Vice's POV
6:30 am pa lang ay bihis na ako para sa trabaho, di rin kasi ako makatulog dahil paulit ulit akong binabagabag sa mga sinabi ni Terrence kahapon. Di ko na alam ang nararamdaman ko. Gulong gulo na ako.
Lumabas na ako ng bahay at tumungo sa pa ayusan ng cellphone dito sa barangay namin. Mga dalwanh kanto lang naman ang distansya nito mula sa bahay namin kaya mabilis din akong nakarating.
"Magandang umaga Jose", bati sakin ni Kim Atienza o mas kilalang Mang Atienza dito sa lugar namin.
"Good morning din po.", bati ko.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa unang customer ko?", tanong niya sakin.
"Eto po.", sagot ko sabay lapag ng cellphone sa wooden counter table niya.
"Ah, cellphone...alam mo ba ang unang mobile phone device ay na inbento ni Motorola, tinawag itong DynaTAC 8000X at ayun sa isang pag-aaral 4.16 billion people owns a mobile phone.", paliwanag niya.
"Ay terey, may pa trivia.", sagot ko.
Binuksan niya ang likod na parte ng cellphone ko at kinuha ang battery.
"Alam mo ba ang battery ay na diskobre ni Franklin, somewhere around 1760s, he borrowed the military term for weapons functioning together which is a "battery," to describe an array of glass jars he wired together to gather, store, and discharge an electrical charge."
"Maayos niyo po ba cellphone ko?", tanong ko.
Dinedma niya lang ako at kinuha ang sim card.
"Alam mo ba ang meaning ng abbreviation na SIM?", tanong niya.
"Hindi po, pero wala po akong balak malaman, gusto ko lang po maayos cellphone ko.", magalang kong sagot.
"Subscriber Identification Module or Subscriber Identity Module and ibig sabihin ng SIM.", paliwanag niya tas binalik niya na ang battery at sim card ko sa loob ng cellphone.
Pagkatapos niyang tignan ang cellphone ko ay may kinuha siya sa loob ng kanyang drawer na charger. He charged my phone and after a minute he pressed the power button, tas nakita ko na ang logo ng starmobile.
"Low battery lang ang dahilan ng di pagkaka-on ng cellphone mo iho.", sabi niya.
"Nakakaloka ang daming chika, tas lowbat lang pala.", sagot ko.
"Alam mo ba ang---"
"Salitang low battery ay ginagamit if your cellphone's batterry charge is about to be depleted and figuratively it can also mean "turned off" or what a person's says when he or she is not being horny.", walang hingahan at mabilis na pagdugtong ko sa kanya.
"Magaling Jose Marie. Matalinong pagpapaliwanag.", pag puri sakin ni Mang Atienza.
Nagpasalamat na ako kay Mang Atienza at nagbayad na ako. Naglakad na ko pabalik samin ng may tumawag sakin galing sa likod.
"Vice"
Lumingon ako at nakitang si RR ang may ari ng boses, "Uy"
"San punta mo?", tanong niya.
"Trabaho, pero babalik pako sa bahay may naiwan ako eh.", sagot ko.
BINABASA MO ANG
My Beki Sexytary
FanfictionWill an out and proud gay secretary be the reason for the smile of his boss's heart? --- virence fanfic