Annaice's Pov
"Anaiiiiiice! Sige na please." pakiusap ng isang kaklase ko sa akin. 'Di naman kami close pero bakit siya nagkakaganito sa'kin?
"I'm sorry pero marami pa kasi akong gagawin..." I paused nang hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin since I don't know kung anong pangalan niya. Yeah, we may be classmates but it doesn't mean na kilala ko lahat ng classmates ko. Wala naman kasi akong pakialam sa paligid ko.
"It's Yeng, my name is Yeng. My gosh how come you don't know my name?!" gulat niyang tugon na parang naiinis na disappointed.
"Why would I? I mean...do I have to?" tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa'kin na parang hindi siya makapaniwala na sinabi ko yun sa kanya. "Come on, we only go to school to learn and not to do shits like having friends and stuff." maarte kong dagdag saka ako humalukipkip.
"Totoo nga ang sinasabi nila sayo. No wonder you have no friends." taas kilay niyang sabi.
"Friends? Kailangan ko ba ng kaibigan para mabuhay? Yang mga kaibigan na meron ka, totoo ba sila sayo? Are they really your friends?" pang-aasar ko sa kanya at natahimik naman siya. "Friends are just cancers. They are like posion, toxic enough to kill yourself in the end." I rolled my eyes at her.
"I have to go." sabi ko at diretso akong naglakad papalayo sa kanya at iniwan siya dun na mukhang tanga.
Tama naman ang sinabi ko ah? Whatever.
Mabilis akong naglakad papunta sa garden ng school para puntahan siya.
My best friend...my boy best friend whom I fell in love with.
That's why ayokong makipagkaibigan sa lalake eh kasi I know I'll just fall in love in the end pero anong magagawa ko? Andyan na eh.
I keep on telling myself na tumigil na ako. Na tumigil na akong umasang magkakaroon pa ng kami. Pero paano ko magagawa yun if he keeps on making me feel like he loves me the way I love him?
Tanga na kung tanga, desperada na kung despereda sa mahal ko siya.
I immediately smiled nang makita ko siyang nakaupo sa isang bench at ganun din naman siya.
"Bakit ngayon ka lang?" parang nagtatampo niyang tanong sa'kin.
"I'm sorry, kinukulit kasi ako ng isang kaklase ko kanina." sagot ko at tinabihan siya.
"Bakit raw?"
"Hindi ko alam. Nag walkout ako eh. Nakakairita." napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Baka mastress pa ako nito.
"Okay ka lang ba?" tanong niya at tiningnan ako ng seryoso.
"Oo naman why wouldn't I be?"
"Nagtatanong lang eh." 'di niya ata nagustuhan ang sagot ko. Eh ano ba ang gusto niyang sabihin ko? Na hindi ako okay? Psh.
"Nga pala kumain ka muna." maya-maya ay sinabi niya sabay abot sa akin ng ice cream na mukhang kakabili niya lang ata kanina.
"Kanina ka pa dito?" I asked him as I stared at the ice cream na binili niya sa akin. Cookies and cream, my favorite.
