang makatalikod na siya ay nagmake face ako. Madapa ka sana.

I stomped my foot.

"Ehem!" Kunot-noo akong lumingon sa gawi niya. Nakakairita siya! Salot siya sa buhay ko!

"Arrghh!!!" napaatras siya sa sigaw ko. Buti nalang wala ng teachers dito sa FR, nasa conference room lahat.

Nagdadabog akong lumabas. Nakakaasar 'yang Bermudez na 'yan! Mananamantala siya! I hate her!

Naglalakad ako pauwe nang may umakbay sa akin.
"Wala ka bang sundo?" tanong ni Lyle, pinsan ko. Actually paborito ko siyang pinsan, sa kanya lang kasi ako pinakumportable sa lahat ng mga pinsan ko, pero at the same time, kaaway ko rin siya, grabe siya kung mang-asar.

Tumaas ang kilay ko. Pinagsasabi nito?
"Sundo? Kailan pa ako nagkasundo?" natatawa ko ding tanong.

Tumawa rin ito. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin at nagpamulsa. "Mag-isa kang uuwi?" tanong nito.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Lalo itong natawa. Napakanonsense talaga nito! Pero ramdam ko, may gustong malaman to o itanong.

Pinanliitan ko ito ng mata. "Tanungin mo na ang gusto mong itanong, habang asa mood pa ako."

Nagkamot ito ng batok. "Wala talaga akong takas sayo."

"Ano nga?"

"Close ba kayo nung new student?"

Alam kong siya yun, yung koreanong mayabang,

Tumigil ako at hinarap siya. "Bakit mo natanong?"

Nagkibit balikat ito. "Wala lang."

"Crush mo no?" pang-aasar ko.
Binatukan niya ako. Aba. "Aray!"

"Loko ka! Ano ako bading?"

"Tingnan mo, defensive," biro ko.

"Ano na nga? Close ba kayo?"

"Hindi a! Salot yun e!" sagot ko at umirap. Umiinit ang ulo ko pag naaalala ko siya.

"Bakit naman?"

"Basta! Nadadagdagan mga trabaho ko sa kanya. Akala mo na kung sino na namang may pakana!" naiinis kong sabi.

"Yung hipag mo na naman?" tanong nito. Lalong uminit ang ulo ko.

"Hindi ko hipag yun no, hindi ako papayag pag nakasal man sila ni kuya!" si babaitang Bermudez ang tinutukoy namin, girlfriend ni kuya. Hindi ko nga alam paanong nagustuhan ni kuya yun! Maganda nga, bruha naman ang ugali, pinahihirapan pa ako lagi. Mananamantala!

"Huy Kath! Dito ka na diba?" Luminga-linga ako. Hala! Asa tapat na pala ako ng bahay.

"Nagse-space out ka! Iniisip mo yung new student no? Siguro ikaw ang may crush sa kanya?" inirapan ko ito

"Hindi a! Nahihibang ka na ba?" pagtanggi ko

"Sus, defensive!"

"Hindi nga e!"

"Oo na." sabi nito nang hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi niya. "Sige, uwi na rin ako." Kumaway ito. "Bye!"

"Sige, salamat sa paghatid!"

"Hatid? E jan lang naman ang bahay ko?" natatawa nitong sabi habang nakaturo sa pangatlong bahay mula sa amin.

Inirapan ko ito. "Um-oo ka nalang!"

...
Pasensya na sa short UD.
Busy po e.

You're My Miss Right (Jungkook and  Kathryn FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon