Chapter 27

1.5K 52 94
                                    

Vice's POV

"Di," tawag ko kay Terrence.

"Hmm?" Sagot niya habang inaasikaso ang gagawin niya mamaya sa meeting.

"Papunta na raw yung mga ka meeting."

"Ah? Tara na?" Tanong niya na di pa rin tinitigil ang ginagawa sa kanyang laptop.

"Depende sayo, mukhang busy ka eh." Sagot ko.

"Aish, sorry Mi. Eto na patapos na," sagot niya habang inayos ang kanyang gamit.

"Ako na nga diyan," sagot ko habang inaayos ang kanyang kailangan para mamaya, "Ayos ka lang ba? Kanina kapa aligaga diyan."

"Marami lang gawain, Mi. Lalo pa't kakasimula lang ng taon," napakamot niyang sabi.

"Sabagay, halos puno na schedule mo para sa buong taon," sagot ko habang bahagyang tinignan ang schedule niya sa cellphone ko.

Naramdaman ko ang yakap niya saking bewang at ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko, "Don't worry, di tayo mawawalan ng oras para sa isa't isa."

Tinignan ko naman siya at natawa, "Baliw, shempre magkasama tayo araw-araw eh."

"Oo nga noh?" Sagot niya, "kailan naman kaya yung gabi-gabi?" Pabulong niyang tanong.

Mahina ko namang piningot ang tenga niya habang kinalas ang kanyang yakap, "Ikaw ah, yang mga ina-ano mo...nakaka-ano. Baba na nga tayo, maya maya andun na yung ka meeting mo."

"Noted po ma'am," sagot niya.

Lumabas na nga kami ng opisina niya at tumungo sa elevator, pababa. Pagkatapos naming marating ang palapag kung saan gaganapin ang meeting ay lumabas na kami at tumungo nga roon.

Inayos ko na ang LED projector at ang white screen para sa presentation na gagawin ni Terrence. Pagkatapos na ilang minuto ay dumating na din sila.

Dating gawi, may pagpapakilalang nangyari tapos chichika si Terrence tas pirmahan na ng kontrata. Sus, si Terrence Romeo pa ba?

"We're looking forward to work with you Mr.Romeo," bati ng German investor.

"Gleichfalls sir."

"Do you mind joining us for lunch?" Tanong nito, "you can bring..." Tas tumingin sakin para makipagkamay.

"Ms. Viceral, I'm his gi—

"She's my secretary," pagputol ni Terrence sakin.

Ay

"It would be nice to join you gentlemen for lunch, but we still have a few errands to attend on," dagdag niya.

"Perhaps some another time?"

"Let's set a date for that then," sagot niya tas nagkamayan ulit sila bago lumabas ng conference room ang mga German.

Hinawakan ko kamay niya pabalik sa kanyang opisina pero nang maka salubong kami ng mga empleyado niya ay pasimple siyang bumitaw para mamulsa at gumamit ng cellphone.

My Beki SexytaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon