Terrence's POV
It's indeed a tiring Thursday morning. I just finished their laundry at kasalukuyan ako ngayong nagluluto sa kusina. Yes, Terrence Romeo is rendering service right now.
"Uy baliktarin mo na," utos ni Tina sakin.
"Got it," sagot ko as I tried flipping the fish I'm frying rightnow.
"Oy oy, ayusin mo. Baka masunog yung isang parte," saway ni Babot.
"Edwardo," saway ng boses na kakarating lang na si Nanay Rosario.
"Ano yang pinapagawa niyo kay Terrence?", striktang tanong nito.
"Pinaglalaba ng isada Nay," sagot ni Babot.
"Edwardo," she said intently.
"Char, shempre pina paluto. Nanay naman, ganyan na ba kayo ka tanda para makalimutan tawag dyan," dagdag na sagot ni Babot.
"Alam kong pinagluluto noya siya, yung akin lang bakit? Bisita natin yan ah," sagot ni Nanay Rosario.
Finally, someone realizes that I'm their visitor here and that I shouldn't do all these household chores.
"Nay, nag volunteer naman si Terrence, saka antagal mo maka uwi galing simbahan eh...kaya napag isipan niyang tulungan kami sa gawaing bahay," sagot ni Tina.
"Saka nanay, he seems to enjoy what he's doing. Malayong malayo sa kinagawian niyang pamumuhay," sagot ni Emma.
Tinignan lang ako ni Nanay Rosario kaya binigyan ko siya ng ngiti. I know it's somehow forced kasi pagod ako, but I can assure my self that it's genuine.
"Ay naku ewan ko sa inyo, pag nalaman ito ni Tutoy, mag aaway na naman kayong apat," sagot ni Nanay Rosario.
"Anong malalaman?", tanong ni Vice na kakalabas lang ng kwarto nila at halatang bagong gising.
"Bahala kayo diyan, aasikasuhin ko muna yung mga apo ko para maka pasok na," sagot ni Nanay Rosario at pumasok na sa kabilang kwarto.
Nagtinginan lang sina Emma, Babot at Tina. Maya maya ay patay malisya na nag ayos ng hapagkainan ang tatlo.
"Uy Rence aga mo ata?", tanong ni Vice sabay lapit sakin upang magbeso ngunit umiwas ako dahil sa pawis.
"Ay,"
"May pawis eh," sagot ko sabay punas ng noo ko.
"Arte nito," sagot niya sabay irap. "Bat ka naka ganyan? Yan susuotin mo? Saka bat mukhang ang dami mong ginawa?", sunod sunod na tanong ni Vice.
Pasagot na sana ako ng may naamoy akong parang nasusunog na sinaing.
Patay.
Agad agad ko namang pinatay ang apoy at binuksan ang kaldero nila, barehanded. Since it's made of metal and we all know metals are good conductors of heat...
"Shit!", napalakas kong sabi pagkatapos kong mabitawan ang takip, causing it to fall on the floor.
"Uy, yan kasi ang sosyal sosyal walang kaldero sa bahay," pang asar ni Vice tas kumuha siya ng basahang malines para pulutin ang hinulog kong takip. "Sino ba kasi nagsabi sayong magluto ka?"
BINABASA MO ANG
My Beki Sexytary
FanfictionWill an out and proud gay secretary be the reason for the smile of his boss's heart? --- virence fanfic