Chapter 16

1.8K 66 90
                                    

Vice's POV

Nakahiga pa din ako sa ibabaw na parte ng double deck, hawak hawak ang pendant sa kwintas na suot ko which was given to me by Terrence. Di na ako nakatulog ng maayos dahil panay ang pagtulo ng mga luha ko. Yes I'm hurt, I'm in pain, but I'm trying my best to be ok. Mahal ko ang mokong eh.

"Tutoy.", tawag ng boses ng taong kakapasok lang sa kwarto naming magkakapatid. "Gising kana?"

"Di pa ate eh, gustuhin ko man ma gising pero di ko magawa...", sagot ko.

Isang mahinang kurot sa bandang singit naman ang natangap ko sa kapatid kong si Tina.

"Aray teh!", reklamo ko.

"Masakit ba? Akala ko ba sanay ka na sa sakit. Eh kakarampot lang yan sa sakit na binibigay sayo niyang si Terrence eh.", sagot ni Tina sakin.

"Ate naman...", sagot ko.

"Anong ate naman?"

"Ayaw mo? O sige, kuya naman...", pang biro ko.

"Kahit kailan talaga Jose Marie...",naiiling niyang sabi. "Bumangon ka na nga dyan, ayusin mo yang kama mo ah."

"Bat pa babangon? E hihiga lang naman saka bat pa aayusin? Magugulo lang din naman ulit....", sagot ko.

"Aba, wag ka na ding huminga ah? Ma mamatay ka lang din.", sagot niya sakin.

"Sabagay, matagal na akong patay sa sakit na binibigay ni Terrence sakin."

"Ay jusko. Ilang beses ka na namin pinagsabihan dyan, di mo naman sinusunod. Malaki kana tuy, alam mo na kung anong gagawin.", sagot niya sakin.

"Babangon na lang ako teh.", sagot ko sabay bangon.

"O sige, maligo kana. Tas papabili ako sayo ng mantika mamaya sa tiange."

Tumango na lang ako at bumaba sa kama. I checked my phone para makita kung may message galing sa kanya, pero wala. He'll let me spend the day without him pala. Napabuntong hininga na lang ako at dumeretso na ako sa banyo para maligo then I went out and wore the usual clothes I wear when I'm at home. Lumabas na din ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis.

"Vice.", bati sakin ng isang taong nakaupo sa harap ng makina na pang tahi ng nanay ko.

"RR? Bat ka andito?", tanong ko habang nililipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Nanay na nananahi.

"Good morning nak.", bati sakin ni Nanay. "Tamang tama at nag uusap kami tungkol sa kurtina."

"Ah? Kurtina topic niyo? Buti pa kayo kurtina ang pinag uusapan...kami pag ibig na KONTINA lang...", sagot ko.

"Ah?", tanong ng nanay ko.

"Ah? Eh? Ih? Oh? Uh?", biro ko.

"Tutoy..."

"Echos lang nay.", sagot ko then I smiled.

"Nagpapatahi si RR ng kurtina para sa inaanak mo, baka gusto mo ikaw na mag design.", sagot ni Nanay.

"Nay, damit po yung dinedesinyohan ko."

My Beki SexytaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon